CHAPTER 13

22 2 0
                                    

CHAPTER 13

NAYUMII'S POV

" Uuwi na po ako " paalam ko

" Gusto mo ba ihatid na kita little sister ? " Tanong ni Kuya Nikolai

" Hindi na po , alam kong kailangan ka ni Tito ngayon , siya na lang ang samahan mo dito " sabi ko saka tumalikod

" Tito , uuwi na po ako " paalam ko ulit

" Mag iingat ka Daphne anak , Salamat. Maraming salamat sa bagong pag asa , wag mo ng isipin ang sinabi ng Kuya Nikolai mo kanina , kilala kita alam kong dadamdamin mo yun. " Sabi ni Tito , pinilit ko na lang na ngumiti para hindi na siya mag alala.

Lumabas na ako ng bahay , pinag masdan ko ang kabuohan. Isang taon na ang lumipas simula nung pumunta ako dito pero ngayon nangyari na naman yung nangyari kanina , parang ayaw ko ng bumalik sa bahay na ito. Napailing na lang ako at naglakad pauwi.

Napatingala ako. Pumapatak ?

Tsk ! Ang malas naman oh ! Wala akong dalang payong buti na lang yung cellphone ko ay gumagana kahit na mabasa.

" Bakit niyo ba ginagawa ang lahat ng ito sa akin ?? "

Kaninong boses yun ?

" Utos ito ng boss namin pagkatapos ka niyang pagsawaan HAHAHAHA ! Hindi mo na maaalala​ lahat dahil dito ! '' Sabi ng lalaki at may ituturok kay . . . Nolan ?

Kinuha ko ang bato sa paanan ko at binato ang hawak ng lalaki. Bulls eye ! Wasak ang hawak ng lalaki.

Tumingin sila sa dereksyon ko , napatago ako sa likod ng isang malaking drum.

" Pare , sino yun ? Baka totoo ang sinasabi nila " Sabi ng lalaki

" Sinasabi ? Yung mga multo na gumagala sa lugar na ito ? " Tanong ng mga lalaki

" Oo ! Halika na iwanan na lang natin dito , sabihin na lang natin Kay ma'am Nerie " Sabi ng mga lalaki at umalis na , iniwan si Nolan na nakahiga sa damuhan. Sobrang lakas pa naman ng ulan.

Nerie ! Pagsisisihan mong ginawa mo ito kay Nolan , magsisimula na ang kalbaryo mo !

Patakbo akong lumapit sa kanya , tumutulo ang luha ko kasabay ng pagpatak ng ulan.

" Nolan . . Nolan ! Wake up " niyugyog ko siya , parang wala pa rin siya sa sarili , mabuti na lang at hindi siya naturukan ulit.

Umangat ang kamay niya at inihawak sa pisnge ko. " Na-Nayumii ? I-ikaw ba yan ? Salamat . . Salamat " Sabi niya , hindi ko alam kung umiiyak siya dahil umuulan. Basang basa na kame , inalalayan ko siyang tumayo.

" Nolan , Kaya mo bang maglakad ? " Tanong ko , umiling iling siya. Mabuti na lang at may dumaan na tricycle , nagpatulong ako sa driver na ipasok si Nolan sa loob ng tricycle at nagpahatid sa bahay nila aleng nelia.

" Niña , niña " tawag ko , sobrang lakas ng ulan kulog at kidlat.

" Ate Mimii ? Gabi na po ah anong ginagawa mo di. . . Omg ! Saglit lang po kukuha lang ako ng payong . . Nay ! " Nataranta si niña

Binuksan nila ang gate at inalalayan akong ipasok si Nolan sa loob ng bahay. " Ano bang nangyari ? " Tanong ni aleng nelia

" Mamaya ko na po ikukwento , kailangan niya po munang mapalitan ng damit " Sabi ko at kumuha naman agad si aleng nelia ng damit , mabuti na lang at may damit pa dito ni mang nanding.

" Eto na Nayumii '' inabot sa akin ang damit at short

" Nolan , Nolan " ginigising ko siya kasi kanina pa siya nanlalamig. " Kaya mo bang tumayo ? " Tanong ko pa , nag nod at sinamahan ko siya sa cr , syempre sa may pinto lang ako , pumasok siya sa loob at nagpalit ng damit.

Suddenly , I'm In Love With A StrangerWhere stories live. Discover now