"So saan natin hahanapin yung Seal of Fate na sinasabi mo?" Pagbibiro sa kanya ni Cosine.
Nakaakbay pa rin sa kanya si Envinci na weird na yung tingin ng mga tao sa kanila.
"Napaniginipan ko yon kahapon eh." Di alam ni Cosine kung nakikipagbiruan ba sa kanya ito o kung seryoso ba.
Go with the flow nalang siya kasi baka mahantong lang din sila sa bilihan ng pagkain. Hanggang sa napadpad sila sa isang sementeryo. Ang sementeryo nila ay parang nakaincubate ang mga patay sa isang glass cylinder. Mukhang glass ito pero hindi kita ang bangkay.
There was a neon light that serves as the light of the cemetery.
Napalakad palayo si Cosine kay Envinci nang may makita siyang pangalan. It was her mother's tomb. She smiled sadly, yung tatay niya kasi ay ipinatapon nalang din ang bangkay sa Outerstellar dahil sa kasalanan nito. Kaya nanay niya lang ang nabigyan ng maayos na libingan.
Envinci studied her face. Nang mapatingala sa kanya si Cosine ay tinanong niya ito. "So, bakit tayo nandito?"
"Napaniginipan ko nga kasi, na nandito daw yung Seal of Fate. Nasa belongings ng isa sa mga namatay dito."
Napatingin si Cosine sa mga malilit na drawer sa gilid ng cylinder caskets na nandito. Every casket ay may lalagyanan na ganon. Kasi may mga namatay na hiniling na kahit na patay na sila gusto nilang malapit lang din sa labi nila ang mga espesyal na bagay nila nung buhay pa sila.
May pananaw sila kasi na pagpatay na ang isang tao ay iniisip nila na nareincarnate na ito kaya wala sa kanila yung masyadong sensitive pagdating sa mga ganito.
Tumango si Cosine kaya hinipo niya ang casket ng nanay at binuksan ang drawer kung saan may nakalagay na importanteng bagay dito.
Pagbukas niya ay may nakita siyang isang bagay na octagonal diamond na may apat na silver flowers at napapaligiran ng tinik. It was beautiful. Mukhang selyado ito na kung ano. Pero eto mismo masyado'ng maganda.
"What the? So my dreams were true? What the, that's creepy." Sabi ni Envinci na nagpagulat kay Cosine. Tiningnan niya ito at kinuha sa kanya ni Envinci ang nakita.
"Bakit ano bang nasa panaginip mo at natatakot ka dyan?"
"This was the seal of fate! At napaniginipan kong isa sa mga cakset ay nandito ito. Ang creepy Cosine." Natatawa lang si Cosine sa kanya.
Pero tiningnan niya ito. It looks tarnished a bit pero nandoon pa rin ang kakaibang feel nito paghawak mo.
"So ano pang alam mo tungkol sa seal na to? Bukod sa hinahanap ito ni Medieval?"
"Oh, ang alam ko kung sino daw ang may hawak ng seal na ito ay siyang magiging pinakamakapangyarihan sa bansang Erstwhile."
Tuwang-tuwa naman si Cosine. "Wow, mala-fairytale! Ang angas naman ano pa?"
Pero napalingon si Envinci sa kanya na parang nagtataka. "Pero teka, paanong napunta yan sa drawer ng nanay mo?"
Napatingin si Cosine, hindi rin siya sigurado. Kasi hindi niya naman masyadong kilala yung nanay niya at wala siyang alam tungkol dito.
"Ewan ko. Pero itago muna natin 'to dito?" At ibinalik nga ni Cosine ang seal of fate sa drawer ng casket ng nanay niya.
Envinci nodded at ginulo ang buhok ni Cosine dahil mukhang malungkot ito habang nakatingin sa kabaong ng nanay niya. "Halika na nga, libre kita ng pagkain. Orderin mo kahit anong gusto mo."
Natawa si Cosine nang maalala niya yung time na yon. At pagkurap niya nasa harapan niya pa rin si Envinci wearing a loving look on his face. They stopped dancing at binigyan na naman siya ng ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Installing 49%
Science FictionAn idiot, a quad-genius prince, the silent senior, the boy, and the girl who knows a hundred codes with a whole funny venture crossing the universe for one mission. An immortal god named Medieval kept the secrets of how to be immortal through a cryp...
