Installing 11%

394 45 6
                                        


There in neon font. There is another code. Out of frustration Envinci threw that wine glass he had in hand. Kakarating lang kasi namin sa tinutuluyan namin dito sa Aquifex City at nabalitaan niyang binomba ang Abode niya. Abode ang tawag sa palasyo ng susunod na Duke. Means yung mismong palasyo niya.

"The Fuck, Vin?" Sigaw ni Jedi sa gulat nang sa wall sa gilid niya mismo tumama ang babasaging baso at nabasag.

Wine spilled on the wall like glistening glitters.

"Hoy, anong problema mo?" Haltak ko kay Envinci at pinandilatan ko siya ng mata tapos sinenyas ko na baka makahalata sila sa inaakto niya palang.

Marahas niya lang binawi ang kamay niya sa akin at matalim akong tiningnan. His eyes were filled with frustration and exhaustion.

"Well, congrats! Just another fucking code. I hope it leads us to somewhere." He rasped, defeated.

"Saan ka pupunta?" Yung boses ko may himig ng pag-aalala. Agad kong nilunok ang laway na nagbara sa lalamunan ko.

"I'm exhausted. Matutulog na ako." He waved and slammed the door.

Sa inis ko sa kanya ay sumigaw ako. "Kala mo kinaganda mo yan, Envinci?" It was my way of telling him that it's all gonna be okay.

Tapos hinarap ko na ang professors. Nang makita kong parang chill lang sila ay kay Jedi lang nila binigay ang code.

Si Kesyla naman ay natutulog pa rin sa kwarto namin. Kaya tiningnan ko kung anong laman ng code na naiwan.

BNENARGMIIMAL

"Anong Cipher yan?" Tanong ko kay Jedi kasi mukhang sakanya nakatoka tong code ngayon.

"Hindi ko pa alam pero sa page 3 merong mga nakaunderline na letters in neon blue."

Pinakita niya nga sa akin ang isang paragraph ata ng tula na kapansing-pansin na may underline ang letra doon.

Under the lights of the room, his deep ocean eyes with splashes of gold were hypnotizing, volatile like the gold in his eyes were dancing with the lights.

lights

ocean
eyes
hypnotizing
volatile
gold
eyes

The underlined letters created a word Scytale.

Scytale is also a Cipher. I don't want to go through the meaning and how it was invited dahil trabaho na iyon ni Envinci. But we all know how to decode a cipher in Scytale. Dahi isa yan sa mga basics.

Tiningnan ko ulit ang code.

BNENARGMIIMAL

"Anong diameter?" Tiningnan ko si Jedi.

"I think it was 3. Dahil nasa page 3 nakalagay ang cipher ng scytale."

Tumango lang ako sa kanya at naramdaman ko na ang pagod.

Simple lang ang Scytale kaya pala parang di istress ang mga professors namin nang makita ito. Ilalagay lang ito sa isang table. Tapos sabi ni Jedi ang diameter ay 3.

Tapos ang mga letra ay ililista mo pababa. Pero hanggang limang letra lang yung pababa, yung diameter ay yung pahalang. Tapos yung susunod na letra ay ilalagay mo na sa tabi tapos pababa ulit.

BRI
NGM
EMA
NIL
A

Ngayon basahin mo kung anong nabuo niyang salita.

BRI NGM EMA NIL A

BRING ME MANILA!

Tiningnan ko si Jedi at mabilis siyang pumunta sa quarters ng mga Professors.

"The Code is, Bring Me Manila."

Tiningnan siya ng mga professors at tumango si Professor Carpio sa kanya.

"We're heading Manila tomorrow."

Tumango lang kami at nagpahinga na nga.

Wow, iba yung pagod ko ngayon. Kaya pagkagising ko dahil napansin kong parang madaling araw palang. Hindi pa rin nagbabago ang kakaibang lamig ng kadilimang binibigay ng mundong to.

Naalala ko si Envinci kaya madali akong pumunta sa kwarto nila. "Chi-chi?" Tawag ko sa kanya. Nickname yon na ginagamit ko lang kapag nag-aalala na talaga ako.

Sinilip ko siya doon kaso wala siya.

Nang maisara ko ang pinto ay naramdaman ko ang hininga ng isang tao sa may bandang leeg ko.

"Hinahanap mo ako?" Bulong niya mismo sa tainga ko. Sa tunog palang ng pagkakasabi niya, nandoon na ang ngisi.

Mabilis ko siyang hinarap at doon ko napansin ang kakaibang lapit namin sa isa't-isa. Tinulak ko siya at kumawala.

"Nag-aalala lang ako sayo. Okay ka na ba?" Matino kong sabi.

Syempre yung pagod may kakayahan din namang patinuin ako kahit saglit.

Umupo siya at inabot sa akin ang kapeng kakainom niya lang. I accepted it like usual. I sipped on it at agad naramdaman ang isang kalmadong hagod ng inuming to. Ganon ako kakomportable kay Envinci. We can share the same mug or plate, that I wouldn't even mind.

Tumango siya.

"I'm just worried. Nandoon ang mga tao ko. Paano kung may nasaktan sa kanila? Worst, may mamatay?" His low voiced didn't crack but there's indeed a sense of concern there.

My heart melted. Ito ang isang bagay na gusto ko sa pagkatao ni Envinci. Kahit na nasa mataas na posisyon siya. May pakialam siya. Lalo na sa mga mamamayan niya.

"Wag kang negatibo. Sigurado ako na namana nila sa amo nila yung talino. Kaya nakaiwas sila sa disgrasya." He breathed out a deep chuckle. Napangiti na rin ako sa kanya at tiningnan niya ang kape na iniinom ko pa rin pala. Di niya napigilang tumawa. "Ay sorry. Medyo nadala ako ng emosyon ko. Hehehe. Ang sarap ng timpla mo. Salamat sa kape~" Mabilis kong inabot sa kanya yon tapos tumayo at papasok na sana sa kwarto ko nang magsalita siya.

"Salamat, Cosine. Don't worry para talaga sayo yang kape." Ngiti niya sa akin.

Muntikan pa akong mapatulala dahil kakaiba talaga yung gwapo ni Envinci kapag nakangiti siya. Yung tipong mapapadighay ako. Ganon imbes na mapabuntong hininga ako eh. Napapadighay ako.

"Para di ka makatulog at isipin lang akong magdamag." Ngayon isang mapang-akit na ngisi na ang ginawad niya sa akin at napaubo ako sa kanya nang matuluyan siyang makaalis.

Takte, di manlang ako naka-rebut boi!

+++++
Guys SUPPORT naman.
hit the star and share

(Btw, the poem was from my other book entitled: City of Beauty) So it means that Medieval somehow knew the characters there as well.

Installing 49%Место, где живут истории. Откройте их для себя