KABANATA 20

1.4K 17 0
                                    

KABANATA 20

CLEFFORD GEE's POINT OF VIEW ★

Sunday morning, papunta kami ni Arah sa simbahan. Ang sabi niya ay may pupuntahan daw kami after mass. Hindi ko pa alam kung saan, hindi naman niya nabanggit.

"CiiGee, let's go. Baka ma-late na tayo sa misa." Yaya niya sa akin

"Saan ba tayo pupunta mamaya?" Tanong ko

"Sa bahay nina Rainne, kakausapin ko lang ang Mommy niya about sa friend niya na magaling sa poem, yung sikat na manunulat." Sabi niya, akala ko naman kung saan na.

"Tatawagan na ba natin ulit yung number, 'di ba Sunday ngayon." Sabi ko

"Oo, mamaya na. Gusto mo ba ngayon na?" Tanong niya

"Hindi. Mamaya na nga kasi baka tulog pa yun." Sabi ko

Nagpunta na kami sa Church, saktong dating namin ay magsisimula pa lang. Naupo kami sa bandang gitna at nakinig na sa misa ng Pari. Pagkatapos ay lumabas na kami ng simbahan.

"CiiGee, si Rainne yun 'di ba?" Tanong niya

"Oo nga. May kasama siya." Sabi ko

"Parents niya 'yon. Tara lapitan natin." Yaya niya

"Mommy, nandito rin pala sila Arah." Sabi ni Rainne paglapit namin, okay na nga sila ng Parents niya.

"Hello po, good morning.'' Bati ni Arah at nagbeso sa kanila.

"Good morning po." Bati ko rin

"Boyfriend mo ba ito Arah?" Tanong ng Mommy ni Rainne

"Opo Tita." Sagot ni Arah

"Sabay na kayo sa amin, nagpaluto din ako ng masarap na sinigang na hipon para sa lunch natin, pag-uusapan pa natin si Lyb, yung sikat na manunulat." Sabi ng Mommy ni Rainne, napalaki ang ngiti ni Arah ng marinig ang sinabi ng Mommy ni Rainne. S'yempre sikat na manunulat 'yon tapos idol pa niya. I'm so happy for my girlfriend.

"Sakay na kayo." Sabi ng Daddy ni Rainne at ipinagbukas pa ng pinto ng driver nila.

"Arah iha, sinabi na ba ni Rainne sa iyo ang nangyari doon sa mga dating kidnappers?" Tanong ng mommy ni Rainne

"Opo. Sana nga po lahat sila mahuli na. Marami na naman silang nabiktima." Sabi ni Arah

Habang nasa biyahe kami ay pansin kong lagi akong tinitingnan ng Daddy ni Rainne. Bakit kaya? Baka iniisip niya na kasama ako sa mga kidnappers noon, hehe! guwapo ko namang kidnapper.

"We're here!" Sabi ng Mommy ni Rainne at bumaba na kami.

Ang laki ng bahay nila, iba talaga kapag mayaman.

Papasok na kami ng bahay ng bigla akong niyakap ni Arah. "I love you Ciigee!" Bulong niya, ngumiti ako.

"I love you too." Sagot ko, parang ang sweet ng girlfriend ko ngayon ah.

"Maupo muna kayo." Sabi ni Rainne, naupo kami sa sofa.

"Oh nandito pala kayo." Sabi ni Dean Delos Santos

"Good morning po Dean." Bati namin ni Arah

"Good morning din." Sagot ni Dean

"Ya, bigyan mo sila ng meryenda." Sabi ni Dean, umupo din sa sofa ang Mommy ni Rainne katabi si Rainne na may binabasang aklat.

"Nababasa ko online ang mga Tula na nagawa mo Arah, ang gaganda. Parang hindi ka baguhan sa pagsusulat."

"Matagal na po akong nagsusulat Tita, doon ko po binubuhos lahat ng emosyon ko kaya nakakagawa ako ng mga ganoong piyesa." Sagot ni Arah

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon