Installing 8%

375 47 2
                                        

"Sobrang dilim!" Takot na sabi ni Kesyla kasi kami yung magkatabi.

Medyo napakapit nga ako sa kanya dahil sobrang dilim dito habang nakaharap kami sa isang sikat na library. Pero mukhang rundown na to. Parang ilang libong taon na ang dinanas neto.

Medyo napalingon naman ako sa gilid ko kasi naramdaman kong may nakatingin. Si Envinci lang pala na titig na titig sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

Sobrang dilim kasi as in hindi madilim katulad ng normal na gabing dilim. As in parang ilang milyong taon ng hindi ito nasikatan ng araw. Ganon ang feeling.

Kinapitan din ako ni Kesyla kasi papaakyat na kami sa mahabang stairs papunta doon.

Dito raw muna kami unang hahanap ng clues. Kaming lima na prodigies ng Intel ang magkakasama ngayon kasi nasa Museo ng Aquifex City ang mga professors.

Nauna ng umakyat ang tahimik na si Senior Gabe kaya sinundan na rin namin siya.

Ang daming hagdan bago makapunta sa magarbong pinto ng parang haunted house ang tema.

Nagsunod-sunod na nga kami. Nakakapit lang ako ng mahigpit kay Kesyla.

Nang nasa harap na kami ng pinto ay sinubukang itulak ito ni Senior Gabe.

"Ano? Buksan mo na." Sabi ni Jedi.

Umiling si Senior Gabe bilang pagsabi na hindi niya kaya.

Nagkatinginan si Jedi at si Envinci kaya tinulungan nila si Senior Gabe na buksan ang pinto. Kaso ayaw!

"Ano ba to? Gawa ba to saan? Bakit ayaw bumukas?" Inis na si Envinci.

"Tingnan mo may nakasulat sa pinto." Sabi ni Jedi.

"Changgala! Bakit ang daming nakasulat sa pinto?" Reklamo ko.

"Ano yan? Code na naman ba? Bakit ba hindi na naubusan ng code ang buong OuterStellar?" Reklamo ni Kesyla.

Tiningnan ko ang pinto at napansing puro sila brackets. This one is a Brackets Code.

>[ ]] (] [ >> ]< (]

> )(

) < ((

>[ ]] (] [ ]] <

> )(

]] )[

(( )( ) (] [

) )[ )[ ]< <> )( ((

( ]< (]

>[ ]] (] [ ]] <

)] >> ]<

]]

) >

[] ]] () )(

> >> )[ (]

<< ]< <> )(

Sa gitna ng pinto ay parang may lalagay kang kung ano para bumukas ang pinto. Bakit hindi ko iyon nakita kanina? Well, nagugutom na kasi ako.

"We have to decode the code. Envinci, alam mo ba yan?"

"Maybe," Inirapan pa niya ako. "But Kesyla was the one in charge in symbols code. Bakit ako ang tinatanong mo?" Masungit na sabi ni Envinci habang nakatingin pa rin sa nakaangkla kong braso kay Kesyla.

Wag mong sabihin na pinagseselosan niya pati si Kesyla?

Kaya napatingin lang ako kay Kesyla habang binabasa niya ang code. Sa dinami-dami ba naman ng code syempre toka-toka rin kaming Intel at depende rin sa strengths namin kung saan kami magaling.

Installing 49%Where stories live. Discover now