KABANATA 40

1.3K 22 0
                                    

KABANATA 40

SOMEONE's POINT OF VIEW ★

Monday ng umaga. Hindi pa rin umiimpis ang mga pantal ni Arah pero nagplano siyang pumasok na.

Ikinuha siya ng kanyang 'Nay Carol ng damit at pati na ang mga gamit niya sa school.

'''Nak, pagkatapos ng klase mo ay bumalik ka dito ha. Hindi ka pa sana puwedeng lumabas kaso mapilit ka. Uuwi na ako at magluluto pa ako, marami na ang naghahanap ng luto ko. Mamayang hapon siguro ako babalik. "

"Opo 'Nay. Salamat po, 'wag po kayong mag-alala. Okay lang po ako." Sabi ni Arah at napabuntong hininga.

Lumabas na siya ng clinic kung saan siya nage-stay.

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa sakayan at nagtungo na sa University.

Pagpasok pa lang niya ng gate ay pinagtitinginan na siya ng mga estudyante.

"Dean, nandito na po si Miss Musico." Sabi ng Guard sa radyo nitong hawak.

Biglang lumabas si Dean Rica at agad hinarang si Arah. "Arah, what happened? Nagpaulan ka ba? May masakit ba sa 'yo , gusto mo ba dalhin kita sa clinic?" Tanong ni Dean Rica

"No need na po Dean. I'm fine po, I hope I will be." Sagot ni Arah at nag bow bago patuloy na naglakad papunta sa room nila pero bago pa siya makapasok ng room ay nakita siya ng mga kaibigan niya.

"Sisteret!"

"Arah!"

"Oh my God, Arah?"

"A-Ate Arah, what happened?"

Kanya-kanyang reaksyon ang mga kaibigan niya.

Kaagad nilapitan nila Melody si Arah at niyakap.

"Arah, saan ka ba galing? Noong Saturday ka pa namin hinahanap, I thought–"

"No.. Nasa hospital ako and don't worry, I'm fine. I will be fine.* Sagot ni Arah, walang emosyon. Nagkatinginan ang magkakaibigan.

"Nagpaulan ka? Bakit?"

"Naabutan ako ng ulan sa sementeryo e saka okay lang ako." Sabi ni Arah, hindi pa rin ngumingiti.

"Emotionless.." Bulong ni Chordie

Saktong talikod ni Arah ay nakita niya si Clefford, hindi lang basta nakita kun'di nasa harapan niya mismo, gulat ang itsura ni Clefford at kaagad napadako ang tingin sa mga pantal ni Arah.

"G-Gammy.." Sambit ni Clefford, may pag-aalala sa boses niya.

Magsasalita sana si Arah pero– "Miss Musico." Tawag ni Prof. Cuevas, parang save by the bell. 

"Eww, what happen to her?" Sabi ni Alpa

"I think she's sick, Alpa." Sabi ng isang babae

"Nakakahawa? Oh my Gosh! It's gross!!" Nandidiring sabi ni Alpa at nagsisigaw pa. Pinagalitan tuloy siya ni Prof. Cuevas

"Yes Sir?" Tanong ni Arah

"Sinabi sa akin ni Dean kung bakit ganyan ang balat mo, okay ka lang ba? Puwede kitang i-excuse sa klase ko." Sabi ni Prof.

"Ayos lang po." Sabi ni Arah at sabay na silang pumasok sa room, tinawag din ni Prof. Cuevas ang ilang estudyante niya at nagsimula na siyang magturo.

Kinukublit ni Clefford si Arah. "Gammy.."

Tumingin si Arah, malungkot ang mga mata ni Clefford na nakatingin sa kanya.

"I'm sorry, I miss you.." Bulong ni Clefford, nanatili lang na nakatingin si Arah at biglang naluha siya kaya umiwas ng tingin.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon