Kabanata 15

235K 7.7K 8K
                                    

Kalahati na tayo! Yay!

xxx

Kabanata 15

I sighed after writing the full article for Wave Aiden Nievarez.

This is it! Kaya mo 'yan, Zire! Para sa pamilya mo, sa pangarap mo! Dreams before love, Zire!

I stopped when I heard my phone ringing. Kaagad kong sinarado ang laptop ko at inabot ang telepono ko. I saw my father wanting to facetime so I accepted it rightaway.

"How was your day, nak?" Nang marinig ang boses ng Daddy ay napangiti ako.

"Hi, Daddy pogi!" I cheered.

"Hi, Ganda!" Kumaway sya sa camera.

"How are you doing, Dad?" I asked him.

"Good but missing you, Kuya Zion and Ate Sibyl is home. Ikaw lang ang wala bunso." Aniya.

"As much as I want to go home, Dad, I can't." I sighed. "I have a vlog to finish and maybe my article?" I said.

"You've been stressing a lot about that. How is it going?" He asked. I saw his concerned face.

"Okay naman, Dad." I smiled.

"Good," He smiled at me. "Basta kahit anong mangyari nandito lang kami ni misis ko. Don't stress yourself too much."

"Okay po," I smiled. "Nasaan po sina Kuya? Wi Ate?"

"Kuya Zion is cooking with Mommy." Aniya sa akin. "You know, nak, Kuya is accepted to the academy."

"Really?!" My eyes widen. He smiled at me and nodded.

"Yes, he will go military training now." Aniya sa akin.

"That's great!" Natutuwang sabi ko. "But how about Mommy? Okay lang sa kanya?"

"Alyx can't say no, alam nyo namang kung anong gusto nyo ay gusto na rin namin ng Mommy mo. It was his dream to be like us so..." He shrugged.

"How about Ate?" I asked.

"Well, she's doing great in the hospital." Ngumiti sya. "I am really proud of my children, sobrang nakakataba ng puso na lahat kayo ay may naabot at inaabot."

"May naabot, yes pero Daddy di ko pa maabot 'yung gusto ko talaga e." I sighed. "Yung gatas nga sa itaas ng cabinet di ko maabot, pangarap ko pa kaya?"

Bigla syang natawa, napangisi naman ako at umiling ang daddy sa akin bago nagthumbs-up.

"Ayan talaga ang gusto ko sa'yo Ganda e, namana mo sakin ang sense of humor! That's witty!" Natawa ako at tumango sa kanya.

"Syempre, anak kaya ako ng pinakagwapong nilalang sa earth?" I flipped my hair.

"Ikaw na ang favorite kong anak," Tawa nya. I winked and give him a thumbs up.

"Duh! Of course, Dad! Si Kuya Zion medyo seryoso, si Ate Sibyl parang si Mommy at syempre, kanino pa ba nagmana ang maganda mong bunso?"

"Edi sakin!" Nagtawanan ulit kaming dalawa. Maya-maya ay nagseryoso sya at nagsalita. "Nak, may joke ako about sa mayonnaise." Aniya.

"Oh?" Ngumisi ako at umayos ng upo. "What?"

"Ay h'wag nalang," Umiling sya at seryosong tumingin.

"Hala! Ang daya naman! Ano nga?" I stomped my feet.

"Ayaw ko nga...baka i-spread mo." Bigla syang ngumisi.

Natulala ako. Nang marealize ko ang sinabi nya ay nasapo ko ang noo at sabay kaming napahalakhak.

Unmasking The Waves DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon