Kabanata 21

244K 10.6K 7.1K
                                    

Kabanata 21

Tulala at wala sa sarili, halos hindi ako kumukurap at nakanganga lang sa hangin.

Oh, fuck! Gusto ko nalang lumubog sa ilalim ng lupa! Kalat ang screenshots ng nakakahiyang comment ko sa social media!

Damn, they've been labelling it as "Muling Ibalik" because of our alleged relationship in the past. Okay naman siguro kung puro paghanga e hindi e! Mas marami pa ang bashers ko roon! Kung ano nang pinagsasabi nila.

Harot-harot ko daw! Hmp! Sumbong ko kayo sa Daddy ko e! But in the other thought, nah. I can't tell this to him. Ma-fifinish ako!

Akala n'ya dalagang Pilipina na ako ulit e kaso wala e. Sadyang nature ko na maging dalaga lang, walang Pilipina.

Tumitig ako sa salamin ng opisina ko at nakita ang mahinang pag-ulan sa labas ng building. I lifted my hand and draw the waves in the moist window and sighed, tumutugtog pa ang kantang malungkot sa phone ko.

"Ay? Ano 'yan? Music video?" Parang hangin na naglaho ang ambiance at maayos akong napaupo nang lumabas kung saan si Vincent.

"Ano?!" Matalas kong sabi.

"Luh? Galit? May regla ka?" Aniya. I rolled my eyes at him and crossed my arms.

"Alam mo, kasalanan mo talaga 'to e!" I spatted.

Nagulat s'ya, nanlaki ang mga mata at inilagay ang palad sa dibdib at umawang ang labi.

"Ako?" Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Bakit ako?"

"Bitch ka kasi!" I sulked.

"Luh, gaga ka! Ginawa ko sa'yo?" Naguguluhang sabi n'ya. "Walanghiya ka pagkatapos kitang ilibre kahapon aawayin mo ako!"

"Kung hindi ka sana nagpost sa IG! Kung hindi mo sana ako pinag-comment at like edi sana..." Napasandal nanaman ako sa swivel at tumili at ginulo ang buhok ko.

"Ano nanamang ginawa mong gaga ka?" Kumunot ang noo n'ya, tinatanggal ang necktie na suot.

"Hindi ko nagamit 'yunh fan accout! I used my real account to comment on his post!" I hissed.

"Huh? Fan accout? Kanino? May idol ka pala?" Gulat n'yang sabi.

Sumimangot lang ako at tinakpan ang mukha ko. Narinig ko ang tulog ng paghila ng kung ano at nakita kong hila-hila ni Vin ang isang swivel roon.

"Ano bang problema mo?" Sumeryoso ang mukha n'ya. Tumiim ang panga at puno ng pagtataka ang mga mata sa akin.

"Bakit hindi ka nalang maging lalaki, huh, Vincent?" I said non-chalantly. "Tapos ikaw nalang jojowain ko?"

Ang madilim na mga mata ay napuno nang pandidiri at parang nasusuka pa sa sinabi ko.

"Kadiri ka!" He hissed. "Bakla, kinikilabutan ako!" He showed me his goosebumps kaya napahagalpak ako habang nandidiri s'ya roon.

Napailing-iling ako sa kakatawa sa kanya at maya-maya'y binatukan s'ya kaya napamura s'ya.

"Inaano kita?!" He hissed.

"Kasalanan mo 'to!" I hissed.

"Ano ba kasi 'yun?" Napakamot s'ya ng ulo at pinakialaman ang cuffs ng suit na suot.

"Remember the ex I've been telling you? The reason why I deleted my first website and quit being a writer?" I asked.

"Oh? 'Yung niloko mo?" Aniya. Sumama ang mukha ko at sinipa s'ya.

"You jerk! Sa una lang! Di ko naman tinuloy! My laptop was stolen kaya kumalat 'yung tungkol sa kanya!" I said.

Ngumuso s'ya at tumango.

Unmasking The Waves DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon