4-Mad

12.8K 264 3
                                    

Sam POV

Di ko alam kung bakit ako pinatawag ni dad.Basta ang sabi lang sa akin umuwi na daw ako agad.Kaya eto ako ngayon nasa bahay na.

"Dad bakit nyo po ako pinatawag?" Tanong ko sa dad ni kurt

"Alam mo na ba yung picture na kumakalat ngayon sa social media?" Tanong ni Dad

"Opo kakakita ko lang po kanina"

"Bakit di mo pinagsasabihan yang asawa mo.Dapat sinasabihan mo sya na wag mambabae dahil may asawa na sya."

"Dad kahit naman po sabihan ko si kurt di po sya nakikinig sa akin"

Natigil ang pag uusap namin ng may biglang pumasok sa kwarto.At yun ay walang iba kundi ang babaero kong asawa.

"Mabuti at nandito ka na! Now explain to me and to your wife that picture"

Kurt POV

"Dad hindi ko nga po alam yun dahil lasing lang ako nun" Sabi ko

"O sige di ako dapat ang binibigyan mo ng explanation kundi yang asawa mo.KURT HA! PAG MAY NALAMAN PA AKONG BALITA TUNGKOL SAYO IPAPADALA KO KAYO SA TAGAYTAY.Sige maiwan ko na kayo"

At ngayon kami na lang ni Sam ang nandito sa kwarto.Tsk!

"Oh ano!? Kailangan ko pa bang magpaliwanag sayo?"

"Kakasabi lang ng dad mo diba? Explain to your wife daw!"

"Oo asawa kita! Pero wala akong dapat ipaliwanag sayo dahil di naman kita mahal tsaka wala lang naman sayo yun diba?"

"Oo nga pala asawa mo lang ako! At tsaka oo nga naman anong paki ko kung may kahalikan ka diba." nakita kong may tumulong luha sa mga mata nya.Teka ang sabi nya wala syang paki tapos ngayon iiyak sya sa harap ko.

"Ayun naman pala eh.Bakit ka umiiyak dyan!?"

"wala kang paki kung gusto kong umiyak.Sana pala di na lang akong pumayag na magpakasal sayo." sabi nya habang umiiyak pa rin.

"Mas mabuti nga na sana di ka na lang pumayag eh.As if naman na gusto ko? No choice lang talaga ako dahil pinagbantaan ako ni dad."

"Hayaan mo darating din yung araw na makikipaghiwalay na ako sayo.Kase isa kang walang kwentang lala--" Di ko na sya hinayaang magsalita at agad ko syang nasampal.Hindi ko alam kung bat ko nagawa yun dahil siguro sa galit ko.

"Anlakas naman ng loob mong sabihan akong walang kwenta! Bakit? Ikaw ba nagpapalamon sa akin?"

"Bakit tama naman yung sinabi ko ah!? Diba nagawa mo nga akong sampalin ngayon?" Pagkasabi nya nun agad syang lumabas ng kwarto ko ng luhaan.Hayyst badtrip na araw to! Bahala nga sya sa buhay nya!

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon