23-Fight again

7.8K 172 1
                                    

Sam POV

Nasa canteen kami ngayon ni Enzo.Wala si Nikki dahil may aasikahun daw? Di ko alam kung nasan si Kurt.Eh nagugutom na ako eh.Tsaka kaya naman nyang kumain hehe

"Sam? May dumi ka sa gilid ng labi mo"

"Ay sorry di ko napansin.Nakakahiya naman" Sabi ko shems nakakahiya

Agad kong pinunasan yung gilid ng labi ko.Pero bakit nakatingin pa rin sa akin si Enzo?

"Bat ka nakatingin? May dumi pa ba ako sa mukha?"

Pero imbes na sagutin nya ako ay kumuha sya ng tissue at lumapit sa akin.

"Ayan wala na"

"S-salamat"

"Ang cute mong kumain para kang bata"

"Haha gutom ako eh" Natatawang sabi ko sa kanya.Tawa lang kami ng tawa ni Enzo ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Mukhang ang saya nyo ah? Sorry ah! Aalis na lang ako ako kase baka nakakaistorbo lang ako sa INYO!" Talagang diniinan pa yung pagsabi ng INYO ah.Pagkatapos sabihin ni Kurt yun ay agad syang umalis.

Hindi na pumasok si Kurt sa subjects pagkatapos ng recess.Ano kayang nangyari dun?

6pm na din ng gabi kaya naisipan kong umuwe na.Sakto namang nakita ko yung kotse ni Kurt sa tapat ng school at doon ko sya nakita na....umiinom? Teka may problema ba sya? Agad ko syang nilapitan.

"Kurt? Bat ka umiinom? May problema ba?"

"Wala" Cold nyang sabi at patuloy pa rin sa pag inom ng alak

"Bakit nga kase?" Iinom sya tapos sasabihin nyang wala syang problema? "Kahit di mo sabihin sa akin halata kong may problema ka?"

"SINABI KONG WALA NGA! BAT BA ANG KULIT MO? UMUWI KA NA NGA!"

"Ako na nga tong concern sayo tapos sa akin ka pa nagagalit ngayon" Bigla ko na lang naramdaman na may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

"Oh sige gusto mo talagang malaman? Alam mo ba na sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Enzo tapos sobrang saya nyo pa.Naiinis ako! Kase feeling ko mas masaya ka kapag kasama mo sya! Di ko nga alam kung napipilitan ka lang bang masaya kapag kasama mo ako?"

"Yun na yung kinagagalit mo?" Tanong sa kanya "Nang dahil lang sa magkasama kami ni Enzo ganyan ka na magalit? Tapos ngayon pinagdududahan mo pa akong di masaya kapag kasama ka?"

"Bahala ka na nga sa buhay mo! Sabihin mo lang kung di mo ako mahal? Ako na mismo magpapagawa ng divorced paper" Nakikita ko yung galit sa mukha nya

"So ganun na lang yun? Ng dahil lang magkasama kami ni Enzo divorced agad nasa isip mo?" Di ko na mapigilang umiyak.Agad akong umalis dun.

Nandito ako sa kwarto ko.Oo sa kwarto ko ayoko muna syang makatabi.Nakakainis lang.Dahil lang sa magkasama kami ni Enzo gusto na agad nyang makipaghiwalay? Napakababaw ng dahilan diba?

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon