CHAPTER TWO

10.2K 322 7
                                    

"Charline! What happened? Are you ok?" salubong sa akin ni Ate lyn ng makauwi ako sa condo ko. Agad akong naupo sa sofa.

"I'm ok ate lyn, walang masamang nangyari sa akin nakapagtago naman agad ako sa comfort room ng mall" i said. Tumango-tango siya.

"By the way kaninong cellphone yung pinantawag no sa akin?" tanong ni ate lyn. Naalala ko tuloy yung babae kanina.

"Someone help me to escape ate lyn, sa kanya din yung phone na ginamit ko." sabi ko. Tumango si ate lyn.

"Do you know the name of the person who help you? Para makapag thank you man lang for helping you" sabi ni ate lyn. Dismayado akong umiling.

"Is that so, sige ok lang yun. By the way you need to rest now, you have photoshoot tommorow" paalala ni ate lyn. Tipid akong ngumiti at tumango.

Kinabukasan maaga akong nagising at nagready na for the photoshoot. Maya-maya ay tumawag ba si ate lyn na nandun na daw sila sa baba hinihintay ako. Kaya agad na din akong bumaba.

"Good morning!" bati ni ate lyn pagkapasok ko palang ng van. Ngumiti ako at binati din siya.

"Good morning!" bati ko. At kinuha ang cellphone ko para sumilip sa social media account ko. As usual yung pagsulpot ko sa mall ang laman ng newsfeed ko.

"Anong suot nung tumulong sayo kahapon?" tanong ni ate lyn kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Malay mo staff pala siya sa mall na iyon edi mas mabilis ang pag hahanap natin sa kanya para maka pag pasalamat" sabi niya. Inalala ko yung suot ng babae kahapon naka normal casual clothes lang siya kahapon kaya imposibleng staff siya dun. Umiling ako.

"No, i think she's not a staff there because naka casual clothes lang siya kahapon" sabi ko. Dismayadong tumango-tango si ate lyn. Binalik ko ang tingin ko sa cellphone ko habang nag iiscroll down ay may naisip ako.

"Alam ko na!" napatingin sa akin si ate lyn pati narin yung driver pero agad ding binalik ang tingin sa daan. I smiled at ate lyn.

"Diba i use her phone to call you yesterday"sabi ko tumango si ate lyn. "Pwede natin tawagan yung number na pinantawag ko sayo kahapon, sabihin natin na makipagkita siya sa atin para maka thank you" dagdag ko sumilay ang ngiti sa labi ni ate lyn.

"Oo nga noh ang galing mo talaga" sabi niya at nilabas ang cellphone niya agad ko itong kinuha mula sa kanya kaya bahagya siyang nagulat.

"Ako na tatawag sa kanya!" sabi ko. Hindi ko alam bakit bigla rin akong na-excite na tawagan siya. Pinindot ko ang call at hinintay na mag ring ni loudspeaker ko pa para marinig ni ate lyn.

Pero biglang."The subscriber cannot be reach please try your call later" sabi ng operator muntik ko nang maibato ang cellphone. Tinignan ko si ate lyn malungkot siya.

"Hayaan mo na, tawagan nalang ulit natin mamaya baka naka patay yung cellphone niya." sabi ni ate lyn at kinuha ang cellphone niya.

"Char be ready may mall show ka pa" sabi ni ate lyn pagkatapos ng photoshoot. Naguguluhan akong bumaling sa kanya.

"Mall show, where? Bakit hindi ko alam?" tanong ko. Alinlangan siya ngumiti.

"Utos ng agency para iwas issue daw sa nangyari kahapon." paliwanag niya. Tumango ako.

"So saan nga?" tanong ko.

"San kaba nag punta kahapon? diba sa Tuazon mall" sabi ni ate lyn. Napatango nalang ako parang i got a feeling na makikita ko yung babaeng tumulong sa akin kahapon.

Pagdating namin sa mall ang dami nang tao. I performed my songs from my album and after that book signing naman.

"Thank you" sabi ko sa babae na nagpapirma ng album ko at ngumiti. Ngumiti siya at nagpapicture muna bago umalis. Pag katapos ng mall show, paalis na kami ng maramdaman kong naiihi ako.

"Ate lyn c.r. muna ako saglit" paalam ko kay ate lyn.

"Sige samahan na kita" alok niya pero umiling ako.

"No thanks, kaya ko naman tsaka saglit lang ako" sabi ko tinignan niya muna ako ng naninigurado bago tumango ngumiti ako sa kanya at tumungo na. Pagkatapos kong gumamit ay nagulat ako ng may humigit sa aking lalaki naka black jacket siya na may hood. Hinila niya ako papunta sa elevator mabilis niya akong hinila papasok at sinarado ang elevator.

"Teka sino ka?! Bitawan mo ko! Tulong!!!" sigaw ko. Binalingan ako ng lalaki nakakatakot siya ang pula ng mata niya.

"Wag kang maingay miss kahit sumigaw.ka.walang makakarinig sayo" sabi niya at tumawa pa ng nakakatakot.

"Saan mo ko dadalhin?! Tulong!!!" takot na sigaw ko at nagpupumiglas. Marahas niya akong sinandal sa elevator at tinakpan ang bibig.

"Wag kang maingay saglit lang naman eh. Alam mo bang matagal na kitang gusto ha!" sabi niya nakakatakot. Hindi ko napigilang maiyak. Jusko ate lyn tulong!!! Hindi nagtagal bumukas ang elevator at napunta kami sa basement ng mall. Marahas niya akong hinila papunta sa itim na van pero bago pa kami makalapit doon ay may nagsalita sa likod namin.

"Excuse me sir" magalang na boses nang babae mula sa likuran namin. Tinago ako.ng lalaki sa likod niya at hinarap ang babae.

"May problema ba dito?" rinig kong tanong nang babae kasi hindi ko siya makita.

"Ah wala may tampuhan lang kami ng girlfriend ko" palusot ng lalaki.

"Ah ganon po ba sige pasensya na po" rinig kong sabi ng babae. No! Wag kang umalis please! I need your help.

"Walang anuman sige" sabi nang lalaki at humarap na sa akin binuksan niya ang pinto ng van. Tinulak niya ako papasok. Papasok na din sana siya ng marinig kong nagsalita ulit ang babae.

"Excuse me sir" tawag nung babae tinignan muna ako ng masama ng lalaki bago hinarap ang babae. Nagulat ako ng bigla nalang bumulagta yung lalaki sa sahig. At may naglahad nang kamay sa akin. Tinignan ko yung naglahad ng kamay. Siya yung babae na tumulong sa akin kahapon!

"I told yesterday na wag lumabas mag-isa ang kulit mo" seryosong sabi niya.

The Artist (gxg)Where stories live. Discover now