CHAPTER TWENTY THREE

5.5K 183 5
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas at hanggang ngayon walang paramdam si Daniela ilang beses ko din siyang paulit ulit na tinatawagan pero di niya sinasagot. Tahimik lang akong nakatanaw sa labas nang sasakyan at iniisip si Daniela.

"Manong Bert, pabukas naman nang radyo masyadong tahimik eh" sabi ko ewan ko siguro nasanay na akong laging nakabukas ang radyo at tumutugtog dahil kay Daniela.

Ngumiti lang sa akin si Manong Bert at binuksan ang radyo. Nilabas ko ang cellphone ko dahil tumatawag si Ate Lyn.

"Hello, Ate Lyn"

"Hello Charline, nasan na kayo?" Parang hindi mapakali ang boses niya

"On the way na kami, bakit?"

"Dito muna kayo dumiretso sa agency ni Jane nandito din sila Carlos bilisan niyo hintayin namin kayo!" Pagmamadaling sabi niya at binaba na ang tawag. Nagtataka man ay sinunod ko nalang ang sinabi niya.

" Mang Bert sa agency na daw muna tayo pumunta" sabi ko agad namang niliko ni Mang Bert ang sasakyan papunta sa agency. Binalingan ko si Jane.

"Ate Lyn called me na sa agency muna tayo dumiretso nandun din daw sila Carlos. I don't have any idea kung bakit tayo pinapapunta dun" sabi ko tinignan niya ako saglit tsaka kinuha ang cellphone niya at may pinakita sa akin.

"Baka dahil po dito Ms. Charline" she said while showing me the picture when Carlos kissed me. My jaw dropped when i read the headline.

Breaking: Charline and Carlos spotted kissing while watching the sunset in boracay. The are rumored to be dating.

Pagkadating ko sa agency ay agad akong nagtungo sa meeting room Napatingin sila sa akin.

"Glad you are already here take your seat" sabi ni President kinalma ko muna ang sarili ko at naupo.

"So siguro alam niyo na ang dahilan kaya ko kayo pinapunta dito" he said at nilapag ang isang newspaper kung saan kami ang headline ni Carlos.

"Mind telling us the history about this picture? The two of you? Hindi pwedeng sabihin na nag sho-shooting kayo niyan because there are no camera spotted in the area." sabi naman nung president nang agency ni Carlos. May papaliwanag na sana ako kaso nauna nagsalita si Carlos.

"I did the first move, I am courting Charline even before we went to boracay. And that picture was taken when i asked her to watched the sunset with me" paliwanag niya at apologetic na tumingin sa akin.

"And then you kissed her kahit na nililigawan mo pa lang siya?" Tangong ni Ate Lyn. Napakamot nang batok si Carlos at nahihiyang sumagot.

"Yes, Im sorry" sabi niya at tumingin sa akin.

"So anong gusto niyong gawin natin ngayon about this issue? Hindi naman natin pwedeng sabihin na magkaibigan lang kayo. Hindi din naman nating pwedeng sabihin na nililigawan mo palang si Charline because ma babash kayo pareho niyan, nililigawan mo palang tapos hinalikan mo na? Alam niyo naman siguro ang panahon ngayon diba? Sisirain at sisirain kayo nang mga tao" seryosong sabi ni President napayuko nalang ako. Ano ba itong nagawa ko.

"Eh pano po kaya kung palabasin nalang natin silang exclusively dating tutal dun na din naman po mapupunta iyon diba? For sure naman hindi ba-bustedin  ni Charline itong alaga ko cause for the first place hindi niya bibigyan nang chance si Carlos manligaw kung hindi naman niya sasagutin" sabi nang manager ni Carlos. Agad akong napatingin kay Ate Lyn pati kay President lahat sila nakatingin sa akin.

"Sa tingin ko iyon din ang magandang sabihin ngayon sa mga press" sabi ni President na nakatingin parin sa akin. No! Hindi pwede what i have for Carlos now is nothing compared to what i feel for Daniela. Ayoko man saktan si Carlos but that's the truth.

"I-is there any other choice?" Tanong ko tumingin ako na parang nagmamakaawa kay ate Lyn pero umiwas lang siya nang tingin. Tumingin ako kay President.

"Ibabalik ko sayo ang tanong Charline is there any other choices na naiisip mo?" Napayuko ako. Wala akong maisip.

"Ok if wala the agency and Mr. Carlos agency will finally release statement that the two of you is officially dating" paglasabi niya non ay lumabas na siya nang kwarto kasunod niya ang Presidente nang agency ni Carlos.

"Charline im really sorry about this, kung hindi ko sana ginawa yun hindi ka naiipit ngayon" nagtaas ako nang tingin kay Carlos at pinilit ngumiti.

"It's ok wala naman may gusto sa nangyari" i said ngitian niya ako.

"Even if they release a statement about us dating i will not take advantage of it i will work hard to prove that i deserve you" he said as he held my hands ngitian ko lang siya.

"Carlos tara na handa na yung sasakyan, sige una na kami dun nalang tayo magkikita ulit sa set" sabi nang manager ni Carlos. Tumango lang ako at ngumiti.

"Sige una na kami bye!" Carlos said as he kissed my forehead before he leave.

"Ano tara na din?" Tanong ni ate lyn tinanguan ko lang siya at walang ganang tumayo.

"Fixed yourself Charline today is the last day of filming your movie you need to cheer up" sabi niya at ngitian ako.

Pagkadating ko sa set puro pag bati ang narinig ko tungkol sa amin ni Carlos. Agad akong dumiretso sa tent.

"I missed you too Ela, ofcourse see you" narinig kong sabi ni mia sa kausap niya sa phone pag pasok. Napatingin ako sa kaniya nakangiti niyang ibinaba ang tawag. Ela? Si Daniela kaya kausap niya?

"Oh you're here na pala by the way congrats to your relationship with Carlos" sabi niya at ngumiti.

"Ela? Si Daniela ba yung kausap mo kanina?" Tanong ko

"Ah yes kinamusta ko lang by the way pinapasabi niya din daw congrats sa inyo ni Carlos." Para naman tinusok ang puso ko sa narinig ok lang ba talaga sa kaniya? Ganon ba niya ako kadali kalimutan?

"Talaga bakit hindi siya sa akin tumawag? I've been calling her pero di niya sinasagot" i said trying not to sound hurt. Nagkibit balikat lang siya.

"Don't know, by the way are you coming tommorow night?" Tanong niya napakunot naman noo ko.

"Tommorow night? Saan?"

"Tuazon Cosmetic, may thanks giving party for the succesful launch of their product, you should bring Carlos too." Wala sa sariling napatango nalang ako sa kaniya.





The Artist (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon