KABANATA 34

1.1K 14 0
                                    

KABANATA 34

CLEFFORD GEE's POINT OF VIEW ★

First event pa naman niya. Bakit ba kasi hindi ko naalala? Tsk.

"C-CiiGee, magpapahinga muna ako." Sabi niya, ramdam kong wala siya sa mood.

"Ha? Ahmm sige, usap ulit tayo mamaya ha?" Sabi ko, tumango lang siya. Nilapitan ko siya at hinalikan sa noo, nilingon ko pa siya bago ako naglakad palapit sa may pintuan.

"CiiGee.." Tawag niya at lumingon ako agad.

"Gammy?" Tanong ko

"Pagod ka na ba?" Tanong niya

"Ha? Pagod sa trabaho? Medyo." Sagot ko

"Hindi." Seryosong sabi niya

"Huh?" Nagtaka naman ako.

"Pagod ka na ba? Pagod ka na bang intindihin ako? PAGOD KA NA BANG MAHALIN AKO??" Nangingilid na ang luha niya at nakatingin sa akin ng deretso, "P-Pagod ka na ba sa a-akin?"

"Gammy, ano'ng sinasabi mo? Hindi, hindi naman." Sagot ko agad, ngumiti siya ng pilit.

"S-Sige, magpapahinga na ako. Natanong ko lang naman." Sabi niya at umiwas siya ng tingin.

"Gammy.. Okay lang ba tayo?" Tumango lang siya.

"Usap na lang tayo mamaya, wala lang ako sa mood." Sabi niya atsaka tiningnan ko siya ulit.

Malungkot ang mata niya.

Nagpunta ako sa kuwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama. Kasalanan ko 'to! Napapabayaan ko na siya dahil sa trabaho ko. Babawi ako, babawi ako sa 'yo Gammy.

Nagpunta ako sa palengke, tinawagan ko si Mommy at itinanong kung paano lutuin ang sinigang na hipon with twist ni 'Ya.

Sinabi niya sa akin lahat ng ingredients saka kung paano lutuin.

Nagsimula na agad akong magluto, gusto kong bago magising si Arah ay tapos na ako magluto.

Tinikman ko ang niluto ko. Masarap naman, hindi ko lang sure kung nakuha ko ba yung tamang lasa.

Inayos ko na ang maliit na mesa at inilagay na ang mga plato at kutsara. Inihanda ko na rin ang mga pagkaing niluto ko, nagpalit ako ng damit at nag-decide na puntahan si Arah.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ng kuwarto ko ay nagulat ako kasi si Arah nakatayo sa harapan ko at nakangiti.

"Gammy.."

"Hi CiiGee.." Niyakap ko siya agad.

"Pasok ka." Sabi ko

"Ano'ng mayro'n?" Tanong niya

"Wala Gammy, gusto lang kitang ipagluto, babawi lang ako sa 'yo." Sagot ko at pinaupo na siya.

"Ikaw ang nagluto nito? Baka nagpaluto ka lang kay 'Ya. "

"Hindi Gammy, tinanong ko sa kanya kung paano tapos ako na ang nagluto."

"Talaga? Patikim nga."

Tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Hmmm.." Tumango-tango lang siya.

"Ano'ng lasa Gammy? Masarap ba?" Hinihintay ko ang sagot niya.

"Masarap." Napangiti ako.

"Talaga?"

"Oo, mas masarap pa sa luto ni 'Ya. Ano'ng sekretong sangkap ang nilagay mo?" Tanong niya

"Sekretong sangkap? Wala, pagmamahal lang." Sabi ko sabay kindat.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon