KABANATA 44

1.4K 16 1
                                    

KABANATA 44

SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Arah, bakit uuwi ka kaagad? Hindi ka ba sasama sa amin?" Tanong ni Melody, Wednesday ng tanghali na at nagyaya silang lumabas kaso hindi p'wede si Arah.

"Wrong timing naman kayo palagi, may importanteng lakad kami ngayon." Sabi ni Arah

"Importanteng lakad? About sa kasal ba yan? "" Ngiti-ngiting tanong ni Xylou

"Hindi. Kasal ka d'yan, agad-agad? Priority namin ang pag-aaral." Sabi ni Arah

"Eh saan nga kayo pupunta?" Tanong ni Melody

"Sa bahay. Pupuntahan ko si Mama." Sagot ni Arah

"Mama Violeta mo? Pupuntahan mo?" Tanong ni Melody

"Oo. Hindi na yun galit sa akin, feeling ko. Siguro nakalimutan na niya yung mga nangyari." Sabi ni Arah

"Baka nakalimot na ang Mama mo." Sabi ni Chordie

"Imposible, kilala niya ako." Sabi ni Arah

"Ahhmm, nagbago na siguro siya. Good for you Arah." Sabi ni Melody

"Promise. Next time, sama sama na tayo." Sabi ni Arah at nakipagbeso sa mga kaibigan nila bago umalis.

"Gammy.. Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Clefford

"Medyo CiiGee pero kaya naman, excited na ako. Hindi ko akalaing darating pa ang araw na ito." Sabi ni Arah

"Hawakan mo lang ang kamay ko Gammy para hindi ka kabahan. Nakita mo naman ang reaction ng Mama mo 'di ba?"

"Oo nga, magbabago din pala ang isip ni Mama, kailangan lang talaga ng taong magpapa-realize at ang mga Kuya ko iyon."

"Masaya ako para sa 'yo Gammy, noon binuo mo ang family ko, ngayon buo na rin ang family mo. Masaya ako na nangyari na 'to ngayon para kahit . . . alam mo na– alam ko na masaya ka."

"Thank you CiiGee."

"Hindi nila alam na pupunta ka 'di ba? Baka wala sila doon." Sabi ni Clefford

"Nandoon yun, tinanong ko kay Ate Rica, tinanong naman niya si Kuya Vash kaya alam ko."

"Ganoon ba? Bili tayo ng bulaklak para sa Mama mo."

"Sige, daan tayo sa flower shop." Sagot ni Arah

Bumili sila ng Rose at Sun flower. Hindi kasi sila nakakuha sa taniman nila Clefford dahil wala ng oras.

"Kumatok ka Gammy."

"Sa Gate? HAHAHAHA! 'Di ba dapat door bell yun CiiGee?"

"HAHAHAHA! hindi yun Gammy, bukas naman yung gate kaya papasok na tayo tapos saka pa lang kakatok kapag nandoon na tayo sa may tapat ng pinto." Sabi ni Clefford

"Ah yun pala. Hehehe, kulet. Tara na." Yaya ni Arah at pumasok na sila ng gate.

Napabuntong hininga si Arah bago kumatok. "Tao po.." Tawag ni Clefford

''Mama, may tao po. Parang boses lalake." Sabi ni Drammy

"Sige na, ipagpatuloy ni'yo na ang ginagawa ninyo at ako na ang magbubukas." Sabi ng Mama Violeta nila.

Naglakad na ito patungo sa may pintuan at binuksan. "Sino yan?" Tanong nito at nagulat siya ng makita si Arah, hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan niya.

"M-Mama.." Sambit ni Arah at kaagad niyakap ang Mama niya, sabay na bumuhos ang mga luha nila.

"Matagal ko 'tong hinintay Mama, ang mayakap kayo ng mahigpit ng hindi ni'yo ako tinatalakan. Namiss ko rin pong pagalitan niyo ako. I love you Mama." Sabi ni Arah, walang imik ang Mama niya at mahigpit pa rin ang yakap nila isa't isa.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon