CHAPTER 7

24 2 0
                                    

CHAPTER 7

NOLAN'S POV

May mababait pa palang tao na nag eexist dito sa mundo. Akala ko wala na puro katulad na lang ng daddy at mommy ko. Parang swerte na nakilala ko si Nayumii , magaan ang loob ko sa kanya. Ilang araw pa lang kameng magkakilala pero kung ituring niya ako ay isang kaibigan , parang matagal na kameng magkakilala.

Palagi kong naririnig na hulog siya ng langit para sa mga kapit bahay nila , mabait talaga siguro siya.

" Manong dito lang po " sabi ko inabot ang bayad bago bumaba na sa Jeep , may pera akong pamasahe dahil binigyan ako ni nayumii

Dahan dahan akong pumasok sa bahay.

" Saan ka nanggaling ? "

Nagulat ako sa tanong ni daddy , bakit nandito siya ? Hindi ba dapat nagsusugal siya ng ganitong oras ?

" Natulog. . . Natulog po ako sa bahay ng kaibigan ko " Sabi ko

Tumawa lang siya ng malakas " Ikaw !? Nakitulog sa kaibigan mo ? Sinong niloloko mo ! Wala kang kaibigan ! " Sabi ni na dinuduro pa ako

" Mayroon akong kaibigan , mabait siya at hindi katulad niyo !! " Sigaw ko dahilan para matumba ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni daddy sa akin , pagaling pa lang yung sugat ko mayroon na namang bago. Tsk !

Dapat pala nag aral ako ng martial arts para makalaban din ako , oo ginagalang ko sila dahil mas matanda sila at sila ang kumupkop sa akin pero hindi naman dapat ganito.

" Magbihis ka na " bulyaw nito sa akin

" Ihatid niyo siya sa eskwelahan ! Wag na wag niyong iaalis ang mga mata niyo sa batang yan ! " Sigaw ni daddy sa mga tauhan niya

" Yes boss "

" Opo boss "

Sumakay na ako kaagad sa sasakyan , may baril kasi na nakatutok sa akin , Hindi na ako kinakabahan , nasanay na yata ako at saka handa naman akong mamatay anytime.

" Bumaba ka na Boss Nolan , dito lang kame magmamasid sa iyo " Sabi Ng isang tauhan ni daddy

Kahit nahihirapan akong maglakad nagtungo pa rin ako sa klase ko. Nagulat si Prof Cortez sa itsura ko pero wala naman akong maibigay na rason. Inihatid na lang niya ako sa clinic ng school para magamot  ang mga bagong sugat ko. Sinamahan naman ako ng bwisit na babaeng ito.

" Nolan , sumunod ka na lang kasi sa mga utos ni Tito para hindi ka na niya saktan. " Sabi ni Nerie

" Lahat naman sinusunod ko Nerie , Kahit masama kahit labag sa kalooban ko pero ayaw ko talagang magpakasal sayo , maraming lalaki diyan na magmamahal sa'yo sorry pero ayoko. " Sabi ko at iniwan siya sa clinic  , pumasok na siguro sa klase niya.

Kailangan ko ng hangin , Hindi na ako makahinga. Nagtungo ako sa tabi ng puno sa may malawak na field. May naglalaro ng sepak takraw , hinahanap ko si Nayumii. Nasaan kaya siya ?

Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng naglalaro , biglang may bolang tumalsik sa may pwesto ko , may taong pumulot nito.

" Nolan ? " Bulong nito  , napatingin ako agad.

" Nayumii "

Lalapit na Sana siya ng pinigilan ko siya " wag kang lalapit sa akin " Sabi ko

" Ha ? Bakit may mga sugat ka na namang bago ? "

" WAG !  I mean wag yung mga tauhan ni daddy nasa paligid nagmamasid , baka madamay ka pa. Bumalik ka na sa paglalaro , ayos lang ako "  Sabi ko

Suddenly , I'm In Love With A StrangerWhere stories live. Discover now