CHAPTER EIGHTEEN

5.7K 169 8
                                    

"Pack your things also, three days lang naman" sabi ko kay Daniela nasa biyahe na kami ngayon pauwi. Ang tahimik niya siguro pagod na din bumaling ako sa kaniya naka tingin siya sa labas at parang malalim ang iniisip.

"Hey, Danie narinig mo ba ako?" Sabi ko at kinalabit siya bumaling naman siya sa akin.

"Ha?! Ah ok sige I will pack my things pagkauwi ko" I smiled at her.

"Tahimik mo, napagod ka na din siguro, gusto mo daan kana muna namin sa bahay mo?" I offered umiling siya.

"Ah huwag na, tutulungan pa kitang iakyat ang mga pinamili mo"

"Sige ikaw bahala, by the way thank you for today,sa pagsama mo sa akin mag shopping at sa pagsama sa akin kila Monica."

"Welcome, walang problema sa akin yun basta ikaw" sabi niya sabay ngiti.
I don't know but there again my heart is acting weird.

"Not at all nothing? Wala kang nararamdaman your heart never beats fast whenever you're with her?" Tanong ni Monica na parang naninigurado.

Napailing ako sa naalala. Maya maya nakarating na kami sa basement nang building kung nasaan ang condo ko. Bumababa agad si Daniela at kinuha yung mga pinamili namin kanina tutulungan ko na sana siya.

"Ako na" she said at iniwas sa akin yung kukunin ka sana. Nguiti nalang ako at naunana nang maglakad pupunta sa elavator hinintay ko siyang makapasok tsaka ko pinindot ang floor nang unit ko. Tahimik lang kami sa loob hanggang sa nagbukas na ang pinto nang elevator nauna akong maglakad, huminto ako sa tapat nang unit ko at binuksan ang pinto, hinarap ko siya kinuha ang mga pinamili ko.

"Thank you, gusto mong pumasok muna?" Tanong ko. Nakatitig lang siya sa akin.

"Huy!" Sabi ko parang bigla naman siyang natauhan.

"Are you ok kanina kapa tahimik?" I asked.

"Charline, I have something to confess" biglang kumalabog ang dibdib ko. Napaka seryoso namg mukha niya ngayon.Tumingin siya sa mga mata nai-intimate man ay nakipagtitigan din ako sa kaniya

"A-ano yon?" Kinakabahang tanong ko.

"I like you" wala mang emosyon ang mukha niya ang mga mata naman niya ang nagsasabi. Bigla akong naestatwa sa narinig. Daniela likes me? Awkward akong tumawa. Pero seryoso pa rin siya.

"Masyadong hard naman yata yung ininom mo kila Monica kaya kung ano ano ang sinasabi mo" pi.ilit kong tumawa pero siya wala seryoso pa din.

"Charline, I'm not joking" madiin na sabi niya.

"Daniela, you know im straight diba, sige ok if you like me hanggang doon lang yun don't expect na I will like you too" sa tono kung saan hindi siya ma-ooffend. Pero ni pagkatinag ay hindi bumakas sa mukha niya.

"Well can you atleast try it? Just for one week, pag wala kang naramdaman then I will stop"

"But-"

"No buts, I will never accept no for an answer, sign na pasok kana para makapagpahinga kapa" she said at umalis ako naman naiwan na speechless.

"Sa airport nalang daw si,Daniela pupunta dun nalang tayo magkitakita"sabi ni Ate lyn pagkababa niya nang tawag on the way na kasi kami. Actually hearing Daniela's name bigla akong kinabahan matapos nang pag uusap namin kagabi hindi ako nakatulog nang maayos. Hindi ko alam gagawin ko, I will just act normal infront of her.

Pagkarating namin sa waiting area nandun na halos lahat nang staff. Iginala ko ang.mata ko and there I saw her sitting malayo sa mga staff I took a deep breath before ako lumapit sa kaniya.

"Good morning!" I tried to act normal. At himala ngumiti siya.

"Good morning! Gusto mong coffee bili lang ako saglit" sabi niya at umalis na.

"Hey! Good morning Charline, wala ka kahapon sa set kaya wala akong energy mag act kahapon" biglang sulpot ni Carlos sa tabi ko at nag abot nang coffee. Bibilan palang ako ni Daniela nang coffee eh pero no choice tinanggap ko na lang.

"Sus ikaw talaga bolero" sabi ko at tumawa umupo siya sa tabi ko.

"Hindi ah what I said is true, by the way bawi naman eh ang scene na kukunan sa boracay is a scene where our character is officially together thats why we need to act sweet" biro niya napatawa nalang din ako. Napatingin ako sa kaliwang side ko nang may naramdaman akong umupo si Daniela dala ang isang cup nang coffee. Napatingin siya sa hawak kong coffee na binigay ni Carlos tapos tumingin sa akin.

"Oh hi there Daniela, Good morning" tipid lang na ngumiti si Daniela kay Carlos. Maya maya nakita kong naglalakad si Mia papunta sa amin.

"Hi guys, Good morning!" Bati niya at ngumiti tsaka tumingin kay Daniela.

"Good morning Ela! What's that coffee?" Tanong nito ngumiti si Daniela at tumango.

"Oo gusto mo? Hindi ko pa yan na inuman" sabi niya sabay abot nang coffee kay Mia na dapat ay para sa akin.

"Thanks, ok lang sa akin kahit nainuman mo na" biglang nag init ang ulo ko sa narinig kaya bumaling nalang ako kay Carlos. Umagang umaga! Tsk..

"Oh by the way magkatabi tayo mamaya sa plane" dahil sa sinabing iyon ni Mia ay napagingin ako ulit sa kanila. Tinignan ako ni Mia na parang nang-iinis napataas na ako nang kilay.

"Excuse me diba dapat katabi ko siya? Kasi ako ang amo niya"  napangisi lalo si Mia

"Well dapat nga siya, but ni-request ni Carlos na magkatabi kayo"

"Well pwede nam na si Ate Lyn nalang ang katabi ni Daniela"

"Katabi ni Ate Tesa si Ate Lyn "

"Eh sino ang katabi namg manager ni Carlos?" Na-iinis talaga ako.

"Malay ko, baka yung director" magsasalita pa sana ako pero dumating si ate Lyn.

"Tara na" aya niya kaya hindi na ako nagsalita.





The Artist (gxg)Where stories live. Discover now