Installing 23%

237 27 1
                                        

The Professors asked for our presence. Syempre excused si Envinci na ipinagtataka na ng mga kaibigan ko. Nakasandal ako sa upuan at nakataas ang paa. Kumakain lang ako ng ice cream habang nakatulala sa ceiling.

Naisip ko kasi si Medieval. Natusta na kaya siya? Kawawa namang tunay yon. Nang dumating nga ang professors ay unang lumapit sa akin si Professor Denira at hinampas ako nang pabiro gamit yung papel na hawak niya.

"Umayos ka ng upo."

Napakamot ako ng buhok tsaka napansing hindi kumpleto ang mga Professors. At nilaglag na nga nila ang bagong sakit ng ulo namin.

"Kailangan nating makidalo sa coronation ng bagong duke. Every Prodigies and Professors ay kailangang dumalo. It was so sudden. Siguro nasa alanganin talaga ang sitwasyon." Narinig ko yung binulong ni Professor Denira.

Nagulat kaming lahat kasi sobrang bilis. Parang kakabalik lang ni Envinci doon ha? Coronation agad? Nasa panganib ba talaga ang Duke namin pati siya? Pero paano yung Duchess niya? Nasa rule kasi iyon he can't ascend the throne without his Duchess. Pero kung nagawan ng paraan edi goods.

Though the professors are giving me looks and are worrying. Napasandal tuloy ako kay Kesyla na kasama na namin ngayon. Niyakap ko siya at parang papatayin naman ako ni Jedi sa selos. Binelatan ko lang siya.

Pagkatapos ng anunsyong iyon ay dumiretso agad ako sa hideout namin ni Envinci para ipagpatuloy ang reseach ko tungkol sa immortality. Simula nang sinabi sa akin ni Maximil na gawa sa science ang immortality. I kept searching but I couldn't find one.

Alam ko naman eh. Si Medieval lang ang makakasagot sa ahat ng katanungan ko. Ayun ay kung sasabihin niya nga.

Naistress ako kaya nginata ko nalang yung gummy bears kong gumagalaw at napahiga nalang ulit. I miss Envinci.

Nang biglang lumitaw sa akin ang nagbabagang sobrang init na hindi ko makilala kung sino. Para na siyang naagnas na mukhang bulkan na ewan. Pero nang makita ko ang mata niya. Awang-awa ako sa kanya.

Naiiyak ako na hindi ko maexplain.

"Medieval? Ikaw ba yan?" I was careful with my words. Habang pinanonood ko siya he seems to be in so much pain. Physically.

He can't seem to speak though. So he asked me to keep quiet.

Hanggang sa narinig kong nakikipag-usap na siya sa akin in a telepath way. Nakikipag-usap na siya sa utak ko.

"Bakit hindi ka gumagaling?"

He responded in my mind. "I'm already healing. But my core was deeply wounded."

"May kailangan ka ba? Gusto mo ba ng tubig o holy water? Para mapabilis yung paggaling?" Pota anong holy water, Cosine? Bobo ko talaga eh.

"Hindi na, gagaling na rin naman ako mamayang gabi."

I stayed watching him for a minute. Naiiyak ako sa sinapit niya. But he smells like lechon. Ganon kasi pag nasusunog ang isang tao.

"Okay lang ba sayong magtanong ako tungkol sayo?" Tumango siya. "Tao ka ba? Bago ka naging imortal? O immortal being ka talaga na may super powers na galing sa ibang dimensyon o planeta? Something like that or parallel universe na ganon?"

I heard him laugh in my mind. Umiling siya hanggang sa iniwasan niya ang mata ko at napangiti ng malungkot. "Tao ako. Sa Earth ako galing 1,391 years ago. Doon naman ang unang sibilisasyon ng mga tao eh. They just found a way to live in other planets too--" Agad ko siyang pinutol.

"Hoy baka may makarinig sayo. Bawal nang tawaging planets ang mga Cities. At anong Earth Aquifex City."

He just laughed. "Sa utak mo lang naman ako nakikipag-usap eh."

"Kahit na. Teka anong 1,391 years ago? Hindi ba 507,902 years old ka na?" Medyo nagulat kasi ako sa narinig ko mula sa kanya.

"That's a myth and that's too much for a life. Baka tuluyan na akong nabaliw."

Napatingin ako sa kanya hanggang sa natawa ako. Grabe. Oo nga naman. Exaggeration na yon. Pero curious pa rin ako sa kanya. Ang dami kong gustong itanong dahil may pagkachismosa ako. kaso hindi kaya ng time.


"So bakit ka naging immortal?"

"Are you asking me now for the immortal code? Don't use my weak state in getting out that information."

Mabilis akong umiling-iling. "I mean sabi mo di ba? Tao ka noon? So anong dahilan why choose immortality na gugustuhin mo rin namang patayin sarili mo ngayon?"

Yung ekspresyon ng mukha niya na gumagaling na ay nakita ko. Na parang nakalimutan niya na. Kung sino siya noon at kung bakit nga ba siya naging immortal ngayon. Na parang ngayon niya lang ulit naalala kung bakit siya nandito ngayon sa harapan ko.

Hanggang sa magsasalita sana siya nang makareceive ako ng mensahe mula kay Kesyla. Binasa ko ito at mabilis na napatayo. Ngayong hapon nga pala ang koronasyon ni Envinci. Kailangan ko na umalis.

"Alam mo bang ngayon ang coronation ng bagong duke?" Tumango siya. "Aalis na ako. Kung may kailangan ka. Wala non dito. Mga artifacts lang ang mga nandito. Alis na ako."

At kumaripas na nga akong tumakbo para sumakay sa pinagbabawal na sasakyang ako mismo ang gumawa. At nakasuot kami ng actual uniform namin tuwing may mga ganitong gatherings. Habang papasok kami sa palasyo. Medyo nadama ko na ang mga nangyayari. Na totoo tong nangyayari ngayon.

Kahit na gaano kabilis isipin. Malalaman na rin nila na si Envinci ang anak ng Duke na matagal nang itinatago. The thing is, everything was extravagant. From the floors, from the vases and even the ambiance. The pillars that holds the palace too and the grandiose stairs was carpeted with red. The gold banners and the gold emblems of Cipher City was levitating in the middle too. Everything was well made specially for the coronation day.

We were gathered in the widest place we've been to. Nakita ko rin na sa kalayuan. Sa baba ay saksi ang lahat ng mamayan ng Cipher City. Thousands of people were gathered to watch the coronation of the new Duke.

I didn't expect that. Parang wala akong karapatang magloko dahil sa extravagance at sobrang respetado tingnan ng mga taong kasama ko dito sa paanan ng palasyo. Sa baba kasi overlooking ang palasyo kung nasaan ang lahat ng mga tao.

Tiningnan ko rin ang mga professors at agad akong tiningnan nang may pagbabanta ni Professor Carpio dahil kilala ako nito. Nang maramdaman ko si Prof Denira ay kinurot niya ako sa braso.

"Ilugar ang kakulitan ha?"

"Opo, quiet lang po ako." Nagsingkitan lang ng mata sila Prof Bino sa akin. Nginitian ko lang sila.

Napansin ko na kanina pa may nakatingin sa akin kaya nang mapansin ko ito nabasa ko agad na pinapupunta niya ako malapit sa kanya kaya ginawa ko nga. Gwapo ng dating uhugin. Pero mas gwapo pa rin si Envinci. Iba charisma no'n eh. Kuha ka talaga.

"Ano, kamusta?" Tanong sa akin ni Maximil.

"Nakausap ko yung si Medieval kanina. Hindi pa rin siya patay. Medyo naawa na nga ako sa kanya, sunog na sunog yung katawan niya. Hindi pa rin siya gumagaling."

Mukhang natataranta naman sa hindi ko maipaliwanag na kung ano si Maximil kasi kanina pa siya maputla na ngayon ko lang napansin. Parang may gusto siyang sabihin pero mas natataranta siya.

"Hoy, okay ka lang ba?"

Nang maibulaslas niya. " Papatayin nila si Envinci!" Dumagundong ang puso ko sa sinabi niya.

"Seryoso ka ba? Umayos ka Maximil!"

His eyes were worried. "Narinig ko kanina, may plano daw patayin ng Ciencio si Envinci pagkatapos niyang koronahan. I might be selling out my own father but I don't want Envinci to die."

At sa sinabi niya doon na rin ako nataranta.

+++++












Installing 49%Where stories live. Discover now