This is a new world, a new era. Gone were the days of generation Z as it became our ancient history.
We are now living the days of were planets are only bridges away.
We lived in days when students don't study unnecessary subjects.
What we study now is genetics, algorithm, computer engineering and humanity.
The planets were what we call 'Cities'. Bridges nalang ang pagitan nila.
Hovercars ang sasakyan patungo sa kabilang city and it's only days away.
And in this era of the new world. We constantly search for Immortality.
In our city, we are in charge of deciphering codes.
We decipher ancient codes, that our ancestors left us no clues.
Some says these codes are the key for immortality.
Some says we are being played as pawns by these devil ancestors.
But what we people of Cipher City is dealing with, was the great Medieval.
Si Medieval ang nag-iisang taong nabuhay sa mundo ng 507,902 years. He is proven to be immortal, kaya sobra ang interest ng mga Ciencio sa kanya.
Ciencio are what we call our council, our politicians, the government.
Medieval's face never changes, he never grows old. Ang mukha niya ay nasa 20's or mid 20's.
And he was considered the most beautiful man alive.
Some of our people would consider him as an epitome of beauty.
Some even considered him as a God. Some literally worships him.
And I consider him as 'papansin' may nahalukay lang kasi akong ancient artifact at nang dinicipher ko 'papansin is a term sa mga tao noon sa mga kulang sa atensyon, may another term pa akong pwedeng ihalintulad dun katulad ng 'pabibo' 'adib'.
Yun lang ang natatandaan ko and I may say na nakakatawa ang mga ancient people noon they have very colorful words na talagang siniseryoso ng mga tao ngayon.
By the way, lahat ng mga words na naiwan ng mga tao noon ay sineryoso talaga namin, kasama na sila sa diksyonaryo namin. At ancient artifacts na sila.
Pero hindi siya nakikicooperate sa Ciencio. Ayaw niyang sabihin kung anong sikreto ng immortality.
Kahit ako naiinis na sa kanya. Ako lang din ang nahihirapan sa trabaho ko, if patuloy pa niyang itatago ang Immortality Code, patuloy din kaming mamulot ng mga nasirang artifacts at mapapagod na naman ako kaka-decipher nun.
Gusto ko lang naman magkajowa eh.
Pero sa mundo namin ngayon masyado silang seryoso sa buhay,
Focus lang sila sa two goals: Immortality & Innovation.
Konti lang din ang populasyon namin dahil kulang sa physical contact ang mga tao ngayon.
Hindi tulad noon na may nakita pa akong picture ng pamilya na nakayakap sa isa't-isa at parang sobrang warm ng yakap nila.
"Gusto mo?" May inabot na dohnuts si Envincí sa akin at nang kukuha na ako sabay kaming napatingala sa taas at nakitang may padaang helicoptar.
Pareho kaming nanlaki ang mata at tumakbo kami sa loob ng sira-sira naming Tech Hide out at pinatay ang power switch.
Sobrang bilis naming napatakbo at nilamon kami ng kadiliman, hiningal ako.
Nagkatinginan kami. Ngumiti siya sa akin.
Napangiti rin ako at sabay kaming napatawa.
Tumalikod na siya at umiwas ng tingin nang mapansing napatulala siya sa akin.
"Makukulong siguro tayo kung makikita nila kung gaano karaming artifacts ng sinaunang mundo noon ang nandito sa lungga natin." Sinabi ko habang tinitingnan sa sirang bintana namin ang helicoptar.
Oo nga pala may mga bagay na same meaning noon pero magkaiba ng spelling at pronounciation ngayon katulad ng dohnuts, at helicoptar at marami pang iba.
"Kung makukulang tayo, gusto ko sa isang kulungan lang tayo, magkasama, para solong-solo kita." Lumapit siya sa akin banda sa likod ko habang binubulong iyon sa tenga ko.
Masyado siyang malapit kaya nagulat ako, agad ko siyang tinulak.
Tawa-tawa naman siya at ako nakasimangot lang.
"Gago, ang landi mo talaga may nilalandi ka na hinaharot mo pa ako."
Tumawa naman siya, apat na ancient terms ang ginamit ko pero naintindihan niya.
Dito kasi sa hide-out namin ninanakaw namin ang mga artifacts para pag-aralan.
"Alam mo namang kaya ko ginagawa iyon para pagselosin ka eh, para magpapansin sayo."
Ginawaran niya na naman ako ng mapalad at inosenteng ngiti.
Halos mapatulala na ako sa gwapo niya pero binato ko lang siya ng unan sa mukha at tumalikod na lumabas na ulit.
"Saan ka pupunta, Cosine?" Habol niya sa akin.
"Nahuli na ng Ciencio si Medieval. Lilitisin siya ngayon. And I need to see myself, The Immortal Code."
"Sa tingin mo ba, ibibigay nalang basta ni Medieval ang Immortal Code? Centuries had passed, he's been hiding at iniingatan niya iyon, he wouldn't easily give the code."
"Hindi niya iniingatan iyon. Pinagdadamot niya sa atin iyon." Inis pa rin ako doon.
"Maybe he had his own reasons. People can be greedy, you know the Ciencio's, they want more of what this world can give. You know how evil people can be."
Napalingon ako at nakita kong seryoso na siya. Nakuha ko ang punto niya.
Pero gusto ko pang bigyan ng mahabang buhay ang lola ko. Kakatagpo ko lang sa kanya.
At gusto kong madecipher ang Immortality Code para ibigay iyon sa lola ko.
Siya nalang ang nag-iisang pamilya ko that's why gusto ko pa siyang makasama.
Kaya ako nag-aaral, nagpupursigi na matapos ko na.
Ang Intel ang pinakamataas at ang pinakapinagkakatiwalaan ng gobyerno pagdating sa Technology.
At isa akong prodigy, at kasama na ako sa grupo ng computer intelligence.
"Envincí, ganid ba akong tao dahil lang gusto ko pang makasama ng matagal ang lola ko?"
Napatitig siya ng matagal sa mata kong nag-mutate na mula sa dark brown na naging light blue to purple. Masyado na akong na-eexpose sa toxins sa laboratory.
Na hindi naman dapat dahil incharge ako sa algorithm hindi sa genetics.
Kung malalaman ito ng Ciencio makikita mong nakasabit na sa OuterStellar ang bangkay ko.
"May dahilan kung bakit ang buhay ng tao ay maiksi lang, Cosine. At may rason kung bakit ayaw ibahagi ni Medieval ang code." Seryoso na naman niyang sabi.
"At anong dahilan niya?"
"Katulad ng sinabi ko. We people, are greedy. We want more of the things we can't have." Nung sinabi niya iyon.
Nakita ko sa mata niya kung anong nararamdaman niya sa usaping ito.
Alam ko noon pa. Mahal ako ni Envincí, matalino ako hindi ko na kailangan pang marinig mula sa kanya.
Kaso mortal enemies kami eh.
At gusto ko hinding-hindi ko maririnig yun mula sa kanya, dahil masisira ang pagiging magkaaway nami.
+++++
Hit the star
KAMU SEDANG MEMBACA
Installing 49%
Fiksi IlmiahAn idiot, a quad-genius prince, the silent senior, the boy, and the girl who knows a hundred codes with a whole funny venture crossing the universe for one mission. An immortal god named Medieval kept the secrets of how to be immortal through a cryp...
