CHAPTER 16

17 2 0
                                    

CHAPTER 16

NAYUMII'S POV ▪

Ilang linggo ko ring tinuruan si Nolan at mabilis nga siyang​ matuto. Marami siyang kwento palagi tuwing water break at palagi din niyang tinatanong kung sino daw ba talaga ang may ari. Kakatapos lang ng exam namin , isa at kalahating buwan na lang ay graduation na namin.

" Ate mimii , Wala rin kayong pasok sa Friday ? Long weekend pala e "

" Oo pero may lakad ako sa Friday mag isa lang ako , bibigyan ko muna mg oras ang sarili​ko. " Sabi ko

" Talaga ate Mimii ? Enjoy ka ha saka pasalubong na rin hehe ''

" Salamat. Basta tulungan mo su tita nelia dito sa bahay ha ako na bahala sa pasalubong mo " Sabi ko

" Oo naman ate Mimii , Salamat din. "

' Friday na. Binuhat ko ang malaking bag ko na may laman na kung anu-ano. Papunta ako sa River front Garden Resort sa Maragondon  Cavite. Mag rerelax lang dahil sa dami ng projects , assignment , exams at may misyon pa.

" Ate Yumii may lakad ka na naman ? Ingat ka po " Sabi ng mga batang tropa ko dito sa iskwater.

" Salamat. Ingat din kayo dito , wag mga pasaway ha " sabi ko at sumakay ng Jeep. Bumaba ako at sumakay ulit ng bus.

Nakarating din. Wow ! I love nature talaga , hindi daw uso dito ang Wi-Fi , sobrang ganda ng view , yung mga tulugan ay parang tent din , malamig ang tubig at fresh air walang pollution.

Naupo ako sa duyan na nakaharap sa naglalakihang mga puno at magagandang tanawin.

Ang sarap sa pakiramdam. Nakakarelax.

Nakapikit ako habang ang init ng araw ay dumadampi sa balat ko at ang mga huni ng ibon ang nagsisilbing musika , nawala ang lahat ng pagod ko kanina sa byahe.

" Okay po , maraming salamat "

Napakunot noo ako ng marinig ang boses na yun. Hindi ko na lang pinansin at pumikit ulit. Bagong guest siguro , sa sobrang ganda ng lugar na ito sigurado lahat ay nais na makarating dito.

^ Giniginaw at hindi makagalaw , nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw ^

Kumakanta ako nakapikit at maraming iniisip. Nag iisa na lang yata talaga ako , mag isa akong tatanda kapag hindi ako namatay ng maaga.

" Excuse me miss , pwede bang magta. . . Nayumii ? "

" Nolan ? " Napaupo ako ng maayos sa duyan.

" Anong ginagawa mo dito? / Anong ginagawa mo dito ? " Sabay pa naming tanong

" Nagrerelax lang , nakita ko kasi yung page nila sa Facebook , maganda ang view at I love nature kaya nagpunta ako dito kasi walang pasok. Ikaw ? " Tanong ko

" Nasa listahan ko kasi ito , bucket list ba parang ganun. Matagal na Sana akong nakapunta dito pero inuna ko lang puntaham ang Baguio. " Sabi niya

Universe ! Destiny ! Bakit naman po ganito ? Pinagtatagpo niyo kami palagi , nasasaktan lang ako.

SOMEONE'S POV ▪

Magkasamang namasyal sila Nolan at Nayumii , nilibot nila ang buong resort. Mag swimming , umupo sa isang parang malaking pugad ng ibon na hugis puso , tanaw na tanaw ang magagandang tanawin.

Sabay ding kumain ang dalawa. " Nagustuhan mo ba yung mga foods dito ? " Tanong ni Nayumii

" Oo , sobra. Nabusog ako feeling ko tumaba ako " sagot ni Nolan

" Payat ka pa rin " sambit ni Yumii at biglang napatakip siya ng bibig

" Ibig kong sabihin , hindi ka naman tumaba agad , sakto lang hehe "

Suddenly , I'm In Love With A StrangerWhere stories live. Discover now