KABANATA 41

1.3K 15 0
                                    

KABANATA 41

GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★

"Arah, bakit ka sumisigaw?" Tanong ni 'Nay Carol sa akin pagpasok pa lang niya ng kuwarto m

"Narinig ni'yo po?" Tanong ko

"Oo, sobrang lakas nga e at parang gigil na gigil ka."

"Sorry po, hindi ko na po napigilan e."

"Sino ba 'yon?"

"Si Khalil po, kapatid ni Alpa sa ina." Sagot ko

"Khalil? Yung kinukuwento mo sa akin na palaging kang sinusundan? Narinig ko ang mga sinabi mo, totoo ba iyon?" Tanong ni 'Nay Carol, tumango lang ako, narinig pala ni 'Nay Carol ibig sabihin nandito na siya no'n?

"Paano nangyari? Paano mo nalaman ang lahat ng yun? Spy ka ba anak?" Tanong ni Nay Carol

"Hindi po ah. Noong friday na gabi po kasi, sa convenience store ako nag-stay buong magdamag. Dalawang oras pa lang akong tumatambay doon ay may pumasok na matanda, umupo siya sa harapan ko at nakatingin sa akin, noong una natakot po ako pero parang nakilala ko siya, siya yung matandang lagi nating nakikita sa sementeryo na Lola ni Khalil. Kinausap niya ako 'Nay, sinabi niya sa akin lahat, nalaman niya na ako ang anak ni 'Tay Gary na biktima ng manugang niya. Alam niyo 'Nay, sinabi niya din sa akin na siya ang nagsuplong sa Mama nila Khalil para daw matapos na ang hindi magandang gawain ng manugang niya pero hindi daw naman niya akalaing mamamatay. Kaya daw pumupunta siya palagi doon sa sementeryo ay para huminge ng tawad dahil ang gusto lang daw naman niya ay pagdusahan ng manugang niya ang mga nagawa niya at hindi para mamatay." Kuwento ko

"Alam ba ng mga apo niya ang ginawa niya?"

"Hindi daw po dahil alam niyang ang mga apo niya ay mana sa Mama nila, hindi daw po niya masabi dahil ang mga ito ang nag aalaga sa kanya."

"Mabuti na lang anak at ngayon alam na natin na wala na ang totoong may sala at gumawa nun sa Tatay mo. Kung saan man yun naroroon, doon na lang niya pagbayaran ang lahat ng kasamaang ginawa niya."

"‘Nay, gutom na po ako." Sabi ko, biscuit lang kasi yung kinain ko tapos ginutom pa ako dahil sa galit ko kay Khalil.

"Heto, may pagkain." Inabot niya sa akin.

"Hindi po kayo ang bumili nito 'no?" Tanong ko

"Ha? Paano mo nalaman?" Tanong ni 'Nay Carol

"Kasi hindi ni'yo naman po alam kung ano ang favorite ko e at isa pa, may sticker na nakadikit dito sa gilid." Sabi ko

"Sticker? Anong sticker?"

"Ito po, star at moon. Isa lang ang gumagawa nito. Si CiiGee po ba ang bumili nito?" Tanong ko, hindi makatingin sa akin si 'Nay Carol, tumango lang siya.

Sabi ko na nga ba e.

Ibig sabihin nandito pa siya noong nagalit ako?

"Kainin mo na 'yan, galing 'yan sa Boyfriend mo. Binilhan ka rin niya nitong gamot na panlagay d'yan sa pantal mo. Pagaling ha, aayusin ni'yo pa ang relasyon ninyo. Yung babaeng yun naman pala talaga ang may kasalanan e nagsama-sama na lang kaya ayun sumabog ang galit at selos mo, nakapag-desisyon ka agad ng ganyan. Mahal ni'yo naman ang isa't isa." Sabi ni 'Nay Carol , napaisip ako sa sinabi niya, tama naman siya.

Kinabukasan, maaga na naman akong pumasok. Last na check up ko na mamaya at mamayang gabi ay doon na ako uuwi sa bahay ni 'Nay Carol.

"Arah, okay ka na?" Tanong ni Melody sa akin.

"Medyo mahapdi na makati pa." Sabi ko

"May gamot ka ba?"

"Mayro'n, binilhan ako kahapon ni–"

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon