14-Zambales

10.1K 227 0
                                    

Sam POV

Kasama ko ngayon si Kurt sa kotse.Papunta na kami sa school.Naeexcite na ako.Myghad siguro ang ganda ng view dun.Shems naiimagine ko na.Haha

-School-

Andito na lahat sa school pero inaantay pa yung bus kaya di pa kami nakakaalis.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din ang bus namin.

Medyo nasa dulo kami pumwesto.

"Ah sam tabi ta-"  Di na natapos ni Enzo ang sasabihin nya ng biglang sumingit si Kurt.

"Tabi kami at magkatabi naman kayo ni Nikki" Cold nyang sabi kay Enzo.

"Sige na Enzo tabi na lang kayo ni Nikki"

Ganito pwesto namin

Ako || Kurt             Enzo || Nikki

Pareho naming gusto ni Nikki malapit sa bintana para kita ang view habang bumibyahe. Sobrang ingay sa byahe dahil sa sobrang excite ng mga estudyante pero makalipas ang 1 oras nakatulog na lahat sa bus.

Kurt POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.Napatingin ako bigla kay Sam.Sa totoo lang ang ganda nya.

Di ko alam pero,I think I like her.Aaminin ko na sobrang nainis ako ng pinakasal kaming dalawa at pinagsama sa isang bahay.Kaya minsan pag umuuwe ako sa bahay lagi akong nagagalit sa kanya ng walang dahilan hanggang sa bigla na lang umextra yang si Enzo kaya parang nakaramdam ako ng selos.Kaya ngayon gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Isinandal ko sa balikat ko ang ulo nya ng dahan dahan para hindi sya magising.At nakatulog na din ako.

Sam POV

Nagulat ako ng makita kong nakasandal ako sa balikat ni Kurt.Okay lang yun baka di naman nya alam.

"Guys gising na andito na tayo sa Zambales" Sabi ni Maam Gutierrez

Finally andito na kami.Agad silang nagising lahat at nagsibabaan na naiwan kami ni Kurt dahil di pa din sya gising

"Kurt andito na tayo gising na"

"Ayy andito na pala tara na baba na tayo" Sabi nya na parang inaantok pa.Haba na nga ng byahe inaantok pa din.XD

"Tulo laway ka pa hahaha"

"Di kaya." Nag poker face pa.

"Tara na nga.Tayo na lang naiwan nandun na silang lahat"

OMG! Ang gandaaaa!

"I'm here Zambales! Sigaw ko

" Wag ka ngang sumigaw dyan.Nakakairita boses mo haha" Sinamaan ko sya ng tingin pero tinawan lang ako.Panira ng moment eh.

Pumasok na kami sa resort.Hiwalay ang kwarto ng girls sa Boys.Kaya kasama ko ngayon si Nikki sa kwarto.2 persons lang kase per room.At magkasama naman si Enzo at Kurt.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Secretly Married To A Badboy (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon