6-His Care

12.5K 256 5
                                    

Kurt POV

Nagising ako na masakit ang ulo.Ay oo nga pala nalasing pala ako kagabi at ang natatandaan ko nag away kami ni Sam.Teka sabado pala ngayon may lakad kami ng mga tropa ko.

Pagkababa ko nakita si Sam sa sofa at ginagamot ang paa nya.Teka? Anong nangyari sa paa nya?

"Oh anong nangyari dyan sa paa mo" Tanong ko sa kanya pero no respond

Akmang tatayo na sya ng bigla syang natumba.Kaya tinulungan ko syang tumayo.

"Kaya ko na.Di ko kailangan ng tulong mo" Sabi nya with cold tone of voice

Dali dali ko syang binuhat na parang pangkasal.

"Wag ka munang makulit please.Mapapagalitan na naman ako kapag nalaman ni Dad kapag nalaman nyang nagkasugat ka tapos di kita inaalagaan" Mabuti naman at nakinig sya sa akin kaya iniupo ko sya sa kwarto ko at kinuha ang first aid kit.Pagkatapos kong linisan ang paa nya ay nilagyan ko na ng band aid.

"Pano ka ba nagkasugat?"

"Tinutulungan kase kita kahapon na iakyat sa kwarto ko kaya lang ayaw mo kaya naitulak mo ako tapos nahulog yung vase buti na lang nailag ko yung ulo ko kaso nga lang naapakan ko naman" Sabi nya.Parang bigla naman akong nakonsensya.

"Sorry" Yun na lang ang tanging nasabi ko sa kanya.

"Okay lang lasing ka nun kaya mo nagawa yun sige magluluto lang ako."

"Ako na! Magpahinga ka na lang dyan kase baka mapano pa yang paa mo."

"Sigurado ka? Marunong ka bang magluto" Aba di porket mayaman at may katulong kami sa bahay di na ako marunong magluto.

"Wag ka mag alala marunong ako.sige na magpahinga ka na muna"

"Sige salamat"

Sam POV

Di ko alam kung anong nakain ng badboy na yun? Bigla na lang bumait? Siguro nakonsensya sya nangyari kagabi.Pero salamat pa rin at kahit ngayon lang bumait sya sa akin.

Bumaba na ako para malaman kung tapos na syang magluto.Medyo parang pilay ako maglakad.

"Oh bakit ka bumaba? Sabi ko magpahinga ka muna diba?"

"Ah wala gusto ko lang bumaba nabobored ako sa kwarto" Sabi ko

"Sige maupo ka muna dyan matatapos na tong niluluto ko." Sabi nya at biglang nag ring cellphone nya.

"Hello"

(Bro ano? Tara na?)

"Bro di muna ako makakasama kase maysakit asawa ko"

(Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa asawa mo? Hahaha bro mukhang nahuhulog na talaga loob mo dyan kay Sam ah)

"Sige na may ginagawa pa ako bye na next time na lang"

At binaba na nya ang tawag.

"Bakit di ka sumama? Diba may lakad kayo?" Tanong ko sa kanya

"Kase kailangan kitang alagaan.Mamaya biglang dumating si Dad dito tapos makikita nya ikaw lang mag isa dito."

Omg! Nag aalala sya sa akin? Manahimik ka nga Sam ngayon lang yan kase may sugat ka.Para akong baliw na kinakausap sarili ko.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon