Kabanata 11

60.7K 2.1K 161
                                    

You are mine

Nanalaytay sa aking mga ugat ang pamamanhid. Halos mapatayo rin sa pagkakaupo nang marinig iyon. Ni hindi siya nagulat sa aking naging reaksyon. Umiling-iling at napahawi sa aking buhok. Nilapag ang cellphone sa mesa.

"Wait lang.Hindi ko maintindihan." Litong-lito ako sa mga nakita. Nalilito ako sa mga litrato.

Kinagat ko ang aking labi at tinignan siyang nakatiimbagang. His arms were circling on my waist while the other were on my thigh.

"M-May anak ka.." Tumango ito.

Napasinghap ako at tinulak siya. "K-Kabit ako?" hindi ako makapaniwala.

Dinilaan niya ang labi at umiling. "You will never be."

Tinignan ko ulit ang litrato nito at nakita kong kamukhang kamukha ito ni Leon. Binalik ko ulit ang cellphone sa mesa.

"Ayoko niyan."

"Fine,I'll keep it." Sinundan ko ng tingin ang pagkuha ng kamay niya sa cellphone at binalik sa bulsa.

"Nasan' ang anak mo?" Tila maiiyak ako sa inis. God!

"Home.." Hindi nito pinigtas ang tingin sa mukha ko.

"Ang mama niya?" I asked.

Umiling ito. Seryosong nakatingin sa amin hanggang nabalot ng katahimikan. Hindi siya nagsalita.Now I get it. Wala na itong mama?

Naging tahimik ako buong gabi. I never ask him more about his son. Tila naumid ang dila ko. Naiiyak ako dahil hindi ko ito inaasahan.

Sobrang dagundong ng aking dibdib habang tahak namin ang daan papuntang bahay niya. Napaka strikto ng mga nakabantay sa gate nito. Bukod doon marami ring CCTV rito at mataas ang pader na nakapalibot sa paligid ng napakalawak na lupa.

Gabi narin kaya hindi ko makita ang paligid nito. Pababa sa kotse niya may mga yumukod na agad pagbaba namin.

"Good evening boss." Sabay sabay ang mga ito at nakahilera pa. Naka uniporme ito na kulay puti at may mga baril sa gilid. Napalunok na lamang ako.

"Good evening. This is Angelica, from now on babantayan niyo siya. Kung saan siya pupunta , maging rito sa loob ng pag mamay-ari ko dapat walang mangyaring masama sa kanya. Pag may nangyari alam niyo na."

Halos lahat ng mga ito ay napalunok kahit ako. His voice were laced of danger.

Hinawakan niya ako sa baywang at nagpatianod ako dito hanggang sa loob.

Sa bulwagan mga nakahilerang apat na may edad na babae. Mga naka uniporme ang mga ito at mukhang mga strikta.

"This is Senyora Angelica. Kahit anong pag-uutos niya susundin niyo. Bukas ng umaga kakausapin ko kayo tungkol doon."

"Masusunod Leon." Sabi ng pinakamatanda sa kanila. Nailang ako nang masdan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Salamat Nay, Nessa."

Halos mapanganga ako sa mga uri ng kagamitan dito sa loob. Sobrang kinang nang marmol na sahig. Sobrang kinis nito na halos sumabit na ako kay Leon para huwag madulas.

Sumunod ang aking mata sa bawat kurba ng hawakan nang hagdan hanggang pataas sa ikalawang palapag.

"W-Wow."

Ang kutson ng sofa nito ay makapal at tila mamahalin. May malalaking mga larawan na nasa kuwadro ang nakadikit sa dingding sa gilid lamang ng hagdan.

"You owned this place. This is all yours."

Napalunok ako. "Ang yaman niyo."

"Yes ,you are."

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now