1-School

29.6K 418 17
                                    

Sam POV

"Hindi na naman sya umuwi?" Sabi ko sa sarili ko.Halos 1 taon na kaming kasal pero hindi ko naramdaman kahit kailan na may asawa ako.Dahil nasanay na akong mag isa sa bahay kung umuwi sya twice a week lang.

Actually pareho kami ng pinapasukang school pero kapag nasa school kami hindi kami nagpapansinan dahil ayaw nyang malaman ng iba na kasal na sya.Ang mga kaibigan ko lang at kaibigan nya ang may alam na kasal kami.

After 2 hours

Andito na ako ngayon sa school at kasalukuyang inaantay ang kaibigan ko.

"Uy sam"

"Ano ka ba naman! Wag mo naman akong ginugulat" Sabi ko sa kanya

"Ayy sorry na"

Sya nga pala si Nikki ang pinakamamahal kong best friend.Kaibigan ko na sya since 1st year high school kami hanggang ngayon na 4th year high school na kami at malapit ng grumaduate sa high school.

"Kamusta naman ang may buhay asawa?"

"Buhay may asawa ba kamo? Ayun parang wala naman akong asawa" Sabi ko sa kanya

"Bakit naman bes? Di ka masaya na asawa mo na ngayon ang dating pinapangarap mo lang?"

"Pano ako magiging masaya kung alam ko namang di nya ako magugustuhan kahit kailan" Sabi ko ng may lungkot sa mukha

"Wag na nga natin syang pag usapan tara na pumasok na tayo at baka malate pa tayo" Dagdag ko

"Sige tara na"

Fast forward

Eto kami ngayon nasa cafeteria.At kasulukuyang kumakain ng mahagip ng mata ko si kurt.Sya lang naman ang asawa ko na nakikipaglandian pa rin sa mga babae kahit na alam nyang may asawa na sya.Alam ko namang hindi nya ako mahal pero mali pa rin na nakikipag flirt sya sa mga babae dahil may asawa na sya😥💔

Kurt POV

"Bro diba asawa mo yun?" Sabi ni Archie

"Nakatingin sya dito oh baka nagseselos na yan" Nash

"Eh ano naman ngayon sa kanya kung may kasama akong babae?" Sabi ko sa kanila

Alam kong kasal kami pero hindi ko sya mahal.Lintek na arranged marriage kase yan.Bakit ba nauso pa yan? Badtrip!

Sa totoo lang kaya ko lang naman akong pumayag magpakasal ay dahil binantaan ako ni dad na kukunin nya ang lahat sa akin at papatirahin nya ako sa Korea.Kaya kesa naman makuha lahat pumayag na ako kahit na ayaw ko talaga.Lalo na sa babaeng yun.She's not my type!

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon