CHAPTER 9

20 3 0
                                    

CHAPTER 9

SOMEONE'S POV

Pagkatapos ng play ay ipinatawag ni Nerie ang mga tauhan nila may plano siyang hindi maganda.

" Kidnapin niyo siya at dalhin sa hide out natin. " Utos ni Nerie​sa mga tauhan nila.

" Paano kapag pumalag ma'am ? " Tanong ng isa

" E di gawaan niyo ng paraan , ako pa ba ang mag iisip ? Mga Bobo ! " Sigaw ni Nerie

Nagmamadaling umalis ang mga tauhan nila at kaagad hinawakan ng mga tauhan ni Nerie si nolan sa kamay , may ipinaamoy na gamot kaya't nawalan ito ng malay.

" Sisiw na sisiw lang pala mga pre "

" Hindi naman pala oobra sa atin ito. Mahina " Sabi ng isa at isinakay nila sa isang itim na Van si Nolan at dinala sa hide out nila.

" Ma'am Nerie , nandito na po siya "

" HAHAHAHAHAHA ! sa akin ka na ngayon " Sabi ni Nerie na tumatawa pang animoy sinapian dahil sa boses nito.

" Iwan niyo na kame " Sabi pa nito

" Enjoy ma'am " Sabi ng mga lalaki bago nagtawanan habang palabas ng isang kwarto.

Nakatali sa isang upuan si Nolan at ng magising siya ay nagulat siya kung bakit nandito siya sa isang hindi pamilyar na lugar.

" Hi sweetie pie , gising ka na pala " Sabi ni Nerie at humarap kay nolan , may hawak hawak pa itong wine habang malagkit ang tingin sa lalaking nasa harapan niya.

" Nerie ! Anong ginagawa mo ? Pakawalan mo ako ! " Nagsisisigaw si Nolan

" Kung hindi ka susunod sa Daddy mo , ako na lang ang gagawa ng paraan para hindi mo na ako takbuhan " Sabi ni Nerie , may itinurok siyang gamot kay nolan dahilan para mawala sa sarili ang binata. Sumusunod ito sa mga pinapagawa ni Nerie.

" Punta tayo sa bar  , magsaya tayo sa successful ng play sweetie pie " Sabi ni Nerie at walang nagawa si Nolan kundi sumunod dahil wala ito sa sarili niya.

" Magsi uwi na kayo at magsasaya pa kame nitong boyfriend ko " nakangiting Sabi ni Nerie sa mga tauhan nila. Nagtawanan ang mga ito na parang may masamang esperito sa loob ng mga ito dahil sa mga hawak nilang ipinag babawal na gamot.

Dinala ni Nerie si Nolan sa malapit na bar at nagsaya doon. Alam niyang malapit lang ang pinag tatrabahuhan ni nayumii sa lugar kaya't ng makita nitong palabas na si nayumii ay dinala niya si Nolan sa isang eskinita at doon dumaan si nayumii , Nakita niyang naghahalikan ang dalawa. Hindi mapigilan ni nolan ang ginagawa niya dahil sa gamot na itinurok ni Nerie.

Napangiti si Nerie ng makita niyang nakita sila si Nayumii , dinala niya pa si nolan sa apartment na tinutuluyan niya at doon may hindi siya magandang ginawa. Dahil pareho silang lango sa droga , Hindi na nila alam ang ginagawa nila. Nahihibang na si Nerie at parang nababaliw na , lahat na lang ay ginawa na niya kay Nolan.  

Kinaumagahan , nawala na ang epekto ng gamot , nagulat si Nolan na katabi niya si Nerie tulog na tulog at pareho silang walang saplot sa katawan.
Nagmamadaling nagbihis si Nolan at iniwan si Nerie na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.

Anong nangyari ? Anong ginawa ko ? Pilit inaalala ni Nolan ang mga nangyari pero ang mga lalaking dumukot lang sa kanya ang natatandaan niya.

Tulalang naglakad si Nolan sa kahabaan ng kalsada pabalik sa kanila, napatigil ulit siya sa tapat ng condo dahil may narinig na naman siyang kumakanta , napaupo na lamang siya sa damuhan at hindi namalayan ang pagtulo ng luha niya.

"Gusto ko ng malaman kung sino ba talaga ako " Sabi niya bago siya nawalan ng malay.

NAYUMII'S POV

Suddenly , I'm In Love With A StrangerWhere stories live. Discover now