Installing 2%

686 56 9
                                        

"Are we? Kung ganon na rin naman pala tayo, bakit hindi nalang natin pangatawan?"

"Hay nako, sige, hindi na kita pipigilan, pero sinasabi ko sayo. Don't expect Medieval would tell the Ciencio the Immortality Code. You'll get nothing out of him. Sayang lang ang punta mo doon."

"Whatever you say."

Tumalikod na ako at agad ng sumakay sa convertible bike ko. It's a huge one. This could pass as a hovercar. Pero kakagawa ko lang nito hindi pa siya kumpleto.

Pinaandar ko na nga ito at mistulang lumilipad ito dahil sa magnetic field.

There are certain places the Ciencio doesn't want us to go, Ciencio's keep tracks of every people living in their city kaya ang kalsada ay gawa sa magnetic field.

Kung baga, kung dati may riles at may train, ngayon ang riles ay yung magnetic field at ang train ay ang mga hovercars.

At may hangganan lagi ang destinasyon ng bawat tao. Ibig sabihin may lugar na hindi pwedeng puntahan ng tao. At pinanonood nila ang lahat ng pupuntahan mo.

Nang makarating ako sa Court of Law. Agad kong pinaliit ang convertible bike ko at binulsa ito.

No one should know na gumagawa ako ng technologies without proper authorization ng Ciencio.

Another thing na papatay sa akin.

Pagpasok ko sa loob. Nadaanan ko ang Department of Algorithms.

Nadaanan ko pa ang head namin at nanlaki ang mata ko. Mataray siyang tumingin sa akin.

"At bakit ka umabsent, Miss Cosine?"

"Sorry po mam, Sa hindi po maipaliwanag na kadahilanan, Tae po ako ng tae."

Nanlaki ang mata niya sa vulgar word na sinabi ko at halos palayasin niya ako sa harap.

"Ikaw bata ka. Mga palusot mo, umakyat ka na nga sa itaas. Magsisimula na ang paghuhukom sa, Great Medieval natin."

Hindi ko alam pero nang binanggit ni Ms. Grena ang pangalan ni Medieval para siyang naging demure na dalagang Cipherian at may puso-puso sa mata.

Natawa nalang ako sa kanya at tiningnan ang magulong lab/office ng Algorithm students and prodigies.

"Yes po, see you Algorithians! Good Luck sa Exam niyo!" Sigaw ko sa mga junior ko na nag-eexam ata sa kasaluyang ito.

Nag-eexam sila para makapasok sa Intel. Hiring kung baga.

Mga kaedad ko lang yung iba, yung iba naman mas matanda pa sa akin.

Utak ang basehan nila sa Algorithm. Swerte ko lang pinanganak akong henyo.

Sumakay na nga ako sa Elevatar. Ayokong sumasakay dito dahil para akong napupunta sa ibang dimensyon sa bilis.

146th floor kasi iyon kaya nakakatakot talaga.

Nag-suka ako paglabas ko sa bwisit na elevatar na iyon. Umiwas ang mga tao nang makita nila akong nagsusuka sa malapit na trash bin.

"Hindi malakas ang sikmura ko di tulad niyo, mga inutil." Inis kong giit sa kanila na di naman nila maiintindihan.

Nagulat naman ako nang may naglalahad ng tubig sa tapat ko kaya napatayo ako ng tuwid at masusuka ulit ako nang makita ko kung sino ang naglalahad ng tubig, nakita niya pa ako sa estado kong nagsusuka.

Grabe huge turn off mula sa crush kong si Medieval.

This is the very first time na makita ko siya ng harapan. He is ancient for Cipherian's Sake!

Hinablot ko nang mabilis ang tubig at agad na nagmumog at uminom. Natetense ako kasi nasa gilid ko lang siya the whole moment.

"Salamat, pala sa tubig. Di lang kinaya ng tyan ko yung elevatar, mga naiimbento kasi ng mga Cipherian eh. Ahe-he."

Sobrang awkward ko. Idol ko siya kahit na pinagdadamot niya ang Immortal code.

At crush ko siya kasi crush siya ng lahat.

Hindi sobrang gwapo niya kasi to the point na gusto ko ng itapon ang sarili ko sa kanya.

Joke lang. Kalma kayo kasi ako di ako makalma dito.

"Okay lang, Eto pala, sa susunod uminom ka ng ganito kapag sasakay ka sa mga nakakahilong lugar."

At parang gusto ko na siyang iuwi sa bahay namin sa ganda ng boses niya at sa kay gwapong ngiti grabe mah heart, mah soul is...

Natatawa ako sa naiisip.

Binigyan niya ako ng tablet. Gamot ito.

Nang binasa ko nakasulat 'bonamin'

Ancient gamot ba to?

Ano ba 'to, safe ba 'to?

Bakit parang gusto kong palitan ng 'h' yung bonamin para bonahin niya na ako!

Natawa ako sa kalandian ko. Ang gwapo niya lang kasi talaga.

"San ba nakakabili nito?"

"Sa Aquifex City. O mas kilala dating Earth." Ngumiti na naman siya napapatagal na ang usap namin.

Aquifex City? Ang layo naman. Dalawang city ang pagitan nun sa Cipher City. Dalawang planeta kung baga, sobrang layo.

"Ay ganun ba, baka naman minsan pwede mo akong i-tour doon. And maybe tell me more about the Immortality Code."

Siguro kung naririnig ni Envincí ang malanding boses ko baka nabugbog niya na ako sa cringe-worth na bwisit na ako.

Kahit ako nagulat sa kaharutan kong taglay. Eh paano ba crush yan ng lahat eh.

Celebrity yan sa lahat ng Cities kung baga.

Tawa lang siya at napakurap ako at umatras na.

"Anyway, kalimutan mo lahat ng kalandiang ginawa ko sa harap mo. Hindi talaga ako iyon, pramis, nademonyo lang ako ng gwapo mo. Nga pala. Malalate ka na sa hearing mo. Good luck, umaasa kaming Cipherians sa Immortality Code at sayo, Medieval."

He blinked his eyes. Na para bang nagulat siya na parang hindi na ako under ng hypnotismo niya.

Doon ko lang din napansin na gwardiyado siya ng mga diplomonads. Bawat sulok din ng floor ay nakabantay ang mga ito.

I know I was being hypnotized the moment I acted different in front of him. Pati pag-iisip ko.

Ginawa niyo iyon para palabasin ang kung anong gusto ko.

Nasabi ko ang outer goal ko ang: Immortality Code pero hindi yung totoong goal ko.

I am not an Intel Algorithian if madali akong nakokontrol, those were the key points kung bakit namimili lang sila ng lima out of thousands.

Intel Algorithians are genuises. Medieval himself can't control them.

May apat pa. Hindi lang ako ang nag-iisa.

At dahil sa ginawa niya,

May nalaman lang akong kayang gawin ng isang imortal, They can control you and put you under hypnotism.

+++++
Hit the star

Installing 49%Where stories live. Discover now