Kabanata 13

261K 9.5K 6.4K
                                    

Kabanata 13

"Uh, Tiya Fely, have you seen Wave?" I asked when I saw her. Tila ilag at naiilang na tumango sya at tinuro ang stables sa hindi kalayuan.

"Nasa may kabayo, s-señorita." Aniya. My eyes widen, kaagad akong umiling at nagsalita.

"Just...Just Zirena." Naiilang kong sabi.

"Huh?" Mukhang nagulat sya. "Pero hindi ka naman maid na rito, hija."

"At hindi rin po ako señorita." I said. "Zirena nalang po," I smiled.

She nodded, a small smile escaping her lips.

"Pasensya na pala sa pag-trato namin sa'yo, Zirena, huh?" Aniya.

"No worries," I said. "Pasensya na rin po at nagpanggap ako, kasi...uhm, medyo may hindi kami pagkakaintindihan ni Wave kaya ayun. Sorry if I lied."

"Ayos lang," Masuyo syang ngumiti. "Mabait kang bata, pagpasensyahan mo na sina Merlie. Ang pakiusap ko lang sana, Zirena..."

"Ano po?"

"Sana alagaan mo si Wave, huh?" Ngumiti sya. "Sobrang lungkot ng batang iyan. Mukha lang malamig at seryoso pero malambot ang puso. Bago namin s'ya paghainan ng pagkain ay dapat nakakain na kami."

A smile escaped my lips, tumango ako habang nakikinig sa kanya.

"Kadalasan, hindi ko lang alam kung pansin mo pero nagluluto iyan ng pagkain at ihahatid sa quarters tapos pagkatapos ay sya naman ang hahainan namin." Masayang kwento nya.

My heart thumped as I nodded. He's really a good person. I know he is.

"Sana ay alagaan mo s'ya, huh? Napakabuting bata n'yan, sayang nga lang at maagang naulila sa ina. Sa awa nga ng diyos ay napakatapang n'ya at nakaya n'yang malagpasan nang nagpakamatay sa harapan nya ang Mommy nya." She said.

I froze. Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko sa nalaman at nanlaki ang mata ko.

"W-What?"

"Ay naku," Napailing sya at nanlaki ang mata sa nasabi. "Wala iyon, hija." Ngumiti sya.

I nodded slowly, my hand started shaking.

"Kalimutan mo na ang sinabi ko." She chuckled. "Minsan kung ano-ano nang nasasabi ko!" Umiling sya at nagmamadaling umalis.

Tulala ako papasok sa mansyon, pabagsak akong naupo sa sofa at napatitig sa nakabukas na telebisyon.

His mother killed herself infront of him?

I swallowed the lump on my throat and heaved a deep sigh.

Fuck! Damn it, what did I just heard just now?

Biglang nabaling ang atensyon ko sa telebisyon nang lumabas ang isang balita. It was the Senator Robert Aguirre, one of the most influential and high positioned politician in the Philippines na kakauwi lamang galing sa isang volunteer work sa nasalanta ng bagyo sa kabisayaan.

She's almost every person's role model. Kahit may edad na ay gwapo pa rin ang senador. He's a lawyer and the founder of most of the charities here in the country. Malapit ang loob sa mga bata at mga kababaihan at ipinaglalaban n'ya rin ang karapatan ng mga kababaihan.

That's some of the reasons why he was admired and I admit, he's really great and has a good heart.

"Turn that off," Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita. Sa paglingon ko ay nakita ko si Wave na seryoso at kunot ang noo.

"Huh?" I asked. Diretso syang lumapit at napasinghap ako nang kunin nya ang remote at pinatay ang TV.

"Wave?" I asked. I saw him closed his eyes tightly, nanatili syang nakatayo roon kaya nagtataka man ay hinila ko s'ya paupo sa sofa kaya napabagsak s'ya roon.

Unmasking The Waves DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon