Kabanata 10

229K 10.5K 5.7K
                                    

Kabanata 10

Nag-aalangan pa akong lumapit sa kanya. My knees started wobbling, halos manghina sa talim na mga matang ipinukol nya sa akin.

His eyes are in a cold, mad glance. Miski ang labi nya ay nakapirmi at naka-igting ang kanyang panga sa akin.

"Uhm, hi." I laughed awkwardly. He remained stoic, naglakad pa akong palapit sa kanya at bahagyang tumabi.

"What are you doing here?" Malamig na sikmat nya.

"Maid?" I answered softly. Kumunot ang noo nya sa akin and I almost cursed when his thick eyebrows met.

I blinked and smiled cutely, nakita kong napahugot sya ng hininga at sinuklay ang buhok bago sumulyap sa hapag.

Napansing kong may nabuhos pang tubig sa may lamesa kaya mabilis akong lumapit sa may lababo para kumuha ng basahan.

I swiftly went to his side and was about to clean the mess when he stopped my wrist.

Gulat akong napatingin sa kanya at mabilis syang tumayo mula sa upuan nya. I was starled when he towered me, nagtaka ako nang kunin nya ang isang upuan bago ako marahang pinaupo roon.

"Wave?"

"Eat," Aniya.

"H-Huh? No!" Umiling ako.

Kinuha nya mula sa akin ang basahan at ekspertong pinunasan ang lamesa. Hindi makapaniwalang sumulyap ako sa kanya at dinala nya ang basahan sa lababo at sa pagbalik ay may panibago ng set ng pinggan.

He placed it infront of me and get me some food. I was just staring at him, my mouth parted. Nilagyan nya rin ng inumin ang baso ko bago umupo sa tabi ko at pinalitan ang pinggan nya.

"Wave..."

"Eat, Zirena." Istriktong sabi nya. I nodded at nag-aalangang kinuha ang kutsara roon. "Sina Tiya Fely, baka hindi pa--"

"They ate food earlier, nagdala ako sa bahay nila and I didn't see you." He said.

"Huh? Oo kasi nandito ako." I answered.

"That's why you should eat, hindi ka pa kumakain." Parang wala lang na sabi nya at naglagay din sa kanyang pinggan.

Wala kaming imikan habang kumakain. I was silently staring at him and never forget to compliment his looks and the way he moves.

Kahit na pagkain nya lang mukha na syang masarap. Nakakainis!

Bigla nya akong nilingon at nang magtagpo ang mata namin ay tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. His eyes now are both brown but I know better.

Uminom ako ng tubig at mabilis na tumayo sa hapag. Naramdaman ko ang titig nya sa akin pero mabilis kong nasakop ang pinggan ko at nilagay sa lababo.

Matapos ay naglakad ako sa tabi nya at tahimik na tumayo roon.

Talagang feel na feel ang role, Zirena? Halos mapailing ako sa sarili.

Nang maubos ang juice ni Wave ay mabilis akong nagsalin sa baso nya. Nagtatakang napatigil sya pero napailing sa sarili at muling kumain.

Ipinalibot ko ang tingin sa kusina habang pasimpleng hinihila pababa ang suot kong uniporme. Sakto lang sya sa itaas ng hita ko kumpara sa unang itsura nito pero bahagya akong nahiya kay Wave.

Hamak na mas maiksi ang uniporme ko kumapara sa iba dahil sa kagagawan ko.

I froze when he caught pulling my uniform. Nagsalubong ang kilay nya at pinasadahan ako ng tingin at tumigil ang titig nya sa hita kong kita sa suot ko.

Unmasking The Waves DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon