Kabanata 4

66K 2.5K 134
                                    

Angkinin

"Angel, okay kalang?" Tinabihan ako nj Tita Elisa. Pareho kaming nakatingin kay lolo na hindi parin gumigising.

Napakurap kurap at napatingin sa aking tita. Nasa malalim akong pag iisip tungkol sa lalaking humalik sa akin sa loob ng elevator. Pagkatapos ng halik ang siya rin ang pag bukas ng elevator at mabilis nitonh paglabas. I can still feel how he kiss me. Ramdam ko parin ang init ng kanyang labi sa akin. Ramdam ko kung paano nito kinagat kagat at sinipsip ang aking ibabang labi. Ni hindi na ako nagprotesta pagkatapos ang ilang minuto niyang halik sa akin. Napahawak pa ako sa t shirt niya! Gusto ko na talagang sabunutan ang sarili ko! Nababaliw na ata ako kakaisip kung sino yung first kiss ko!

"Angel?" Pukaw sa akin ulit ni tita. Nangunot ang noo. "Kanina kapa tulala ah."

Ngumiti ako at umiling. "Hindi tita. Iniisip ko kasi kung kelan si lolo magigising. Tsaka, may pera paba tayo? Private itong hospital di'ba?"

Yumuko si tita at huminga ng malalim. "Plano kong isanla muna ang lupa natin." Tila nag dadalawang isip nito na sabi sa akin.

Namilog ang mata ko at umiling.
"Tita hindi! May sentimental value iyon kay lolo. Pinamana pa iyon ng ninuno niya di'ba? Tiyak hindi rin papayag si lola."

"Pumayag ang lola mo hija. Tsaka' sanla lang naman. Mababawi rin natin yun."

"Paano? Saan tayo kukuha ng malaking pera tita?"

Natahimik ito sa aking sinabi. Kita sa mukha niya ang sobrang stress. "Hindi na natin nabili yung ibang gamot ni papa Angel. Si lola ,naghanap ng mahihiraman at pumunta kay kapitan."

"Gagawa ako ng paraan tita."

Tumango ito at hinawakan ako sa pisngi. "Ang bait mo na bata." May dumaang pait sa mga mata nito. "Ang ganda at ang bait mo.Huwag mong pabayaan ang pag aaral ha? Iyan lang mabibigay namin sayo."

"Sisikapin ko tita. Magiging guro rin ako balang araw."

Kinabukasan pumasok ako sa skwelahan. Tulad ng dati nakabantay na sa akin sa gate palang si Kaira. Nauuna siya palagi dahil may traysikel sila ako naman naglalakad lang.

"Kamusta ang pagbabantay mo kay Ariana?" tanong nito at inayos ang salamin sa mata.

"M-Mabuti naman."

"O' bakit parang malungkot ka? Binigyan ka naman ni ate Celine ng pera di'ba?"

"Oo..kasi yung lolo ko e'."

Napapatingin sa amin ang mga studyante sa alley at nagbubulongan. Alam kong ayaw nila sa akin. Sa kanilang paningin palang at pakikitungo sa akin,alam ko na ayaw nila sa akin.

Lumiwanag ang mukha ni Kaira. "Bukas! Aalis ang ate Celine. Ako sana magbabantay kay Ariana kaso mas kelangan mo ang pera kaya ikaw na!"

My heart beat fast. Naalala ko yung lalaking humalik sa akin. Kung pupunta ba ulit ako doon, andoon parin kaya siya? Bakit ko naman siya hahanapin ulit? Di ko naman gusto 'yung halik. Masyado siyang magaling at masarap humalik.

Tumango ako kay Kaira. Sabay kaming pumasok sa room natin. Second floor ng BSED building. Like the old times napaka head turner namin. Ngumisi yung mga lalaki naming kaklase. Nagsikuhan ang mga ito.

"Nagsama pa patalaga silang dalawa huh?"

"Pareho kasing nerd."

"Parehong mukhang mangkukulam kamo."

"Shut up students and go back to your seats!" Ani ni prof Ruiz sa amin. Kaya natahimik sila.

"Hayaan mo na. Marami yatang nakaing ampalaya ang mga to. Ang bitter nila sa ating mga magaganda." Ngumisi pa si Kaira. Dahil magkatabi kami at sa kabilang row andoon si Seth at Karina na magkatabi.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora