An idiot, a quad-genius prince, the silent senior, the boy, and the girl who knows a hundred codes with a whole funny venture crossing the universe for one mission.
An immortal god named Medieval kept the secrets of how to be immortal through a cryp...
Nagising ako. Bumangon ako at ang dungis ko dahil sa nangyaring pagsabog.
Nang may makita akong naglelevitate na blue lights na parang gawa sa nababasag na uri ng glass. At alam kong isang code iyon. It was still on air. The lights of the symbols are glowing. Kaya mabilis kong kinuha ang gadget ko para kuhanan ng picture ang mensaheng alam kong iniwan ni Medieval.
Nang makita ko ang mga tao sa paligid na tulog ay inisa-isa ko silang ginising.
Nang magising sila ay lahat ng atensyon ay napunta sa kinapupwestuhan kanina ni Medieval. The Algorithians started to right the code down, or any way to copy the code.
"This is news. Secure the area! No one will enter this site. Let the Intel decode the message. Now, everyone out!" Sigaw ni Visio. Ang pinakahead ng Ciencio.
Kaya kahit kakabangon ko lang din at punong-puno pa ako ng abo sa mukha dahil sa nagawang pagsabog ay agad kong piniktyuran ang code na nandoon.
At mabilis na nga kaming pumunta ng Intel sa Intellectualista Room para kunin ang mga gamit namin. Kung saan doon kami nagpupulong para lutasin ang ancient codes. Pero this time hinde, doon kami mismo sa lugar kung saan nag-iwan si Medieval ng mensahe. Doon kami magtatrabaho. At wala na namang tulugan to. Ni ligo.
But this time. This code is the key to immortality.
Tiningnan ko lang ang mensahe na iniwan niya.
At ito ang code:
WIJGNYAAWPV UWRE UFKJ LDJ EPFPE
Wala na akong nagawa kundi ang magkamot ng ulo at tumingala sa kisame. Nagpaikot-ikot lang din ako sa swivel chair habang halos mabali na ang leeg ko kakaikot habang nakatingala.
Tinatamad ako! Bahala sila!
Hindi pa rin sila natitinag kung paano madecode ang mensahe. Nilobo ko lang yung bubble gum na nasa bunganga ko hanggang sa pumutok ito at may pumasok. Ako lang ang lumingon para tingnan kung sino ito.
Dumating ang iba pang miyembro ng Intel. Ibang klase talaga ang dating ng mga professors at bosses ng Intel.
Hanggang sa dumating na din ang tatlo pang prodigies ng Intel Algorithians.
Ngingisi-ngisi lang ako na parang timang nang lumapit sila sa akin. Syempre hindi sila kay Senior Gabe lalapit di rin naman sila kakausapin non eh.
"Naligo ka ba sa putik ng basura ha, Cosine?" Umikot lang uli ako sa swivel chair habang nakatingala sa kisame nang magsalita si Kesyla.
"Hindi, sis. Sumabog kasi bigla to kanina. Pasalamat ka nga di ka nasabugan." Natawa lang sa akin si Jedi at inakbayan na nito si Kesyla at nagsimula ng suriin ang levitating code.
Nang matyempuhan ay hininto ni Envincí ang umiikot kong swivel chair at hinarap ako ng mabuti. Nag-flex pa tong lokong to.
Pumutok ang bubble gum nang saktong dumungaw siya sa akin. Napakagwapo! Perpekto!
"Seryoso, Cosine. Wag mo ng patagalin pa." Inis na sabi ni Envincí sa nakatanga kong pigura.
"Ang alin?"
Mortal enemies kami pero partners in crime pa rin kami. Hindi ko alam magulo ang relasyon namin niyan.
"Look at those bunch of idiots, nagpapakahirap pa sila, I know that in one glance you can easily solve that code." Lakas mambolo ni poging Envincí.
"Oh tapos?" Umikot lang ulit ako sa swivel chair, Wiiiiiiih!
Nainis na sa akin si Envincí and he grabbed my chair at halos nilapit iyon sa kanya. Kaya napahinto ako sa pag-ikot.
"Ano ba?" Inis kong sabi At sinubukan ko siyang itulak palayo. Ang lapit ng mukha ng pogi!
Mabilis niya akong binigyan ng flying kiss. Kadire! Mabilis kong binalik iyon sa kanya by slapping his lips.
"Aray naman! Ang rahas mo!" Sigaw niya.
Nang kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito.
Mabilis ko siyang tinampal sa pisnge.
"Aray naman?"
Binelatan ko nalang siya kasi naiinis na ako sa kanya.
At nilapitan ko na nga hindi ang naglelelivate na transparent message sa kung saan mismo sumabog si medieval.
Pero doon sa orasan na sa lahat ng bagay na naabo siya lang ang nanatiling makinis. Sa taas kasi ng court ay ang walong orasan ng bawat cities, ng bawat planeta. Eh ilan ba ang cities sa Outerstellar? Walo. Kaso eto yung naiwang bagay at ang nakakaloko,
Hindi mismong oras ng kasalukuyan ang nandoon. Ang oras na nakasulat doon ay mali. Ang unang orasan ay ang oras sa Cipher City pero 6:34 pm pa lang. Kaso 22:00 ang nandoon sa naistuck na orasan.
Tiningnan ko ang iba pang Intels. Busy talaga sila sa mismong mensahe. Nang mapatingin lang ako kay Envincí na nakatapat sa neon blue lights habang pinanonood akong mabuti.