CHAPTER EIGHT

6K 207 4
                                    

Kinabukasan maayos naman ang kinalabasan ng dinner namin ni Carlos. We just talked about things, like what he said we need to get to know each other. Ngayon nandito kami ulit sa conference room script reading kasama namin yung iba pang cast ng movie. Maya maya may kumatok sa pinto at sumilip yung staff na nagdeliver kahapon ng kape.

"May nag deliver po ng coffee for ms. Daniela and Mia." sabi nito kumunot ang noo.

"Hindi naman ako nagorder ng coffee" naguguluhan na sabi ko.

"Its from your assistant ma'am" sabi nito.

"Si Daniela?" tanong ni Mia. Tumango yung staff tapos ngumiti si Mia.

"Akin na" masiglang sabi nito. Lumapit ang staff tsaka inabot sa amij ang coffe magkatabi lang kasi kami ni Mia.

"Thank you"sabi ko sa staff tsaka ngumiti ngitian niya lang din ako at lumabas ng coference room. Bumaling ako kay Mia na nakangiti. Habang kinukuhaan ng pictureyung coffee.

"I need to post this on intagram" sabi noya at bumaling sa akin ng naka smirk.

"Ang bait talaga ng assistant mo Charline, pati ako binilan ng coffe. Wait i need to thank her" sabi nito at may di-nial sa phone niya.

"Hello Daniela? Yes, thank you for the coffee"sabi nito. Naririnig kong may sinasabi si Daniela pero hindi ko maintindihan. "Ok sige, i need also to hang up na kasi may script reading kami bye" sabi ni Mia at ngumiti nang tagumapay sa akin pagkababa ng tawag. Bigla akong nainis bakit pati siya kailangan na pati siya bilhan ng coffee ni Daniela. Wait baka siya yung tinutukoy ng Daniela na yun na crush niya? Tapos ginagamit lang ako ni Daniela para mapalapit kay Mia. Pero hindi kasi sabi ni Daniela tinangihan niya yung offer ni Mia. Naputol ang pagiisip ko nang magsalita si Carloa sa tabi ko.

"Charline its your turn you need to read your line" sabi niya.

"Oh yes sorry." sabi ko at ngumiti tsaka sinimulang ng basahin ang linya ko. We finished the first part ng script reading 4:00 pm kasi yung ibang cast may iba pabg schedule but before we part ways syempre nagpicture picture muna.

"Tumawag si Daniela" sabi ni Ate lyn pagkasakay namin ng van. Tunignan ko siya

"Nagpaalam siya baka next week na daw siya makapasok may emergency daw kaya umuwi siya sa probinsya nila." sabi niya. Bakit si Ate lyn tinawagan niya at hindi ako?!

"Bakit sayo siya nagpaalam at hindi sa akin?" tanong ko. Napatawa siya.

"Sabi niya wala daw siyang number mo, kaya sa akin siya tumawag" Sabi ni ate lyn. Napasapo ako sa noo. Oo nga i only ask for her number,hindi ko nabigay sa kanya yung number ko. Pero bakit hindi niya kasi hiningi?! Haynako!!!

"I forgot to give her my number, i'll call her" sabi ko at dinial ang number ni Daniela matapos ang isang ring sinagot niya na.

"Hello?" sagot niya.

"Its me Charline, tumawag ka daw kay ate lyn sabi mo wala kang number ko that's why i called save mo number ko ha." Sabi ko.

"Ok i'll save it." maikli niyang sabi.

"By the way nakarating kana ba siya probinsya mo?" tanong ko. Biglang natahimik ang linya niya.

"Ah... Yes ofcourse, by the way i need to hang up now." sabi niya.

"Ok. Bye" sabi ko hindi na siya nagsalita at binaba na ang linya. May pagkabastos din talaga tong babaeng ito!

"May gusto ka bang puntahan? Tapos na schedule mo ngayon" sabi ni ate lyn. Napaisip ako i will visit my bestfriend tagal na naming hindi nagkita.

"Lets go to Monica's bar i need to visit her,Matagal ko na siyang di nakakausap baka magtampo na iyon" sabi ko. Tumango si ate lyn at sinabi kay manong na dumiretso sa bar ni Monica.

Pagkapasok ko palang ay agaw atensiyon na ako. Kaya nagmadali kaming pumasok sa office ni Monica. Nadatnan ko siyang seryosong nakatingin sa laptop niya kaya hindi niya namalayan na nakapasok na kami.

"Best!" tawag ko sa atensiyon. Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mata.

"Best!!!" sabi niya at agad na tumakbo palipat sa akin at niyakap ako.

"Hi ate lyn!" bati niya kay ate lyn matapos niya akong yakapin. Pinaupo niya kami sa sofa niya dito sa office niya.

"Buti nakadalaw ka best"sabi niya.

"Haynako sabi niya kasi baka magtampo kana kasi matagal kana niyang hindi nakakausap." sabi ni ate lyn magsasalita palang sana ako pero inunahan niya ako.

"Oh... Ang sweet naman ng bestfriend ko. Don't worry i know your busy" malambing na sabi ni Monica. Magsasalita na sana ako ng bigka na namang sumingit si Ate lyn.

"Oo nga eh actually may upcoming movie siya next week na ang shooting kaya for sure busy na siya" sabi ni ate lyn. Parehas kaming tumingin sa kanya ni Monica painosente niya din kaming tinignan.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

"May plano ka bang pagsalitain ako ate lyn? Kasi everytime im about to speak lagi kang sumisingit" sabi ko.

"Ay sorry, sige mag salita kana hindi na ako sisingit" sabi niya at nag peace.sign. Bumalik ang tingin ko kay Monica na ngingiti ngiti habng naiiling nalang.

"So magiging busy ka next week, baka mahirapan ka niyan? Bakit hindi ka kumuha ng assistant mo para may mag aalalay sayo kahit papano" sabi niya.

"Alam mo-" agad pinanglakihan ng mata si ate lyn kasi sasabat na naman siya. Naiilang siyang ngumiti tsaka binalik ang tingin sa cellphone niya.

"I already have one, kaya lang hindi ko kasama kasi nagpa alam iuwi daw sa province niya" sabi ko tumango tango naman si Monica.

"That's great" sabi niya.

"By the way where's your girlfriend?" tanong ko sa kanya. Yes you read it right Monica is a bisexual and she has a girlfriend.

"Si babe? Oo nga noh bakit wala pa yun?" pagkasabi niya palang bumukas na ang pinto ng opisina niya at pumasok ang magandang babae ang girlfriend niya.

"Babe im-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng makita ako i smiled at her.

"Oh Charline buti napa dalaw ka?" sabi nito at humalik sa pisngi ni Monica bago ako niyakap ganun din si ate lyn.

"Yeah i got some free time so i paid a.visit"sabi ko tumango tango siya at naupo sa tabi ni Monica.

"Bakit ngayon ka lang Cassandra ha?" tanong ni Monica naniningkit pa ang mata na parang nagiimbestiga.

"Oh i helped ela, diba sabi ko sayo missing in action siya the fast few days kahapon lang siya nag pakita and marami pang mga papeles na kailangan niyang pirmahan at pag aralan so helped her. Actually hindi pa tapos eh kaya lang pinauna niya na ako kasi baka magalit kana daw" detalyadong paliwanag ni Cassandra sa girlfriend niya at malabing na niyakap ito. Napaisip tuloy ako maganda ba magkagirlfriend?

The Artist (gxg)Where stories live. Discover now