KABANATA 27

1.2K 15 0
                                    

KABANATA 27

CLEFFORD GEE's POINT OF VIEW ★

Kumakain kami ng hapunan, bumili ako at dinala sa k'warto ni Arah.

Hindi ko alam kung naniwala ba ang Kuya niya sa sinabi ko, bakit ngayon pa siya inatake ng Alzheimer kung kailan kausap niya ang Kuya niya.

"Bakit?" Tanong ko, kanina pa kasi niya ako tinitingnan e.

"Wala. Iniisip ko lang kung ano ang pangalan mo, kung kilala ba kita, pero malakas ang pakiramdam ko na kilala kita. Sorry, hindi kita maalala." Sabi niya

"O-Okay lang yun. Kain ka na para maka inom ka na ng gamot." Sabi ko, tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. 

Ngayon na lang ulit 'to naulit.

Sana last na 'to.

"Ahmm Arah, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko, umiling lang siya at nanatiling nakatingin sa picture ng pamilya niya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa maliit na sofa.

Naalimpungatan ako at pagtingin ko sa orasan ay eleven pm na ng gabi. May unan na ako at kumot na ako.

Pinagmasdan ko si Arah habang natutulog.

"Kahit wala kang maalala, mabait ka pa rin. Mahal kita Arah, mahal na mahal. Sana hindi na ito maulit, natatakot ako na baka dumating ang araw na tuluyan mo na akong hindi maalala. Ayoko kong mangyari yun." Sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap kay napahiga ako sa tabi niya.

Tulog pa rin siya, hinayaan ko na lang. Nanatili akong nakatingin sa kanya, nakatitig sa kanya bago tuluyang nakatulog.

Naalimpungatan ako ng may maamoy akong ulam na bagong luto, nagugutom na yata ako, umaga na pala.

"Good morning Ciigee, breakfast na tayo, nagluto ako." Sabi niya pagbangon ko, inantay niya pala akong gumising.

"Gammy!" Niyakap ko siya agad kahit amoy laway pa ako, "I love you! I love you.." Sabi ko at hinalikan siya sa noo, sa kamay, sa buhok.

"Why are you crying CiiGee? Gutom ka na ba?" Tanong niya, umiling lang ako.

"Kain na tayo, dito ka na pala natulog sa k'warto ko, hindi ko maalala na pumunta ka dito kagabi."

"Hmm, kasi Gammy kasi– mahal kita, kain na tayo." Sabi ko

"Aw. Sweet, I love you too." Sabi niya at niyakap ako sabay kiss sa pisnge ko.

Mamaya ko na lang siguro sasabihin, ayaw kong masira ang araw niya lalo na ngayon na maganda ang gising niya.

"Ciigee, kumain ka pa. Papasok ka ba ngayon?" Tanong niya

"Hindi Gammy, magde-date tayo, pupunta tayo sa ampunan, kay Tita Carol at doon sa puntod ni Tito Gary."

"Talaga CiiGee? Thank you, I love you." Nakangiti niyang sabi, ang saya sa pakiramdam na nakikita ko siyang nakangiti, sana palaging ganito.

"Matutunaw ako." Sabi niya

"Ang ganda-ganda mo kasi e para kang bituin, nagniningning sa aking paningin."

"Aba! Mukhang gusto mo na rin ang pagtula Jowa ko ah."

"Naiimpluwensyahan mo ako e." Sabi ko

Namasyal lang kami ni Arah pagkatapos naming dumaan sa simbahan.

Nandito kami ngayon sa park, People Love Nature.

"Gusto mo bang umakyat Gammy?"

"Dito na lang ako sa swing CiiGee, baka hindi na ako kaya nung puno hehe."

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon