CHAPTER FOURTEEN

5.3K 171 0
                                    

Kinabukasan mag na-nine o' clock na wala patin si Daniela kinocontact ko siya pero hindi niya sinasagot. Maya maya tumawag so ate Lyn.

"Hello Charline  nasan na kayo?" bungad niya pagkasagot ko Palang.

"Nandito pa ako sa condo, I'm waiting for Daniela wala pa siya I called her but hindi niya sinasagot" Sabi ko.

"Ha?! Sige pupunta na ako Jan" paksabi niya ay agad niyang binaba ang tawag.

"Hindi niya din sinasagot ang tawag ko" Sabi ni ate Lyn habang sinusubukan na tawagan si Daniela. Nasan na kaya yun? Nakakainis!!

"Kausap ko lang siya kagabi tapos-" napatigil ako nang may maalala. Nakainom siya kagabi! Oh My God! Baka kung napano na siya! Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Wag naman Sana!

"Bakit? Charline may problema na?" Tanong ni ate Lyn.

"Kagabi pagkagaling ko sa date namin ni Carlos nakita ko siya sa tapat nang condo ko. And she smell alcohol." Magsasalita na sana si ate Lyn nang biglang tumunog ang cellphone niya tumingin siya sa akin. Bago sinagot ang tawag.

"Hello?" Sagot niya at bumaling sa akin.

"Daniela? Where are you?" Napabaling bigla kay ate lyn dahil sa narinig.

"Ah Ganon ba ah sige pagaling ka ha. Ok bye" Sabi ni  ate lyn at binaba ang tawag.

"Hindi daw makakapunta si Daniela ngayon"  Sabi niya. Napataas ko any kilay ko dahil sa narinig.

"Bakit daw?" I asked.

"Hangover masakit daw Ulo" sagot niya. Nakaramdam ako bigla nang inis iinom inom hindi naman pala kaya.

"Bakit hindi siya tumawag, sa akin dapat sa akin siya nagpapaalam" naiinis na sabi ko. Nagkibit balikat lang siya.

Pagkarating namin sa location nang taping. Dumiretso agad ako sa tent nakita ko si sinalubong agad ako nang nakangiting si Carlos.

"Good morning!" Sabi niya. Nginitian ko siya.

"Good morning!" Bati ko rin sa kanya. Lumapit siya sa akin at bumeso medyo nagulat pa ako pero agad din akong nakabawi. Bumaling din siya kay ate lyn at bumati.

"Let me help you ate Lyn" sabi niya at tinulungan si ate buhatin yung ibang gamit ko. Siya nagbuhat kasi nga wala si Daniela.

"Ay naku thank you" sabi ni ate Lyn sinamahan na kami ni Carlos hanggang sa makarating kami sa tent pagpasok namin ay nandon na si Mia.

"Good morning Mia!" Bati sa kanya ni Carlos. Bumaling naman ito sa amin.

"Good morning too" Sabi nito at bumaling sa direksyon ko.

"Wala si Daniela?" Tanong niya. Palihim nalang akong nagikot nang Mata. God! Kita niyang di ko kasama magtatanong tanong pa! Ngumiti ako nang pagkatamis tamis sa kanya.

"Wala eh masakit daw ulo niya kaya di makakapsok" I said nicely to her. Nakakahiya kay Carlos kung magtatarayan kami dito.

"Ah Ganon ba, I should call her then" Sabi niya at nilabas ang cellphone niya. Nagpaalam muna si Carlos na babalik sa tent nila. Ako naman ay dumretso sa upuan ko actually magkalapit lang kami nang upuan Mia.

"Hello? Daniela, kamusta? Tumawag ako kasi sabi ni Charlice masakit ang ulo mo kaya hindi ka niya kasama." Rinig kong sabi niMia pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Ah ganon na sige pagaling ka ah, actually maluwag ang schedule ko ngayon gusto mo punta ako diyan?" Pero nang dahil dun ay napalingon ako kay Mia. Kita ko ang ngisi sa labi niya.

"Ok sige, bye" pagkababa niya nang tawag ay binalingan niya ako nang nakaasar na ngiti. Tinaasan ko siya nang kilay.

"Bakit?" Tanong niya.

"Pupunta ka kay Daniela?" Tanong ko. Mas lalong lumapad ang ngisi niya.

"Yes, why?" Sabi niya.

"You know where she lives?" Di ko maiwasang magtanong.

"Ofcourse, itetext niya daw sa akin" sabi niya. Bigla naman akong nainis, di ko alam kung bakit

"Tapatin mo nga ako" seryosong sabi ko hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya. "Do you like Daniela?"  I directly asked her. Biglang nawala ang ngisi niya. Aha! Pero maya maya lang ay tumawa siya lito ko siyang tinignan.

"Dont laugh, just answer my question" naiinis na Sabi ko. Tumigil siya sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin.

"Ano naman ngayon?" seryosong Sabi niya. Napakunot amg noo ko.

"I mean- ok, lets just say yes, I do like her" dagdag niya pa. Kaya mas lalo akong nainis.

"But she's a girl, like you-"

"Yes, im fully aware that she's a girl like me, then what?" Seryoso niya paring Sabi.

"Are you not afraid? You're celebrity, a public figure, Hindi mo ba naiisip ano nalang sasabihin nang fans mo?" Tanong ko sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Bakit naman ako matatakot? Pagmahal mo talaga dapat walang ikatakot, at isa pa my fans? Well if they are really my fan they will support me"  Sabi niya na naka pagpatulala sa akin. Katahimikan ang dumaan sa aming dalawa buti nalang ay pumasok na si ate Lyn at Tesa.

"Tumawag yung Tuazon bukas daw Yung commercial and photoshoot niyo ni Mia" Sabi ni ate Lyn pagkalapit niya sa akin. Tumango nalang ako sa kanya at binalingan si Mia na Kausap ngayon si Tesa.

"Huy!" Naplingon ako Kay ate lyn.

"Magpalit kana malapit na scene niyo ni Carlos" Sabi niya kaya tumayo na ako para magbihis.


The Artist (gxg)Where stories live. Discover now