CHAPTER 4

33 2 0
                                    

CHAPTER 4

NAYUMII's POINT OF VIEW

Busy ako sa pagsusulat ng kanta, kailangan ko na kasing matapos.

"Kanta ba 'yang sinusulat mo?" Biglang nagsalita yung katabi ko kaya napatingin ako kaagad sa kanya.

"O-Oo, 'yong gagamitin ninyo sa play." Sagot ko

"Patingin nga l." Sabi niya pa

Ipinakita ko sa kanya at binasa niya naman, "Ano'ng tono nito?" Tanong pa niya ulit

"Ha? Yung chorus ay ganito." Sabi ko at kinanta ko, “Dahil Pangarap kita
Pangarap kong makasama ka
Hanggang sa ating pagtanda
Sa akin dika luluha
Pero, Pangarap lang kita”

Pagtingin ko sa kanya ay nakatitig siya sa akin, napaiwas tuloy ako.

"Sensya, pangit talaga boses ko." Sabi ko

"Maganda nga e." Sabi niya

"Maganda? E bakit nakahawak ka diyan sa ulo mo?* Tanong ko

"Yung boses mo kasi nung kumanta ka parang narinig ko na. Sa tuwing naririnig ko ang boses na iyon ay sumasakit ang ulo ko parang may gustong iparating o ipaalala sa akin." Sabi niya

"Baka naman ka-boses ko lang." Sabi ko

"Baka nga." Sabi niya at ipinagpatuloy ko na ang pagsusulat ng kanta. Katabi ko pa rin siya hanggang ngayon.

Bigla siyang sumubsob sa armchair ng bangko, matutulog ba siya?

Kitang-kita ko ngayon ang tattoo niya, siya nga 'yon! Yung lalaki kagabi. Ibig sabihin kasama siya nung grupo na iyon? Lalo lang akong na-curious, hindi ko tuloy matapos tapos ang sinusulat ko.

"Aray!" Bigla na lang niyang sabi.

"Ano ba'ng nangyari diyan?" Tanong ko sa kanya, tumingin siya sa akin.

"Nabugbog e." Iyon lang ang sinabi niya.

Kinuha ko ang gamot sa bag ko at inabot sa kanya.

"Gamutin mo, effective 'to gagaling kaagad yan." Sabi ko

"Salamat." Sabi niya at kinuha ang gamot, kinuha ko ang band aid sa bag ko at nilagyan ang sugat niya sa may noo, saktong pasok ni Nerie at nanlaki ang mga mata niya nang makita kaming dalawa.

"What happened?" Tanong nito at lumapit sa amin

"Nothing, sumakit lang mga sugat niya so binigyan ko siya ng gamot." Sabi ko

"Really? Ano bang nangyari diyan Nolan?" Tanong ni Nerie

"Tinatanong mo sa akin kung ano ang nangyari? Hindi ba dapat alam mo!" Parang galit na sabi nito kay Nerie.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nila. May connection sila?

"Ahmmm Nayumii, mabuti may gamot at band aid kang dala." Nakangiting tanong ni Nerie sa akin.

"Ahmm oo, hindi ito nawawala sa bag ko lalo na yung band aid." Sabi ko at ipinakita ang braso ko.

"May sugat ka rin?" Tanong pa niya

"Oo, napasabit ako sa alambre doon sa dinaraanan namin kaya ito nasugatan." Palusot ko

"Gano'n ba?" Parang fake nitong ngiti.

'Wag ka nga'ng umarte-arte diyan, baka panain kita! Letseng 'to, hinaharot pa si guwapong photobomber e halata namang ayaw sa kanya.

Dumating na si Prof. Cortez, binigay lang 'yong script bago kami bumalik sa mga klase namin.

Suddenly , I'm In Love With A StrangerWhere stories live. Discover now