Kabanata 23

269K 10.7K 5.5K
                                    

Kabanata 23

It was the shortest yet the most peaceful trip I've ever had. Totoo ngang kapag masaya ka ay tila napakabilis ng oras.

Tahimik ang buong van habang nasa byahe kami. Miski ako ay walang imik at ang mahinang paghinga lang ni Wave ang naririnig ko.

We weren't talking at all, inaantok man ay pinipigilan kong pumikit para damhin ang mga panahong ganito, na katabi s'ya at wala akong kahit anong problema.

Tulog s'ya kanina pero ngayon ay gising pero tahimik rin at nakasandal sa balikat ko. I saw him playing with my fingers quietly, drawing circles on my palm.

Kumakalabog ang puso ko habang pinagmamasdan ang ginagawa n'ya at pakiramdam ko ay ayaw ko ng matapos ang oras. Gusto ko na ganito na lang, na wala akong kahit anumang problema.

Being beside him is the only thing that's keeping me sane right at this moment. Gusto kong hulihin ang daliri n'yang naglalaro sa palad ko pero natatakot akong kapag nakita n'ya akong gising ay muli n'ya akong itulak palayo.

I can't help but to yawn, bigla s'yang umayos ng upo at napamura ako sa isipan ng wala sa oras. Wala na, hindi na s'ya muling sasandal sa akin.

"Sleepy?" His husky voice whispered, napatingin ako sa kanya. I got drowned the moment I saw his eyes, with those unique colors and I can't help but to gasp a little.

"H-Hindi naman," I murmured a little. I almost protest when he removed his hand on mine, akala ko'y lalayo na pero nagulat ako ng iunat n'ya ang katawan at bahagyang sumandal sa upuan.

"Come on, sleep." He said.

I was confused for a while, nangunot ang noo ko sa kanya at nagitla nang maramdaman ang palad n'ya sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya.

"W-Wave?" Gulong tanong ko.
"Sleep," Ulit n'ya at nang hindi pa rin ako gumalaw ay napanguso na s'ya at marahang inilapit ang ulo ko sa dibdib n'ya.

Of course, my heart is thumping wildly again. Alangang sumandal ako sa dibdib n'ya at kumapit sa shirt n'ya.

"A-Are you sure?" Bulong ko.

"Sleep," Ulit pa n'ya at marahang hinaplos ang buhok ko kaya sumiksik ako sa katawan n'ya. I slowly let go of his shirt and softly wrapped my arm on his waist. Naramdaman ko naman ang malalim n'yang paghinga at nilanghap ko nalang ang bango n'ya pagkaraan.

I slept peacefully for a short period of time and woke up when I felt Wave touching my face.

Nang mag-angat ako ng tingin ay naabutan kong nakatitig s'ya at tila mukhang natauhan at tumikhim sa akin.

"We're here," Aniya pagkatapos.

"S-Salamat," I smiled softly. Hindi na n'ya ako nagawang sagutin nang padabog na lumabas si Tianna sa van at tinawag ako ni Vincent.

"Let's go, babe." Ani Vincent. Saglit akong sumulyap kay Wave na nakatingin lang bago tumango kay Vin.

Vincent assisted me in going out, bitbit ko ang travelling bag ko at nakakapit ako sa braso ni Vincent habang naglalakad.

"Oh, Zambales?!" I exclaimed.

"Yup," Vincent smiled. I cheered, natawa naman s'ya at nang ituro ko ang bag ay kinuha n'ya ang camera at ibinigay sa akin.

I was enjoying the scenery of the place. There was a beach in here, it's kinda secluded pero napakaganda ng lugar.

Ang head ng naturang team building ay nauuna na sa amin na nahahati sa dalawang grupo. I saw Wave with Tianna and the other models, nairita ako nang makitang pilit na kumakapit si Tianna kay Wave na mukhang walang pakialam sa mundo at tahimik na naglalakad.

Unmasking The Waves DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon