7-Jealous?

12.7K 269 7
                                    

Sam POV

Di ko pa rin makalimutan yung pag aalaga sa akin ni Kurt kahit na simpleng sugat lang yon.Pero di na ako mag aassume na magkakaroon pa sya ng feelings sa akin.Dahil ang isang Kurt Gutierrez ay tinagurian badboy.

-School-

Eto ako ngayon nakatambay sa garden.

"Hi miss? May kasama ka ba?"

Omg! Ang gwapo nya shemss.Singkit yung mata,matangos ang ilong,matangkad at maputi.

"Ah w-wala naman" Sabi ko ng nauutal.Bat ba ako nauutal?

"Enzo nga pala" Sabay abot nya ng kamay kaya agad ko din naman syang kinamayan.

"Ako naman si Sam.Teka lang parang ngayon lang kita nakita dito?"

"Transferee kase ako tsaka wala akong kakilala dito."

"Ahh so saang section ka? Tanong ko

" Section 1 ako.Eh ikaw ba?"

"Ayy classmate naman pala kita eh.Edi sumabay ka na sa akin pumasok kase baka mamaya maligaw ka anlaki pa naman ng school na to"

"Sige salamat sam"

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Enzo ngayon.Pero di ko alam bat ganyan sila makatingin?

"Omg! Bat nya kasama si Enzo?

" Sila ba?"

"Baka naman Hindi di kaya sila bagay"

Tsk! Bat di na lang kaya sila mag aral? Inuuna pa yung tsismisan.Papasok na kami ng room.Wala nga pala si Nikki ngayon kase umalis sila ng family nya.

Kurt POV

"Bro asawa mo may kasama oh" Turo ni Archie kay Sam na may kasamang ngang lalaki.Parang biglang nag init ulo ko ah.

Bago lang naman ata yan dito tapos kung makalapit sa asawa ko.Tsk!

"Ah sam pwede mo bang samahan mamayang libutin tong school" Rinig kong sabi nung lalaking kasama ni Sam

"Oo naman!" Sabi ni Sam.Abat ambilis pumayag nitong babae na to ah.Gaano na ba sila ka closed at kung magtawanan sila wagas!

"Pare mukhang may gusto ka na ata talaga kay Sam ah" Sabi ni Renz kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Pinagsasabi mo dyan!? Never akong magkakagusto sa babae na yan.Kung iniisip nyo yung pag alaga ko sa kanya kahapon.Wala lang yun dahil ayoko lang talaga mapagalitan ni Dad" Sabi ko sa kanila

"Ah kaya pala punit punit na yang papel mo? Hahaha" Agad ko silang sinamaan ng tingin at oo nga punit punit na yung papel

"Bro kahit di mo aminin alam naming nagseselos ka"

"Manahimik na nga kayo dyan tsk!"

Ako? Magseselos at bakit naman? Arrgh! Basta nakakainis dapat di sya sumasama sa lalaking yun.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon