CHAPTER 1

207 5 0
                                    

CHAPTER 1

NAYUMII'S POV

Nakakapagod !

Malapit na ako , konti na lang at Yes ! I made it.

Naka akyat at nakarating na rin ako dito ng mag isa.

Maganda nga dito. Fresh ang hangin at makakapag isip talaga ako ng maayos , pagod na pagod na talaga ako sa buhay ko e. Konti pa lang ang naaalala ko sa nakaraan ko , Wala namang nagsasabi kung ano talaga ang nagyari sa akin dahil walang nakakakilala sa akin sa lugar kung saan ako napadpad.

" Makakalimutan rin kitaaaa ! Makaka move on rin ako sayo ! Palapit na sayo ang karma , manloloko kaaaaaa !! " Sigaw ko na may gigil at galit , medyo nag eecho pa nga e.

Ako lang naman siguro ang tao dito ngayon , malamang nakabalik na yung gwapong photobomber slash masungit na lalaki.

I'm NAYUMII DAPHNE BRITANIA , 20 years old at isang graduating student. Pabalik balik kasi ako ng eskwelahan dahil walang pampaaral sa sarili. Papasok sa school , titigil para magtrabaho bago babalik ulit sa pag aaral.

Ganyan ang buhay ko tapos niloko pa ako ng gag*ong ex ko ! Ginamit lang pala ako , rebound. Saklap.

Baka gusto niyang ipatumba ko siya sa mga tauhan ko e makita niya ! Oppsss kidding aside hehe

Yung buhok ko nga pala hindi kahabaan , sakto lang tapos naka undercut. At isa pa , maganda ako . . . . . Sa salamin namin.

Tumambay lang muna ako dito , Wala pa akong balak umuwi ngayon.

Nag iisip. Pilit kinakalimutan ang hindi magandang nangyari.

Hapon na , nandito pa rin ako. Siguro sa daan na lang ako matutulog , actually may tent naman akong dala at may nakita rin ako kanina na lugar kung saan pwedeng magtayo ng tent.

Malamig ang Gabi. Maliwanag ang buwan , tanging huni ng ibon at kuligkig ang naririnig ko. 

Nagsindi ako ng apoy , nagsiga sa malapit lang sa may tent , pampawi ng lamig.

° Anak ,Mahal na Mahal Kita. Sana Wala kang galit sa amin ng daddy mo. Patawarin mo kame dahil sa pag iwan namin sa iyo °

Napamulat ako bigla , naka idlip pala ako. Medyo mahina na ang apoy sa tabi ko.

Bakit ba palagi kong napapanaginipan ang boses na yun ? Sino ba yun ? Nanay ko  ba yun , bakit niya sinasabing iniwan nila ako ?

Naku naku ! Kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 10:00 pm pa lang ng Gabi ? Naupo na lang ako ng maayos.

^^
Hanggang kailan ako mag hihintay na para bang wala nang papalit sayo ?

Nasan ka man , sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon woahh . .

Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sayong ngiti
Isang umagang dika nagbalik​
Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik

' Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y Wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay
Sa Ngalan ng Pag-ibig

Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo
Nasan ka man , sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo whoahh . .

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay

Sa Ngalan ng Pag-ibig
^^

Medyo okay na ako. Kumakanta , ganyan palagi ang ginagawa ko kapag nagigising ako sa gabi dahil sa mga panaginip kong hindi maipaliwanag.

Suddenly , I'm In Love With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon