KABANATA 35

1.2K 13 0
                                    

KABANATA 35

GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★

June ten na, first day of school. Fourth year na kami.

Sabay kami ni Clefford na pumasok sa DEL MUNDO UNIVERSITY. Ang daming students lalo na yung freshman, tama nga si Prof. Garcia, nagustuhan nila dito.

"Oh my gosh Sisteret, I miss you." Sabi ni Xylou at kaagad akong niyakap at nakipag-apir kay Clefford.

"Hi guy's, may pasalubong ako sa inyo." Sabi ni Melody

"Melds, bakit parang nangitim ka?" Tanong ko

"Oo nga e, sobrang init sa Baler." Sabi niya

"Nag Baler ka? Hindi nagpasama, gusto ko pa namang matuto mag-surf." Sabi ni Sharfaye

"Hindi nagpasama e buong bakasyon kayong magkasama ni Peter," Tumatawang sabi ni Melody. "Ang hirap may surf, tinuruan lang ako ni Chordie." Sabi pa ni Melody

"Palagi nga siyang nahuhulog e." Sabi ni Chordie, "Mabuti na lang at nasalo ko."

"Ayunnnnnn!"

"HAHAHAHA!!"

"Pumapag-ibig talaga e." Pang-aasar namin sa dalawa.

"Kayong dalawa, ano'ng ganap ninyo nung bakasyon?" Tanong ni Melody sa aming dalawa ni Clefford

"Work." Sabay naming sagot

"Puro trabaho? Hindi manlang kayo nag enjoy e stressed na naman ngayong pasukan." Sabi ni Chordie

"Hindi. Masaya naman kami kapag magkasama kaming dalawa." Sagot ko

"Alam namin.. Kapag magkasama kayong dalawa, may sarili kayong mundo, wala kayong pakealam sa paligid ninyo." Sabi ni Melody

"Ganoon talaga kapag nagmamahalan." sabi ni Clefford

"Luh? HAHAHA! Nakakainis, nakakakilig." Sabi ni Xylou

"Congrats nga pala Arah, grabi may libro ka na tapos may event ka pa noong nakaraan, umaasenso ka na." Sabi ni Sharfaye

"Oo nga e. Thank you sa soon to be mother-in-law mo." Sagot ko

"HAHAHAHA! Mother-in-law pala,totoo na ba yan?" Tanong ni Chordie

"Oo. Totoong totoo kaya." Sagot ni Sharfaye

"Oh, isa pang pumapag-ibig." Tumatawang sabi ni Xylou, nakatambay kami sa dati naming tinatambayan malapit sa cafeteria.

"Alam ni'yo ba guy's, balita ko babalik si Prof. Cuevas." Sabi ni Monica na kakarating lang kasama si Rainne.

"Prof Cuevas? HAHA!! 'yong may gusto sa Kuya Vash ni Arah?" Tawang tawa na tanong ni Chordie

"Oo. Wala kasi si Prof. Garcia, next semester pa yata babalik." Sagot ni Monica

"Baka pag-initan ka nun Arah." Sabi ni Melody

"Okay lang naman e basta alam ko ang mga tinatanong niya saka nand'yan naman kayo na saksi sa mga pinagagawa niya sa akin."

"True. Pero siguro hindi ka na nun pag-iinitan, remember last time? 'di ba natakot yun nung nalaman niya na sundalo ang mga Kuya mo." Sabi ni Melody

"Malay mo, may resbak." Sagot ko

"Hindi ba sa ibang block yun nagtuturo?" Tanong ni Melody

"Oo pero lilipat daw sa atin." Sabi ni Monica

"Sinusundan talaga si Arah HAHAHAH! abangan natin kung ano ang mangyayari." Sabi ni Chordie

Habang nagtatawanan kami ay may lumapit na lalake na nakapagpatigil sa pag-uusap namin.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon