31-Sweet

7.2K 164 1
                                    

Sam POV

Ilang araw na ang nakalipas nung nag celebrate kami Ni Kurt ng Wedding Anniversary namin. Sobrang saya ko dahil sa surprised sa akin Ni Kurt nun.

Ipagluluto ko Si Kurt ngayon ng paborito nyang Sinigang na baboy.Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na yung plato.

Umakyat ako sa kwarto namin para gisingin Si Kurt. Grabe ang gwapo talaga ng asawa ko.Haba ng pilik, kapal ng kilay, tangos ng ilong at yung kissable nyang lips.Parang may nagtutulak sa akin na halikan ko sya.Ano ba yang iniisip mo Sam?  Bad!

"Stop staring at me! Just kiss me if you want" what!? Nagulat ako dahil gising na pala sya.

"D-di kaya kita t-tinititigan. Kapal naman ng mukha mo noh"

"Sus deny pa ang asawa ko" Bigla nya akong niyakap kaya niyakap ko din sya pabalik.Oo nga pala nakalimutan ko kakain na pala kami.

"Ahm Kurt Tara na sa baba. Tapos ko ng lutuin yung breakfast natin.Baka lumamig na yun" Agad kaming naghiwalay sa Yakapan namin.

Kasalukuyan kaming kumakain Ni Kurt ngayon.

"Wifey?" Tawag nya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Hmm?"

"Bukas birthday ni Archie.Pinapapunta nya ako.Isasama kita ah"

"Ah sige lang.Baka mamaya kase mapasobra ka pa ng inom tapos may umaligid na naman sayong mga babae" Nakita ko namang ngumisi sya.Tsk! "Ano nginingisi-ngisi mo dyan ah? "

"You look jealous wifey"

"No I'm not" Bigla syang pumunta sa pwesto ko tapos niyakap ako.Nakaupo ako tapos nakayakap sya sa likod ko habang yung baba nya nakapatong sa balikat ko.

"Don't worry kahit sino pang babae ang dumikit sa akin.Ikaw lang ang mahal ko. " Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Talaga ah? Promise?"

"Promise"

"I love you hubby"

"Love you too Wifey"

Naramdaman ko na lang na magkalapat na ang mga labi namin.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon