KABANATA 29

1.1K 16 1
                                    

KABANATA 29

GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★

Napabuntong hininga ako.

Inhale.

Exhale.

Hindi pa rin ako makapaniwala kahit nakauwi na ako.

Ibinalita ko agad kay 'Nay Carol at kay Clefford.

Pauwi na daw si Clefford kaya hinintay ko siya.

"Gammy!" Noyakap niya ako agad pagpasok niya dito sa k'warto ko, "Congrats, ang galing mo talaga. Belated Merry Christmas!" Sabi pa niya at inabot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.

"Thank you CiiGee." Sabi ko

Ikuweninto ko lahat kay Clefford ang nangyari kanina doon sa office ni Miss Lyb, kahit siya ay nagulat din nung sinabi ko na matagal na pala akong sinusubaybayan ni Miss Lyb sa social media.

"Deserved mo lahat ng yan Jowa ko!"

"Thank you Ciigee! Thank you sa support. May pupuntahan ka ba bukas CiiGee?" Tanong ko

"Wala naman Gammy, bakit?"

"Nagtext kasi si Sharfaye kanina e, punta daw tayo sa resort nila, ipapakilala daw niya yung boyfriend niya. Iniimbitahan tayo pati na rin sila Melody at Chordie, si Xylou saka yung boyfriend niya pati si Rainne at Monica daw, sinabihan na daw niya."

"Sige ba, punta tayo. Anong oras daw ba Gammy?"

"Umaga daw CiiGee, dati sana pupunta kami doon kaso hindi natutuloy dahil busy sa school kaya ngayong bakasyon na lang." Sabi ko

"Kaya nga, ngayon na lang para maka-relax din ang isip natin." Sagot ni Clefford

-

"Hello guys, nandito na kami." Sabi ko ng dumating kami sa resort nila Sharfaye.

"Sakto lang ang dating ninyo, nandito na din sila." Sabi ni Sharfaye sabay beso.

"So, nasaan na yung mahal mo Shar?" Tanong ni Clefford

"Ha? Wala pa siya, on the way daw." Sagot ni Sharfaye, kinakant'yawan nila si Sharfaye. In love daw kasi.

"Malapit na daw siya." Sabi pa ni Shar, nagkuwetuhan lang muna kami sa tabi ng swimming pool.

"P'wede na bang mag-swimming?" Tanong ni Rainne na naka-one piece na.

"Oo naman." Sagot Sharfaye

"Let's go Rainne." Yaya ni Monica sa kanya sabay talon sa pool.

Ilang minuto pa ang lumpas at may narinig kaming dumating na kotse.

"Gammy, puntahan lang namin ni Chordie." Sabi ni Clefford at tumayo na.

"Bakit? Baka naman takutin niiyo ha."

"Hindi. Kikilalanin lang namin."

Sumama sila kay Sharfaye sa may gate.

"Mukhang in love talaga si Shar 'no?" Sabi ni Melody sa akin.

"Oo nga e mabuti na lang at naka-move on na siya sa ex niya." Sabi ko

"Guy's , punta muna kayo dito." Tawag sa amin ni Sharfaye, tumayo na kami ni Melody at Xylou para pumasok muna sa loob, umahon din muna sila Rainne at Monica sa swimming pool para pumasok sa loob.

Nahuli akong pumasok dahil kinuha ko pa ang tubig ko.

"Ahmm, guys boyfriend ko nga pala, si Peter." Narinig kong sabi ni Sharfaye

Peter?

Saan ko nga narinig ang pangalang yun?

Pumasok na din ako sa loob at nakikipagkamay na sa kanila ang boyfriend ni Sharfaye.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon