Kabanata 18

214K 8.8K 6.7K
                                    

This story won't make me sleep hahaha! Goodnight!😵

xxx
Kabanata 18

"Zirena, you should eat." My brother called me for the nth time. Kanina pa s'ya katok ng katok sa kwarto pero nanatili akong tulala sa sarili ko sa salamin.

"Zirena? Little sis?" Kumatok pa s'yang muli.

"Zire, come on, open this. Mommy is really worried, kapag nalaman 'to ni Daddy magagalit 'yun." He said.

Humugot ako ng hininga at pinagmasdan ang hilam sa luha na mga mata. My eyes are swollen, namumula ang akin mukha at maputla ang labi, simula nang dumating ako sa bahay kanina ay wala na akong imik.

Nagulat man sila sa pag-uwi ay wala silang nagawa nang magkulong ako sa kwarto.

"Zirena, Dad will be here anytime soon at kung hindi ka magsasalita r'yan ay papasok 'yun dito." Still I remained unmoving, everything is still fresh, like it was happening right infront of me right now.

After he asked me to break us off, humagulgol lang ako sa dibdib nya at mahigpit s'yang niyakap, begging him for another chance yet he was now decided. Hinayaan n'ya lang akong umiyak at nang kumalma ay hinalikan sa noo at tahimik na umalis.

Himala pa ngang nakauwi ako sa bahay namin sa kabila ng panghihina.

I can't believe he broke up with me pero hindi ko s'ya masisisi, it was all my fault. Kung hindi dahil sa akin ay paniguradong tahimik pa rin ang buhay nya. If it wasn't because of me, his secrets will still remain hidden. It was all my fault.

Kasalan ko 'tong lahat...

"Zirena?" I froze when I heard my father's hard, stoic voice.

I bit my lip and sighed, drying my tears so bad so he won't see.

"Ganda? What's happening?" Lumambing ang boses n'ya habang kumakatok kaya napasinghap na ako at napahagulgol.

"Zire? Ganda? I'm entering your room, alright?" Hindi na ako nakapagsalita nang wala pang ilang segundo ay nabuksan ang pinto.

Halos masilaw ako sa ilaw mula sa labas ng kwarto at nakita ang Daddy na kunot ang noo at si Kuya Zion na seryoso rin at hawak pa rin ang tray ng pagkain ko.

Nagbukas ang ilaw sa kwarto kaya napatungo ako at itinago ang mukha ko sa kanila.

"Zirena? Zire?" Nang maramdaman ang kamay ni Daddy sa buhok ko ay mas napahikbi ako at itinago ang mukha ko.

"Shit!" I heard my Dad cursed. "Zion, call Mommy, pakisabi we need her."

Naramdaman ko ang pag-alis ni Kuya at mas sumikip ang dibdib ko sa nararamdaman. I heard my father cursing hardly at hindi na ako umalma nang buhatin nya ako mula sa pagkakasubson sa dresser at dinala sa kama.

Pinaupo nya ako roon at pilit na iniangat ang mukha ko para masilip ako.

"Zire, sweety, look at me..." Aniya. I shook my head, ashamed of my face.

"Come on, nak. Look at me." And I did. Nang masalubong ko ang asul na mga mata ni Daddy ay nabakas ko ang gulat sa mata nya.

"D-Dad," I sobbed and hugged him. Yumapos ako sa leeg nya at naramdaman ko ang yakap na mahigpit sa akin ni Daddy.

"It's alright, ganda..." Bulong ni Daddy sa akin.

"I-I messed up, Dad." Humikbi ako. "So bad..."

"Sshhh," He hummed. Ilang minuto akong nakayakap kay Daddy na hindi ko na napansing naroon na sila Mommy.

Nang humiwalay ako kay Dad ay nakita ang malungkot na mukha ni Mommy kaya gumapang ako sa kanya at yumakap.

"What is it, sweety?" Masuyong bulong ni mommy. Inilayo nya ako sa kanya at marahang pinunasan ang mga luha ko.

Unmasking The Waves DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon