Sam POV
Andito kami ni Enzo ngayon sa restaurant at kumakain pagkatapos daw nito pupunta kami sa arcades para maglaro.Excited na ako.
Nakakahiya naman kay Enzo ang mahal ng nagastos nya.Pero sya naman may sabi eh kaya oks na yun.Haha
Paalis na kami ng restaurant ng bigla akong yakapin ni Enzo.Nasa likod ko sya at nakayakap sya sa akin.Bigla nyang tinanggal yung suot nyang coat inilagay sa akin.
"May tagos ka" Mahina nyang sabi sa akin na ikinagulat ko
Myghaaad! Nakakahiya naman nakita nya akong may tagos.Di ko alam na ngayon pala ako magkakaroon.
"Tara pumunta muna tayong grocery store tapos magpalit ka muna.Bago tayo maglaro sa arcade"
"A-ah s-sige salamat ah." Nahihiya pa rin ako shemay
Pagkatapos kong magpalit ay agad kaming dumiretso sa Arcade.Wow nakakaexcite naman.Una naming sinakyan ay yung Horror Tunnel sobrang natatawa nga ako kay Enzo kase sobrang takot na takot.
"Hahaha di ko alam na takot ka pala sumakay dyan? Lakas ng loob mong magyaya dyan takot ka naman pala" Tawa pa rin ng ako ng tawa.
Sunod naming nilaro ay yung basketball.
"Kung sinong matalo manlilibre.Ano Sam? Game? 3 beses nating lalaruin tapos kung sino matalo sa last na laro sya manlilibre"
"Mukhang lugi ata ako kase lalaki ka eh syempre marunong ka na nyan.Pano naman ako pero sige bahala na.Kaya ko yan! Game ako!"
Nag umpisa na kaming maglaro
1st round
Ako- 9
Sya- 192nd round
Ako- 6
Sya-20Parang pababa ako ng pababa habang sya pataas ng pataas.Nakuu naman
Eto na ang score ng 3rd round
Ako- 19
Sya- 25Ayun ako ang talo
"Madaya ka magaling ka kase mas marunong ka sa akin eh" Kunware nagtatampo ako
"Ganun talaga tsaka pumayag ka naman na makipag deal sa akin eh.So? Pano ba yan ikaw manlilibre?"
"Oo na sige na.No choice talo ako eh.Ano bang gusto mo?"
"Ikaw"
Anudaw? Baka mali lang ako ng rinig
"Anong sabi mo?
" Wala sabi ko libre mo na akong ice cream tara"
Natapos din ang paggagala namin at ngayon nandito na kami sa tapat ng bahay namin ni Kurt.
"Uy salamat sa panlilibre at paghatid sa akin ah.I really enjoy it"
"Wala yon.Tsaka nag enjoy din naman ako.And thank you dahil pumayag kang samahan ako"
"Sige pasok na ako sa loob.Thanks ulit" Sabi ko sabay ngiti.
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Secretly Married To A Badboy (Completed)
RomancePano kung naikasal ka sa taong badboy? At hindi ka mahal? Hahayaan mo na lang ba na paulit-ulit kang masaktan? Pano kung ang taong inakala mong walang paki sayo ay biglang magkatotoo ang nararamdaman para sayo? Si Sam, siya ang babaeng naikasal sa...