Sam POV
Grabe first day pa lang pero nakakapagod na pano pa sa mga susunod na araw?
Ding dong
Sino ba yun? Anong oras na may bisita pa?
Agad kong binuksan ang pinto at laking gulat ko ng bumungad ang asawa ko."Napadalaw ka ata?" Tanong ko sa kanya
"Hindi ako dumadalaw lang may karapatan akong umuwi dito dahil pamamahay ko rin to!" Sigaw nya sa akin
"Hoy para sabihin ko sayo wala kang karapatang sigawan ako.Eh kung umuwi ka nga dito sa bahay twice a week lang tapos kapag uuwe ka pa may kasama ka pang babae di ka na nahiya sa akin" Sigaw ko sa kanya
"Wala ka ng paki kung kailan at kung sino gusto kong isama sa pamamahay na to"
"Hoy kurt para sabihin ko sayo babae rin ako at nasasaktan" Sinasabi ko yan habang lumuluha ako.Minsan na nga lang syang umuwi tapos ganito pa gagawin nya sa akin.
"Wala akong paki sa nararamdaman mo basta gagawin ko kung anong gusto kong gawin"
Sabay alis nya at akyat sa kwarto
Hindi ko alam kung pano ko sya pakikisamahan.Sawang sawa na ako.Minsan napapaisip ako kung pwede bang mag divorce na lang kami.Pero hindi pwede dahil nakasalalay ang business namin sa pamilya nya.
Alam ko namang kahit kailan di nya ako tinuring na asawa nya.Pero sana naman kahit konti pakisamahan nya ako.Akala nya ba ginusto kong makasal sa kanya? Kung di lang nagmakaawa ang mom ko sa akin eh.
****
Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)
BINABASA MO ANG
Secretly Married To A Badboy (Completed)
RomancePano kung naikasal ka sa taong badboy? At hindi ka mahal? Hahayaan mo na lang ba na paulit-ulit kang masaktan? Pano kung ang taong inakala mong walang paki sayo ay biglang magkatotoo ang nararamdaman para sayo? Si Sam, siya ang babaeng naikasal sa...