Kabanata 19

218K 9.6K 3.2K
                                    

Kabanata 19

My lips trembled, gulat ang mga matang nakatitig ako kay Wave na nakaluhod at hawak ang pisngi ko.

I blinked, pilit na winawala ang mukha n'ya sa isip pero hindi ito nawala. Sa muling pagmulat ko ay nakita ko ang titig na ibinibigay sa akin ni Wave.

"W-Wave?" Pumiyok ang boses ko at nakita ko ang pagkunot ng noo nya. Ang basang buhok dahil sa ulan ay bumagsak sa noo n'ya, he's still wearing his suit earlier.

Umawang ang labi ko nang hawakan nya ang kamay ko patayo. I lost balance for the sudden move but he catched my waist, parang wala lang na sinakop nya ang binti ko at binuhat ako.

I gasped and encircled my arm on his nape. Humikbing nakatitig lang ako sa kanya habang s'ya ay seryoso, walang reaksyon ang mga mata.

He walked with me on his arms, nakita kong gulantang din ang guard sa ginawang pagbuhat sa akin ni Wave.

"S-Sir, kasi nagpupumilit s'yang pumasok kanina--"

"You could have tell me," Narinig ko ang tigas ng boses ni Wave. "Paano kung may nangyari dito?"

"S-Sir? Akala ko kasi reporter kaya ano,"

Wave didn't spoke. Nakaigting ang mga pangang pumasok s'ya sa loob at napasubsob ako sa pisngi nya at mas yumakap.

I felt his warmth despite the cold, embracing my shivering body. Hindi ko na nakita kung nasaan kami but I found myself sitting in a couch when Wave let me down.

Tumutulo ang tubig ulan sa buhok ko at tumataas baba ang balikat ko sa mga hikbi. I saw Wave walking towards the kitchen, tumungo lang ako roon at niyakap ang sarili sa lamig na nararamdaman.

Suddenly, I felt a warm towel on my shoulder. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakitang nakatingin sya sa akin.

May inilagay s'yang twalya sa ulo ko bago muling tumalikod at umalis. I was just staring at his back at napansing tanging ang kulay puting dress shirt nalang ang kanyang suot.

Lumabas s'ya mula sa kitchen na may hawak na planggana ng tubig at wala pa ring imik na lumapit sa akin. I was confused when he kneeled infront of me.

Napatalon pa ako sa gulat nang hawakan nya ang binti ko pero sumulyap lang s'ya sa akin at mabilis kong in-extend ang paa ko.

He held my feet, nakita kong pinigaan nya ang twalya sa loob ng planggana at inabot ang tuhod ko. My heart thumped when he cleaned my dirty knees.

Seryosong pinupunasan n'ya lang ang tuhod ko kaya napahikbi ako bigla at kinagat ang labi ko.

"S-Sorry," I murmured.

"Who even told you to kneel?" Malamig nyang sabi habang nakatungo at hawak pa rin ang paa ko at pinupunasan ang tuhod ko.

"I-Ikaw kasi," I whinned and sobbed again.

"Ako pa ang may kasalanan?" Nag-angat s'ya ng tingin sa akin. Kunot pa ang noo.

"D-Di mo kasi ako nilalabas 'dun," I whimpered.

Hindi s'ya nagsalita ng muli. Kumakalabog lang ang puso ko sa magkahalong kasiyahan at pait. Wala sa sariling iniangat ko ang kamay ko at hinaplos ang buhok nya. He stopped, nakita ko kung paano umigting ang panga nya pero hindi pa rin umiimik.

"S-Sorry," Halos pumiyok ang boses ko sa sinabi.

Sumunod ang tingin ko sa kanya nang tumayo s'ya, my hand fell from his hair and I watched him go up the stairs.

Kumuyom ang kamay ko at hinawi ang mga luha ko.

He really doesn't want me anymore. I felt my chest tightening.

Unmasking The Waves DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon