CHAPTER 27

18 3 0
                                    

CHAPTER 27

SOMEONE'S POV ▪

" Clydeee. . . Sumama ka kay Nash at Nasz ha , puntahan mo kaagad si Nyanza , siguraduhin mong ligtas ang anak natin. " Sabi ni Nayumii kay Nolan

" Ikaw ? Anong gagawin mo ? Mag iingat ka ha , hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa ulit sa akin. " Sabi ni Nolan

" Hindi ako mawawala. Hinding hindi ko kayo iiwan. " Sagot ni Nayumii

Binaybay na nila ang daan patungo sa isang dating hide out ng nga taga SCRPN , alam ni Nolan ang daan dahil na isama na siya doon minsan. " Si mommy tumatawag " Sabi ni Nolan

" Sagutin mo " Sabi ni Nayumii

" 'Wag muna kayong maingay , 'wala munang magsasalita " Sabi ni Nolan

Tumahimik muna sila. Malapit na sila sa hide out.

" Hello , mommy "

" Anak , nasaan ka ? "

" Bakit po ? Kakauwi ko lang galing work. May problema po ba ? " Tanong ni Nolan

Rinig nilang lahat ang usapan. " Ang daddy mo anak , hindi ko na matiis palagi niya akong sinasaktan , Wala ba kaming pera naibenta na ang bahay natin. Hindi na sila magkasosyo ng pamilya ni Nerie , nag away sila dahil gahaman ang daddy mo sa pera. May bagong illegal na gawain ang daddy mo , hindi ko na kinakaya ang ginagawa niya. " Umiiyak na Sabi ng mommy ni Nolan

Nagkatinginan silang lahat sa loob ng van at nakakunot noo.  " M-mommy totoo ba yan ? Baka sinasabi niyo lang yan , alam niyo kung bakit hindi ako umuuwi 'di ba ? " Sabi ni Nolan

" Totoo anak , natawagan kita ngayon dahil umalis ang daddy mo , pupunta siya sa dating hideout nila , may mga bata na kinidnap ng mga tauhan niya , ibebenta ang mga organ sa mga dayuhan na nangangailangan ng organ para sa mga anak nila. Anak , maniwala ka. Matagal na akong nagtitiis , ngayon lang ako nagka lakas ng loob. " Sabi la ng mommy ni nolan

" Saan po ba kayo ? " Tanong ni Nolan

" Nandito ako malapit sa dating hideout , sinundan ko sila. " Sagot ng mommy niya. Tumingin si nolan sa labas , nakita niya ang isang kotse sa 'di kalayuan sa kanila. Tinuro iyon ni Nolan sa mga kasamahan niya.

" Pupuntahan ko " Sabi ni Nayumii

" Baka may ibang makakita sa iyo " bulong ni Noah

" Pahiram ng sombrero mo " Sabi ni Nayumii

" Mommy , 'wag muna kayong lalabas ng kotse , baka makita ka ng mga tauhan ni Daddy , ' Wag ka pong bababa ng kotse " Sabi ni Nolan

Nagsuot ng Jacket at nagsumbrero si Nayumii , pinuntahan niya ang kulay pulang kotse sa hindi kalayuan sa sasakyan nila. Kinatok niya at bumukas ang bintana. " Yes Miss ? " Tanong ng mommy ni Nolan

" Miss Nadia , sumama ho kayo sa akin. " Sabi ni Nayumii

" Ako ? Hindi kita kilala , bakit ako sasama sa iyo pero . . parang pamilyar ka "

" Bumaba na po kayo , si Nolan po kasama ko siya. Ako po yong babaeng kumanta noon sa theater. "

" Ikaw nga 'yon , nasaan ang anak ko ? " Tanong nito na medyo naiilang tumingin kay Nayumii

" Nasa van po " sagot ni Nayumii , bumaba naman si Miss Nadia at sumama kay Nayumii. Binuksan ni Nico ang pinto ng sasakyan.

" Anak , anak ! " Humagulgol si Miss Nadia at niyakap agad ang si Nolan

" Anong ginagawa mo dito ? Sino sila , bakit nandito kayo ? " Tanong ni Miss Nadia

" Miss Nadia , siguro naman po kilala niyo ako , Hindi ka po nagkaroon ng amnesia katulad namin , hindi Sana mawawala ang mga magulang ko 'di po ba ? At dahil sa asawa mo nakidnap ngayon ang anak namin !! " Gigil na sabi ni Nayumii pero pinipigilan niya at may paggalang pa rin.

Suddenly , I'm In Love With A StrangerWhere stories live. Discover now