27-Accident

8.6K 156 1
                                    

Kurt POV

Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko.Hindi ko matanggap na nakikipag divorced na sa akin si Sam.Iyak lang ako ng iyak.Nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luha ko kaya di ko napansin yung pagdating ng truck.

"I love you Sam" Bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Sam POV

*kring kring*

Hubby Calling📞

Bakit naman tatawag si Kurt.Kanina lang nag away lang kami ah? Sasagutin ko ba? Hayyst bahala na nga baka sasabihin nya lang na ayos na yung divorced paper namin.

"Hello?"

(Related po ba kayo kay Kurt Gutierrez?)

Teka bakit iba may hawak ng phone nya? Tapos babae pa.

"Ah oo asawa nya to.Sino po sila?"

(Ah nurse po ako.Kayo lang po yung nasa contact ng phone nya kaya ko po tinawagan.Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na sinugod po sa Ospital ang asawa nyo.)

Natutop ko na lang ang bibig ko sa narinig ko.Kasalanan ko to eh.Dapat pinatawad ko na lang sya.Edi sana di sya naaksidente.

Agad akong pumunta sa pinakamalapit na Ospital.

"Saan po yung room ni Kurt Gutierrez?" Tanong ko sa Nurse.

"Kaano ano po kayo ng pasyente?"

"Asawa nya po ako"

"Room 152 po"

Dali dali kong pinuntahan yung room ni Kurt.Wag mo kong iwan please.Di ko kaya kapag wala ka.Pagkabukas ko sa pinto ng room ni Kurt.Lalo akong nanghina ng makita kong madami syang galos sa katawan nya.

"Kurt I'm sorry sa mga nasabi ko.Binabawi ko na yun.Mahal na mahal kita"

Kurt? Gumising ka na dyan! Wag mo kong iiwan.Hindi totoo yung mga sinabi ko sayo nung kanina.Nadala lang ako ng galit ko kaya ko nasabi yun.Please Kurt gumising ka na.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon