Installing 19%

280 36 7
                                        

Envinci called me. Sakto dahil magkakasama kami ng buong prodigies plus Saya dito sa grey room. Study room namin.

"Wazzup, handsome?" I heard him scoffed.

Kinurot ako ni Kesyla. Tinampal ko kamay niya habang natatawa.

"Wow, Cosine. Are you actually flirting with me?"

Napasingkit ang mata ko at hindi ako makaniwala sa lalaking 'to. "Hoy, naiwala mo ba yang utak mo?"

"You're definitely flirting with me." Medyo nasusubukan na nga po ang pasensya ko.

"Bawal ko na bang tawaging pogi o maganda ang mga kaibigan ko, huh? Oh wait, strangers na pala tayo, bye."

Binabaan ko talaga ng tawag si Envinci at napanganga ang mga kaibigan ko. "Baliw ka talaga, Cosine!" Tawa ni Kesyla.

Nang mag-ring ang phone ni Jedi at napangisi sa akin tapos ini-speaker niya, "Bro, can you not give the phone to Cosine, how dare she hung up on me?"

Kesyla was laughing real hard pati na rin si Saya.

"Uh-huh, she heard you, brother. And she's very displeased."

"What the fuck? Why are you on speaker though?" Sermon nito at hindi ko na rin mapigilan ang mapatawa.

"Tangina mo Envinci, baka gusto mo nang bumalik dito di ba?" Malakas kong sabi tapos lumapit si Kesyla para magsalita rin.

"Namimiss ka na ni Cosine. Wala kasi siyang kapartner!" Nanlaki ang mukha ko at hinatak ko si Kesyla na aliw na aliw.

"Anyway bakit ka ba napatawag?" Jedi said.

"Aayain ko kasi kayong mag-camp sa Brena, medyo gago kasi tong si Cosine eh, we'll camp beside the pink beach and we'll hang out? Drink and grill--" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil naghiyawan na kami ng mga tropa.

Nagtatambol pa si Jedi sa excitement at nahuli ko iyong tinginan ni Senior Gabe at ni Saya.

"We'll pack up bro! Mamaya ba 'to?"

"Oo, bilisan niyo. Hintayin ko kayo sa grounds." Sabi niya sa kabilang linya at excited pa rin kaming lahat. "And Cosine, no funny business, please? Can you not bring a fucking lunch box of worms to prank or bring a goddamn goat during the trip--"

"Hoy! Tarantado! Masaya naman--" Pinutol niya din ako.

"Basta wag! I'll be there at 2pm--"

Nang magsalita si Senior Gabe. "Can Saya come?"

"Of course, bring him, bro. Anyway, see you later! No pranks Cosine, please!" And then he hanged up before I can speak.

Tapos naghiyawan na sila at nauna nang umalis ang mga lalaki sa excitement.


____


Ready na kami nang madatnan namin siya sa baba na may dalang black van. He looks so good with casual and comfy clothes.

"Admit it, your man is hotter." Bulong ni Kesyla at lumapit banda sa harapan ni Jedi para i-flaunt ang dress na suot.

Oo, aminado naman ako napakagwapo ng hayop!

He had his eyes on me too pero sumakay na rin kami sa sasakyan para makabyahe na. Automatic ang driving ng kotse'ng ito. Remember, naka-attach na parang riles ng tren ang mga vehicles dahil Ciencio needs to track every vehicle going in and out of the streets.

We were rowdy and loud, puro mga plano at sing along sa pinatutugtog hanggang sa inantok din ako lalo na nang makita ko si Saya na nakasandal at si Senior Gabe na nasa tabi ko. Si Jedi, Kesyla at Envinci ay nasa tapat namin.

Installing 49%Where stories live. Discover now