CHAPTER 12

25 2 0
                                    

CHAPTER 12

NAYUMII'S POV

" Hahahaha ! Swerte mo kasi sa panaginip mo girlfriend mo ako " Sabi ko at kunwari ay natatawa sabay pasimpleng kamot sa ulo

" Hi ate Yumii , ang aga niyo po ngayon "

" Oo mga tropa , may nangyari kasi sa school kaya suspended ang klase" sagot ko

" Hi Kuya . . . Kuya ? "

" Nolan " Sabi ni nolan

" Hi kuya Nolan , mabuti po bumalik na kayo at Wala na po kayong pasa sa mukha "

" Oo nga kuya Nolan , hinatid niyo pa ang ate Yumii namin , bagay kayo "

Mga batang 'to talaga. " Magsi uwi na kayo , kung anu-ano ang pinag sasasabi niyo e " Sabi ko

" Si kuya Nolan hindi nagsasalita , pinag iisipan yung sinabi namin " Sabi pa ng isa

'' kinikilig ayieeee " Sabi pa ng mga ito bago nagtakbuhan na palabas

" Wag mo na lang sila pansinin , makukulet lang talaga ang mga iyan " Sabi ko

" Okay lang. Ang sarap siguro magkaroon ng kapatid​ ano ? " Sabi niya

" Bakit ? Wala bang anak ang mga magulang mo , yung mga kumupkop sa iyo ? "  Tanong ko

" Wala e hindi sila magka anak at wag na lang din , kawawa yung bata baka maranasan lang niya yung mga pananakit na ginagawa sa akin nila daddy '' Sabi niya

" Sabagay " yun na lang ang nasabi ko at pumasok na ng bahay

" Uuwi​ ka na ba ? " tanong ko

'' Hindi pa , okay lang ba ? Wala naman akong gagawin sa bahay e saka Wala din akong kaibigan na pupuntahan , dito na lang ako sayo " sabi niya , kinilig naman ako ng konti sa huli niyang sinabi hihi

" Okay lang , may pupuntahan tayo maya-maya , sasama ka ba ? " Tanong ko

Ngumiti siya " game ako diyan " Sabi niya

Nagbihis lang ako , pinahiram ko ulit siya ng damit. Nakakarami na 'to ah !

" Marunong ka bang mag basketball Nayumii ? "

" Hindi masyado e sepak takraw ang nilalaro ko simula pa nung bata ako kasi yung ang favorite sports ng Daddy ko "

" Cool nga e ikaw pa lang yata ang kilala kong babae na naglalaro ng sepak takraw " Sabi niya

Palagi niya akong tinitingnan tapos biglang ngingiti , wag kang ganyan Nolan baka mahulog na naman ako ng tuluyan sayo. Hindi naman masamang umasa diba ? Wag lang sobra.

" Tara na " Yaya ko sa kanya , sumunod nama siya

" Aleng Nene , aalis lang po ako mamayang hapon ay babalik din po ako " Sabi ko

'' walang problema Nayumii iha " Sabi niya at napatingin kay Nolan

" Siya ba yung kaibigan mo ? Parang pamilyar siya sa akin , parang nakita ko na siya sa TV ilang taon na ang nakalipas " nagulat ako sa tanong ni aleng nene , mabuti na lang at hindi gaanong narinig ni Nolan.

" Ahmmm kahawig lang po siguro, sige po Salamat " Sabi ko at niyaya na kaagad si Nolan.

" Sasakay ba tayo o maglalakad ? " Tanong ko

" Lakad na lang para matagal kitang makasama " sabi niya

" Ha ? Anong sinabi mo , may dumaan kasing sasakyan hindi ko gaanong naintindihan " sabi ko pero pinipigilan kong ngumiti

Suddenly , I'm In Love With A StrangerWhere stories live. Discover now