CHAPTER TWELVE

5.7K 199 9
                                    

Kinabukasan andito na kami sa company ng Tuazon dito sa conference room kasama namin si Mia at Tesa wala kaming kibuan sa loob.

"Why it is taking so long?! Asan na ba si -" bagot na sabi ni Daniela pero napatigil siya nung nagtataka ko siyang tinignan.

"What are you saying? Sinong hinahanap mo?" takang tanong ko bigla namang hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"I-i mean bakit ang tagal naman nung kakausapin niyo?" sagot niya. Sasagot pa sana ako ng bigla nang bumukas ang pinto ng conference room pumasok ang isang babae nagulat ako kasi kasunod niya ni Cassandra.

"Im sorry kung natagalan, may inayos pa kasi ako" sabi ni Cassandra at ngumiti sa amin.

"Tsss... Buti nga nakarating kapa" rinig kong sabi ni Daniela sa tabi ko kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Pinanlakihan ko siya nang mata.

"Its ok by the way nasan si Ms. Tuazon?" tanong ko kay Cassandra napatingin siya kay Daniela tsaka bumaling ulit sa akin.

"Bestfriend ko ang president ng Tuazon, kaya lang wala siya ngayon may business trip sa ibang bansa so i came to represent her here" sabi ni Daniela.

"Oh is that so? By the way nice to meet you miss thank you for giving me this project" singit ni Mia at nakipagkamay kay Cassandra na pangiti ngiti. Ngiti pa more sumbong kita kay Monica eh! Tignan ko lang kung makangiti kapa nang ganyan!

"Its my pleasure Miss Mia, lets take our seat para masimulan na natin makapagusap"sabi Cassandra kaya nagsiupo na kami.

"Lara can you give them the contract so that they can review" utos ni Cassandra sa babae na kasama niya. I think ka age lang din namin. Binigay niya ang mga contract sa amin bibigyan niya din sana si Daniela kaso pinigilan ko.

"No wag mo na siyang bigyan assistant ko siya" sabi ko sa babae bahagyang kumunot ang noo nito at tumingin kay Daniela.

"Ah she's right i don't need to read it" sabi ni Daniela kaya bumalik na yung babae sa upuan niya.

"Can i ask a question?" biglang sabi ni Mia.

"Go on Miss Mia" sabi ni Cassandra.

"Bakit dalawa kami ni Charline na gusto niyong mag endorse nang product niyo?" tanong niya. Bahagyang natawa si Cassandra at bumaling kay Lara kaya si Lara ang nagsalita.

"Actually Miss Mia si Miss Tuazon po ang personal na pumili sa inyong dalawa ni Miss Charline. Ginagawa lang po namin ni Miss Cassandra ang utos niya" paliwanag ni Lara.

"Ah kailan naman namin mami-meet si miss Tuazon?" si Tesa.

"Soon po" makahulugang sabi ni Lara sabay tingin kay Daniela. Kanina ko pa napapansin na kanina pa siya tingin ng tingin kay Daniela. May gusto ba siya sa assistant ko?

"By the way what do you think sa contract?" tanong ni Cassandra.

"Ok ayos sa amin" sabi ni Mia.

"Good how about you Charline?" baling ni Cassandra sa akin.

"Were also good about it, i hope i can meet miss Tuazon" sabi ko.

"Ms. Tuazon hopes too, pero malay mo you already met her hindi mo lang alam" makahulugan niyang sabi sabay ngiti.

"By the way i need to go now my meeting pa ako" sabi niya. Tumango lang ako nagpaalam nadin sa kanya, pagkatapos ay lumabas na. Binalingan ko si Daniela kasi.kinalabit niya ako.

"Cr. Lang ako saglit" sabi niya

"Alam mo ba kung saan yung cr nila dito?" tanong ko. Ngumiti siya.

"Papasama.nalang ako kay Lara" sabi.niya ngayon ko lang napansin na hindi pa pala umaalis yung kasama ni Cassandra kanina.

"Sige hintayin ka nalang namin sa sasakyan" sabi ko tumango siya at lumabas na kasama si Lara. Naiwan na naman kaming apat nila Mia doon.

"Ate Tesa lets go" sabi lang ni Mia at inirapan ako tsaka sila lumabas.

"Tara na ate lyn hintayin nalang natin si Daniela sa baba" aya ko at bumaba nadin kami.

Nasa biyahe na kami nang tumunog ang cellphone ko tinignan ko kung sino yung nagtext si Carlos pala.

"Hi! Are you busy?" napangiti ako sa text niya. Agad akong nagreply.

"Nope,how about you? Diba nasa shooting ka?" reply ko

"Break ngayon i got some free time kaya natext kita kailang ka pupunta dito?" tanong niya sa text

"On the way na kami" text ko

"Really! Sige hihinatayin kita. Take care!" text niya. Mas lalong lumapad ang ngiti ko kinikilig ako!!! Kinalma ko muna ang sarili ko bago nag type ulit.

"See you!!!" reply ko. Agad na tumunog ulit yung cellphone ko excited kong tinignan yung reply niya pero hindi pala si Carlos.

From: Daniela
Para kang baliw kakangiti!! Basa ko sa text niya agad ko siyang tinignan hawak niya yung cellphone niya habang nakakunot noo nakatingin sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

To: Daniela
Wala kang pake!!!

From: Daniela
Meron. Nag aalala lang ako kasi mukha ka nang baliw kakangiti diyan. Public Figure ka pa naman buti nalang tinted yung sasakyan kundi nakakahiya.

Agad kong binalingan ng masama si Daniela. Tumunog ulit ang cellphone ko.

From: Daniela
Huwag mo akong tinignan nang masama. Im just stating the fact.

Tinignan ko ulit siya nang aasar lang siya na ngumiti sa akin aba ginalit talaga ako nito ah!

"Pwede ba mind your-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may tumatawag sa phone ko. Sa inis ko sinagot ko ito without looking kung sino yun.

"Hello!!!!" inis na bulyaw ko dun sa tumawag.

"Charline? Are you ok? Si Carlos ito" agad kong tinignan kung sino yung tumawag si Carlos nga. Nakaramdam ako agad nang hiya.

"Hey Carlos! Ikaw pala yes im ok. Sorry kung mapalakas yung pagsagot.ko. By the way napawag ka?" sabi ko.

"Its ok. I called because i just wanted to here your voice. Sige kita nalang.tayo mamaya sa set" sabi niya. Oh my God!!!! Miss niya na ako!!!

"Ah sige see you!!" sabi ko at binaba ang tawag na may ngiti sa labi.

"Sabi nang wag kang ngingiti eh mag mumukha kang baliw" agad na nawala ang ngiti ko nang marinig si Daniela.

"Ano bang problema mo?" mataray kong tanong sa kanya.

"Wala" maikli niyang sabi tsaka umiling iling. Kung hindi ko lang kailangan nang assistant. Teka di ko.naman kailangan nang assistant ah na kaya ko noon nang walang assistant kaming dalawa.lang ni.ate lyn magkasama.

"You know what kung ayaw mo sa akin. Then better resign!" sabi ko sa kanya. Kunot noo niya akong tinitigan.

"Bakit ako mag reresign eh gustong gusto nga kita" seryoso niyang sabi at nakipagtitigan sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong natigilan nagiwas nalang ako nang tingin.





The Artist (gxg)Where stories live. Discover now