Wala sa amin ang sumubok lumapit. Syempre delikado ano.
"Mga bisita. Kung mamarapatin, anong maitutulong namin sa inyo?"
Nagulat ang lahat nang may unanong bigla nalang lumapit sa harap at wala ng lalakas pa sa pagkagulat ng magugulating si Cosine.
"Taragis, nagulat ako don!" Tahimik niyang bulong.
"Ayan, kape pa." Bulong ni Kesyla sa gilid at binigyan ng kindat si Cosine na nagpaloko sa mukha niya.
"Hoy, anong kinikindat mo dyan, epileptic ka na ba ses?"
"Nahuli ko kayo ni Envinci kagabi, itanggi mo pa."
"Anong itanggi? Wala namang nangyare oa ka ses?"
Tinawanan na nga lang siya ni Kesyla at lumapit na nga sila sa harapan kung saan nang kinausap ni Prof Binoh ang unano ay iginaya nila sila patungo pa sa looban mismo ng munting kaharian nila.
"So dahil ba sobrang init dati noon sa Manila kaya tuloy kaya na nilang tumira sa lugar kung saan nasa bumbunan lang nila ang magma?" Tanong ni Cosine kay Senior Gabe na katabi niya lang.
Senior Gabe just shrugged. "Pero paanong kaya nilang manirahan dito? Sobrang init grabe, di ko na kaya ses!" Tagaktak na nga ang pawis ng lahat at feeling nila para na silang natutunaw.
Habang nananatili din sila sa lugar na ito ay ang iba sa kanila ay parang nahihilo na at mahihimatay na sa sobrang init ng singaw.
Hanggang sa nakita nilang papunta na sila sa mas mataas na lugar at doon lang sila parang nakahingang muli ng sariwa. Sa lugar kanina ay para na silang niluluto.
Ngayon aliwalas na dahil may konting puno pang nabubuhay.
Chinika ulit ni Cosine si Senior Gabe. "Ano na daw sabi? Mahahanap ba natin dito yung hinahanap natin?"
Lumapit si Kesyla at nakibulong. "Eh ano nga bang hinahanap natin?"
"Di rin ako sigurado eh." Balik ni Cosine at nauna na ngang maglakad si Senior Gabe sa unahan.
Si Jedi naman ang nilapitan ni Cosine. "Bro, matatawag ba tayong alien kung nandito tayo ngayon sa earth? Kasi taga-jupiter tayo?" Humatching muna si Cosine
dahil may pumasok na kung anong particles sa ilong niya.
"Taga-jupiter ka dyan? Taga-Cipher City tayo!" Pagkokorek ni Jedi sa kanya. "Alam mong hindi na pwedeng sabihin ang dati tawag sa kanila, ingay-ingay mo pa dyan." Masungit niyang balik kay Cosine.
"So alien nga tayo? Alien tayo ses!" Masiglang sabi ni Cosine.
"Oo nga, alien tayo!" Pagtatanto ni Jedi.
Bigla ba namang sumingit si Envinci sa dalawa dahil masyado na silang malapit sa isa't-isa. Wala namang kaso yon kasi magtropa lang sila.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Nakakunot noo nitong tanong.
Hinarap ni Cosine ito. "Pina-realize ko lang sa kanya na alien tayo." Proud niya pang sabi.
Lumakad na nga lang pauna si Envinci at nakita niyang nag-uusap ang leader ng parang tribo at ang mga professors.
Hanggang sa naging komportable na ito. May inabot si Professor Santival kay Senior Gabe.
"Decode that and do whatever it tells you to. Kami ay magpapahinga na lang muna dito, okay?" At puwesto na nga sila na parang magbabakasyon lang sa isang beach pero sa ilalim ay magmatic event ang ganap.
Hindi natuwa ang mukha ni Cosine at ni Kesyla. "Chill lang po kayo tapos kami lulutas ng adventure na to?" Tanong ni Cosine.
Tumango ang mga professor at nakipag-usap na sa mga tribo.
"Tindi." Bulong ni Senior Gabe at ibinigay kay Envinci ang papel.
"Luh, bakit sa akin mo ibinibigay yan?"
Senior Gabe shrugged pero kalaunay binuksan na din ang papel.
"Wag mo sasabihin sa aking code na naman yan. Mananapak na ako." Bulong ni Cosine.
"Code yan. Ramdam ko." Sabat ni Jedi at sinuntok na siya ni Cosine.
"Nakanang. Sinabi na eh." Inis na siya.
Nang mabasa nila ang loob ay nagkatinginan lang sila.
Solve the puzzle, the great museum has left.
Pray for the angels, as there was a soul taken away.
"The fuck, ano na naman to?" Sumakit ang ulo ni Jedi sa nabasa.
"Tangina wala na tayong ginawa kundi mag-adventure." Utas ni Envinci. "Wala ba tayong moment na chill lang habang naka-unli rice?"
"So chill na ang tawag mo sa lamon ngayon?" Sabi ni Jedi sa isang tabi. Tumango lang sa kanya si Envinci.
"Alam niyo, tara na. Puntahan na nating yung Museo ng Manila." Sa totoo lang nabagabag si Cosine sa nabasa niya.
'as there was a soul taken away' Paulit-ulit sa utak niya. Wala naman sanang namatay.
Cosine hated dealing with deaths as opposed to what they usually encounter during their student days. They had to practice solving crimes and decipher codes that were usually at a crime scene.
She hated it. She just wanted peace and discover secrets of the world.
But not secrets criminals wanted to hide. Because dealing with criminals in this new world is like digging your own grave.
They got out of the underground Magma Manila and eventually went to the Museum.
Nang makarating sila doon ay tahimik lang magdamag si Cosine. At agad iyon napansin ni Envinci.
Pagpasok nila sa loob ay nagulat sila dahil halo-halo na ang mga tao doon. There were polices, ambulance, forensics, and journalists.
"Akala ko ba konti nalang ang tao dito sa Manila? Pero bakit parang marami pa rin pala ata?" Bulong ni Kesyla kay Cosine.
Nanatili lang itong tahimik at ito na nga ba ang kinababahala nila.
"Ano ulit ang nakasulat sa note?" Tanong ni Envinci.
Binuksan ni Senior Gabe ang papel at si Jedi ang nagbasa ng malakas. "Solve the puzzle, the great museum has left. Pray for the angels, as there was a soul taken away."
Nang marinig nila ang huling mensahe ay nagkatinginan sila sa tumama ang mata nila kay Cosine. Dahil alam na nila ang magiging reaksyon nito.
"No, I'm out. Bahala kayo. Dito lang ako." Pumwesto na nga sa hagdanan si Cosine at niyakap ang sarili. Tiningnan lang siya ni Envinci at sinenyasan si Kesyla na wag ng lapitan nang subukan.
"Ayaw niya talaga sa krimen ano?" Tanong ni Kesyla sa kanila.
"Sino bang may gusto ng krimen diba?" Sabat ni Jedi. Sinipa lang siya ni Kesyla at lumapit na nga sa loob.
+++++
Hit the star.
Thank you doon sa tatlong readers
ng story to si JeanLouch YNA2020 gummy2x7
Ang kukyut niyo mga ses HAHAHA <3 thankies
CZYTASZ
Installing 49%
Science FictionAn idiot, a quad-genius prince, the silent senior, the boy, and the girl who knows a hundred codes with a whole funny venture crossing the universe for one mission. An immortal god named Medieval kept the secrets of how to be immortal through a cryp...
